You are on page 1of 8

PAGKABALISA NG MGA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG FILIPINO

Mae Chariz F. Burdas


Sheida Nicole D. Doble
Jamila Shane A. Jayma
Niña Sheena L. So
Southern Leyte State University-Tomas Oppus
______________________________________________________________________________

1.0 Introduksyon

Wikang Cebuano ang unang/inang wika ng mga Junior Laboratory High School ng
Southern Leyte State University – Tomas Oppus. Ang Wikang Cebuano ay isang wikang
Awstronesyo na sinasalita sa Pilipinas ng humigit kumulang 33 milyong tao at nasa ilalim o
kasapi ng pangkat ng mga wikang Bisaya. Ito ang may pinakamalaking bilang ng katutubong
mananalita sa Pilipinas, kahit na ito ay hindi pormal na itinuturo sa lahat ng mga paaralan at mga
pamantasan (Amon, 2006). Ang pangunahing wika na ginagamit nag mga Pilipino ay ang
wikang Tagalog. Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog/ Filipino: Do
They Differ sa 1itt ng Executive Order No. 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong ika- 30
ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbuo ng Wikang Pambansa.
Sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod 1itto1no1 mga watak
watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag sa isahang midyum na Wikang Filipino (Baldon
et. al 2014).

May mga mag-aaral na dumaranas ng kabalisaan sa wika, ito man ay maging sa paraang
pagsusulat o sa pagsasalita. Nahihirapan ang iba na ipadama ang kanilang saloobin,
nararamdaman at mga ideya. Kung kaya ang “Language Anxiety”, ang pagkakabalisa sa
pananalita, ay isa sa nagpapahirap sa kanila. Ito ang magiging sagabal sa kanilang mga nais
iparating. Ang kabalisaan sa wika ay maaring matukoy na pagkatakot o pangamba sa paggamit
ng kanilang wika, maging ito man ay sa paraang pagsasalita, pakikinig at maging sa pagkatuto.
Ayon kina Gardner at MacIntyre (1993), ang kabalisaan sa wika ay pagkatakot at pangamba
kung ang mag-aaral ay inaasahang gumanap sa mga inaasahang 1ito1 sa loob ng silid-aralan.

Ayon sa pinakabagong “curriculum” ng DepEd ang marka ng mga mag-aaral ay


magmumula sa kani-kanilang mga nakasulat na 1itto1, mga 1itto1 sa pagganap at lagumang
pagsususlit. Ang tatlo ay binibigyan ng timbang ng tiyak na porsyento na nag-iiba ayon sa
asignatura. Dahil 1itto, ang mga mag-aaral na hindi aaano nakikisali sa diskusyon at mga 1itto1
sa klase ay nakakakuha ng mas mababang marka kaysa sa mga aktibong nakikilahok sa mga
2itto2.

Ang bawat mag-aaral ay may iba’t ibang mga karanasan sa pagkabalisa ng wika at may
sariling mga paraan upang malampasan ito ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang
punan ang isang puwang sa wikang 2itto2no na nagsasalita ng pagkabalisa sa Junior High School
Students. Ang layunin ng papel na ito ay maiulat ang mga natuklasang dahilan sa pagkakabalisa
ng mga mag-aaral sa pagsasalita ng wikang 2ito ng Junior High School Students, lalo na kung
ano ang dahilan ng mga mag-aaral na manahimik sa silid-aralan.

Batay sa aming pananaliksik, wala pang naitalang ibang pag-aaral ukol sa pagkabalisa sa
pagsasalita ng wikang 2itto2no ng mga mag-aaral sa Junior High School ng Southern Leyte State
University-Tomas Oppus; kung gayon, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matukoy ang
pagkabalisa sa pagsasalita para sa S.Y. 2019-2020.

2.0 Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ng mga mananaliksik ang antas ng pagkabalisa


ng mga mag-aaral at makapagbigay ng rekomendasyon sa pagtugon ng problemang ito.

Layunin nitong masagot ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ba ang mga sanhi ng pagkabalisa?

