You are on page 1of 8

Aralin 1

MAHALAGANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA GAWAING KAHOY, METAL,


KAWAYAN AT IBA PANG LOKAL NA MATERYALES SA PAMAYANAN

GAWAING KAHOY

I.NILALAMAN

Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga


gawaing pang-industriya tulad ng gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pa. Ang
araling ito ay makatutulong upang mapalawak ang kaalaman at kahusayan sa paggawa.

II.LAYUNIN

1. Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing


kahoy,
2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng gawaing kahoy na makikita sa
pamayanan.
3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing kahoy sa pag-unlad
ng kabuhayan ng pamilya.

III.PAKSANG ARALIN

Paksa: Mahalagang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Kahoy,


Metal, Kawayan at Iba pang Lokal na Materyales sa
Pamayanan (Bilang ng araw: 2)
Sanggunian: EPP5IA-0a-1,
Kagamitan: tsart, mga larawan

IV.PANIMULANG PAGTATASA

Ipasagot sa mga mag- aaral ang mga sumusunod na tanong.

1. Itanong sa mga bata kung may alam silang mga kagamitan na yari sa
kahoy (Halimbawa: Kahoy na sandok, mesa, bangko.)
2. Itanong sa mga bata kung sila ay may kaalaman at kasanayan sa
mga bagay na ito.

V.PAMAMARAAN

A. PAGGANYAK
1. Pagmasdan ang mga larawan na nasa ALAMIN NATIN sa
LM.
2. Piliin kung alin sa mga larawan ang yari sa kahoy.
3. Tanungin ang mga bata kung ano ang naging batayan nila sa
pagpili ng mga larawang gawa sa kahoy.
B. PAGLALAHAD

1. Talakayin ang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa


gawaing kahoy na matatagpuan sa pamayanan na nasa
Linangin Natin sa letrang A ng LM.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Isagawa ang pagsasanay na nasa Linangin Natin sa letrang B, C,


at D ng LM.

D. PAGSASANIB

Tanungin ang mga mag-aaral kung bakit mahalagang makilala ang


mga likas na yamang matatagpuan sa ating kapaligiran. (Integrasyon
sa Science at EsP)

E. PAGLALAHAT

Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Mo sa LM.

VI.PAGTATAYA

Sagutan ang Gawin Natin na matatagpuan sa LM.

Susi sa pagwawasto:
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama

VII.PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Sa inyong buong kabahayan tingnan at iguhit ang mga bagay at


kagamitan na yari sa kahoy na nasa Pagyamanin Natin sa LM.

VIII.KARAGDAGANG SANGGUNIAN:
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan
MISOSA sa EPP 5 Vol. 30
https://quizlet.com/73223110/gawaingindustriyal-flash-cards
Aralin 1.1
MAHALAGANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA GAWAING KAHOY, METAL,
KAWAYAN AT IBA PANG LOKAL NA MATERYALES SA PAMAYANAN
GAWAING METAL

I.NILALAMAN

Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga


gawaing pang-industriya tulad ng gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pa. Ang
araling ito ay makatutulong upang mapalawak ang kaalaman at kahusayan sa paggawa.

II.LAYUNIN

1. Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing


metal.
2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng gawaing metal na makikita sa
pamayanan.
3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing metal sa pag-unlad
ng kabuhayan ng pamilya.

III.PAKSANG ARALIN

Paksa: Mahalagang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Kahoy,


Metal, Kawayan at Iba pang Lokal na Materyales sa
Pamayanan (Bilang ng araw- 1)
Sanggunian: EPP5IA-0a-1,
Kagamitan: tsart, mga larawan, mga bagay o kagamitan na yari sa
metal

IV.PANIMULANG PAGTATASA

Ipasagot sa mga mag- aaral ang mga sumusunod na tanong.

1. Itanong sa mga bata kung may alam silang mga patapong bagay na
yari sa metal.
2. Itanong kung ano ang mga bagay na maaring mabuo sa mga
patapong kagamitang ito
3. Itanong sa mga bata kung sila ay may kaalaman at kasanayan sa
mga bagay na ito.

