You are on page 1of 2

Batas Militar

Noong Agosto 21, 1971, isang miting de avance ang idinaos ng


Lapiang Liberal sa Plaza Miranda para sa proklamasyon ng mga kandidato
para sa halalan ng mga senador at pinunong local. Dinaluhan ng maraming
tao ang pagtitipon na ito. Ngunit sa lugar na iyon ay may sumabog na
granada na siyang ikinasugat ng maraming tao noong panahon na iyon. Ito
ay isang sanhi daw ng terorismo. Sinundan ito ng mga ibang pang
kaguluhan at kilos protesta laban sa pamahalaang Marcos.

Kaya, idineklara ang Batas Militar noong ika-21 ng Setyembre, taong


1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081 na nilagdaan ng dating
Pangulong Ferdinand Marcos. Hakbang upang hadlangan ang mga
panganib katulad ng himagsikan, rebelyon, paglusob at karahasan.

Sa ilalim ng Batas Militar, ang buong kapuluan ay napasailalim sa


kapangyarihan ng militar sa pamumuno ng pangulo. Ginamit ni Pangulong
Marcos ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas para arestuhin at ikulong ang
mga kalaban. Kinitil ang mga karapatan ng mga mamamayan upang
malaya niyang maisagawa ang mga malawakang pagbabago. Maraming
natakot, nagalit at pagkamuhi kay Pangulong Marcos.

Kasama sa mga ikinulong ay si Senador Benigno Aquino Jr., ang


tumutuligsa sa desisyong ito ni Pangulong Marcos. Sa kanyang privilege
speech dalawang araw bago ang Batas Militar, sinabi niya na gusto lang ni
Pangulong Marcos pahabain ang kanyang termino bilang Pangulo ng
bansa.
Batas Militar:

Banta sa Demokrasya

Ipinasa ni:
Kylejun P. Martinez
Grade 7 – Padolina

Ipinasa kay:
Gng. Nirza

You might also like