2. Ano ang antas ng pagkabalisa?

3. May kaugnayan ba ang sanhi at antas ng pagkabalisa?

3.0 Metodolohiya

Ipinapakita sa bahaging ito ang mga pamamaraan na ginamit sa pag-aaral na ito.


Inilarawan 2itto ang disenyo ng pag-aaral, mga tagatugon ng pag-aaral, at ang paraan ng
paglikom ng datos.
Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng pamamaraang kwantitatibo upang makalap ang sanhi
at antas ng pagkakabalisa ng mga mag-aaral sa pagsasalita ng wikang Filipino. Ito ay gagamit ng
kwantitatibong pamamaraan sapagkat tutukuyin ang antas ng pagkakabalisa ng mga mag-aaral.
Gagamit din ang pag-aaral na ito ng “statistical tools” upang masuri ang kanilang pagkakabalisa
hinggil sa paggamit ng Filipino sa pagsasalita.

Tagatugon ng Pag-aaral

Ang mga napiling tutugon sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Junior Laboratory
High School ng pantasan ng Southern Leyte State University – Tomas Oppus. Limampung
porsyento (50%) ng buong populasyon ay aming gagawing tagatugon. Ito ay katumbas ng 67
katao. Ang mga tagatugon na ito ay pinipili gamit ang SRS (Simple Random Sampling).

Paraan sa Paglikom ng Datos

Una, ang mga mananaliksik ay gagawa ng palatanungan na kakailanganin sa isasagawang

pag-aaral. Ang mga palatanungan ay dadaan sa pilot testing. Susuriin ito ng mga eksperto kung

ang palatanungan ay angkop ba sa nasabing pag-aaral. Kapag ang palatanungan ay naaprobahan

na, ang mga mananaliksik ay hihingi ng permiso sa JLHS principal ng SLSU-TO na magsagawa

ng pag-aaral sa mga mag-aaral nito. Ang mga tagatugon ay bibigyan ng oras upang sagutan ang

mga palatanungan. Sa huli, kokolektahin ng mga mananaliksik ang mga palatanungan para

malikom ang datos na kailangan. Ang nasabing datos ay ihahanda na para sa tabulasyon,

interpretasyon, at analysis.
4.0 Bibliograpiya

Bicos, T., (2018). Pagdalumat sa Pagpasok ng Katutubong Wika sa Diskursong Pananaliksik sa


Filipino. Retrieved from: https://www.academia.edu/34767206/_Pagdalumat_sa_Pagpasok_
ng_Katutubong_Wika_sa_Diskursong_Pananaliksik_sa_Filipino

Boettger, H., (2015). What are disadvantages of using the mother tongue as the method of
instruction among primary school children? Retrieved from:https://www.researchgate.net/
post/What_are_disadvantages_of_using_the_mother_tongue_as_the_method_of_instruction
_among_primary_school_children

Castillo, C.A., (2018). Teaching in mother tongues Retrieved from: https://www.up.edu.ph/index.


Php/teaching-in-mother-tongues/

Mangabat, K., (2019). Mga Salik na Nagdudulot ng Pagtaas ng Lebel ng Anxiety o Pagkabalisa
sa Pag aaral ng Matematika ng mga Mag-aaral sa STEM Fidelis Senior Highschool Retrieved
from https://www.academia.edu/31530740/Mga_Salik_na_Nagdudulot_ng_Pagtaas_ng_Lebel
_ng_Anxiety_o_Pagkabalisa_sa_Pag_aaral_ng_Matematika_ng_mga_Mag-aaral_sa_STEM_
Fidelis_Senior_Highschool
Maxima, A., (2019). Epekto Ng Mga Wikang Filipino At Ingles Bilang Midya Sa Pagtuturo Ng
Aljebra Sa Antas Ng Pagkatuto At Atityud Ng Mgamag-Aaral Sa Kolehiyo Retrieved from:
https://ejournals.ph/article.php?id=7823

Mexic, R., (2015). Tesis Panimula Retrieved from: https://www.google.com/amp/s/vdocuments.


Mx/amp/tesis-panimula.html

5.0 Appendices

Republic of the Philippines


Southern Leyte State University-Tomas Oppus Campus
San Isidro, Tomas Oppus, Southern Leyte

Talatanungan

Maligayang bati!