V.PAMAMARAAN

A. PAGGANYAK
1. Magpakita ng mga bagay o kagamitan na yari sa metal.
2. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang napapansin nila sa
larawan.
3. Tanungin ang mga mag-aaral kung saan yari ang mga bagay
o kagamitan na ipinakita ng guro.
4. Itanong sa mga bata kung paano nila mapagkakakitaan ang
mga bagay na ipinakita ng guro.

B. PAGLALAHAD

1. Talakayin ang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa


gawaing metal na matatagpuan sa pamayanan na nasa
Linangin Natin sa letrang A ng LM.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Isagawa ang pagsasanay na nasa Linangin Natin sa


letrang B na matatagpuan sa LM.

D. PAGSASANIB

Tanungin ang mga mag-aaral bakit kailangang pagyamanin ang


mga produktong nasa kapaligiran. (Integrasyon sa Science at EsP)

E. PAGLALAHAT

Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Mo sa LM.

VI.PAGTATAYA

Sagutan ang Gawin Natin na matatagpuan sa LM.

Susi sa pagwawasto:
1. √
2. X
3. √
4. √
5. x

VII.PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

Isagawa ang Pagyamanin Natin na matatagpuan sa LM

VIII.KARAGDAGANG SANGGUNIAN:

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan


MISOSA sa EPP 5 Vol. 30
https://quizlet.com/73223110/gawaingindustriyal-flash-cards/

Aralin 1.2
MAHALAGANG KAALAMAN AT KASANAYAN SA GAWAING KAHOY, METAL,
KAWAYAN AT IBA PANG LOKAL NA MATERYALES SA PAMAYANAN

GAWAING KAWAYAN

I.NILALAMAN

Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga


gawaing pang-industriya tulad ng gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pa. Ang
araling ito ay makatutulong upang mapalawak ang kaalaman at kahusayan sa paggawa.

II.LAYUNIN

1. Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing


kawayan.
2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng gawaing kawayan na makikita sa
pamayanan.
3. Natutukoy ang mga kabutihang dulot ng gawaing kawayan sa pag-
unlad ng kabuhayan ng pamilya.

III.PAKSANG ARALIN

Paksa: Mahalagang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Kahoy,


Metal, Kawayan at Iba pang Lokal na Materyales sa
Pamayanan(Bilang ng araw -1)
Sanggunian: EPP5IA-0a-1,
Kagamitan: tsart, mga larawan, video clip

IV.PANIMULANG PAGTATASA

Ipasagot sa mga mag- aaral ang mga sumusunod na tanong.

1. Itanong sa mga mag-aaral kung may alam silang mga kagamitan


na yari sa kawayan
2. Itanong sa mga mag-aaral kung sila ay may kaalaman at
kasanayan sa mga bagay na ito.

V.PAMAMARAAN

A. PAGGANYAK

1. Magpalabas ng isang “video clip” tungkol sa kawayan.


2. Itanong sa mga mag-aaral kung tungkol saan ang
pinanood.
3. Itanong kung ano ang mga maaaring mabuo o magawa
gamit ang mga kawayan.

B. PAGLALAHAD

2. Talakayin ang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa


gawaing kawayan na matatagpuan sa pamayanan na nasa
Linangin Natin sa letrang A ng LM.

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

Isagawa ang pagsasanay na nasa Linangin Natin sa letrang B na


matatagpuan sa LM.

D. PAGSASANIB

Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kabutihang dulot ng


gawaing kawayan at iba pang gawaing industriyal sa pag-unlad ng
kabuhayan ng isang pamilya. (Integrasyon sa Science at EsP)

E. PAGLALAHAT

Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Mo sa LM.

VI.PAGTATAYA

Sagutan ang Gawin Natin na matatagpuan sa LM.

Susi sa pagwawasto:
1. b
2. c
3. a
4. c
5. a

VII.PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:
Sagutan ang Pagyamamin Natin na matatagpuan sa LM

VIII.KARAGDAGANG SANGGUNIAN:

Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan


MISOSA sa EPP 5 Vol. 30
https://quizlet.com/73223110/gawaingindustriyal-flash-cards/

You might also like