Ang mananaliksik ay magsasagawa ng isang pananaliksik na pinamagatang


"Pagkakabalisa ng mga Mag-aaral sa Paggamit Filipino”. Ito ay bilang pagsasakatuparan sa
kakailanganin ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa iba’t-ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Kaugnay nito, hinihingi po ng mananaliksik ang inyong pahintulot para sa gagawing


pakikipanayam sa mga piling mag-aaral. Ang inyong pagsang-ayon sa kahilingang ito ay lubos
na pinasasalamatan.
Maraming Salamat.

Mga Mananaliksik:
Mae Chariz F. Burdas
Sheida Nicole D. Doble
Jamila Shane A. Jayma
Niña Sheena L. So

I. Profile of the Respondents

Pangalan:________________________________________________
Kasarian: ___M ___F
Baitang: _____________________

II.
Ang mga sumusunod na pahayag ay tungkol sa pagakakabalisa sa pagsasalita ng wikang
Filipino. Walang mali o tamang sagot. Basahin ng maayos at intindihin nang mabuti ang mga
pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang napiling sagot ayon sa katumbas na antas ng pagsang-ayon at
hindi pagsaang-ayon.
1- ubod na hindi sumasang-ayon
2- hindi sumasang-ayon
3-walang opinion
4-sumasang-ayon
5-ubod na sumasang-ayon
1 2 3 4 5

1. Kinakabahan ako kapag pinapasalita ako gamit ang wikang


Filipino.

2. Kinakabahan ako kapag di ko kilala ang mga taong nasa paligid


habang ako ay nagsasalita.
3. Hindi ako "relax" kahit na pinag-aralan ko na ang sasabihin ko.
4. Kinakabahan ako sa klase kapag ako lang ang sumasagot sa
tanong ng guro.
5. Nababalisa ako kapag mayroong "oral recitation".

6. Natatakot akong magkamali ng sagot.


7. Hindi ako masaya kapag alam kong magkakaroon kami ng klase
sa Filipino.
8. Nahihiya ako kapag nagsasalita ako gamit ang Filipino sa harap
ng buong klase.
9. Dahil pinupuna ng guro ang aking pananalita, nahihiya akong
pumasok sa klase.
10. Kinakabahan ako kapag mayroong grupong diskusyon.
11. Sa tingin ko mas magaling magsalita ng Filipino ang aking mga
kaklase.
12. Nababahala ako sa mga "oral tests" s Filipino.
13. Nahihiya akong magsalita dahil sa dami ng mga nanonood at
nakikinig.
14. Nababalisa ako kapag hindi ko naipahayag nang maayos ang
aking mga ideya patungkol sa paksa.
15. Mas komportable ako sa ibang wika kaysa wikang Filipino.

16. Hindi ako natutuwa kapag may mga pangkatang gawain.


17. Hindi ko gusto kong pumunta sa klase kapag alam kong may
“oral recitation”.
18. Alam ko na lahat ay nagkakamali habang nagsasalita sa wikang
Filipino, kaya natatakot ako na tawanan ng iba.
19. Hindi ko gustong magboluntaryo na sumagot sa klase.
20. Hindi ako handa na makisali sa klase kahit na kawili-wili ang
mga paksa.
21. Kahit na nag eensayo ako sa aking mga sasabihin kinkabahan
parin ako kapag ako ay pinapasalita na.
22. Hindi ako komportable kapag tinanong ng aking guro ang ibang
mga mag-aaral na iwasto ang aking mga kasanayan sa pagsasalita.
23. Nakakaramdam ako ng kaba kapag itinuwid ng aking guro ang
aking mga pagkakamali sa pagsasalita.
24. Mas kinakabahan akong pumasok sa klase naming sa Filipino.

25. Nauutal ako kapag sumasagot ako ng mga tanong sa Ingles.

26. Kinakabahan ako kapag may pangkatang Gawain.

27. Sa panahon ng “oral test”, ako ay kinakabahan


28. Kahit na pinaghandaan ko at pinag-isipan ang aking mga
sasabihin kinakabahan parin ako.

You might also like