You are on page 1of 2

VILLAFLORES, JUNNELL A.

STEM 11-6, Senior High School Department


Polytechnic University of the Philippines

LABIS NA PAGGAMIT NG INTERNET

Ang internet ang pinakamadali at pinakamabisang paraan ng komunikasyon .


Nakatutulong rin ito lalo na sa mga estudyante na mas mapadali ang paghahanap ng mga detalye
na kailangan nito sa isang partikular na gawain. Pang-akademiko man o pang-personal na interest.
Ngunit ang labis na paggamit ng internet ay maaring magresulta sa isang seryosong problema. Sa
kabilang banda, ay may ilang maaring gawin upang masolusyunan ang suliranin na ito.
Ang madaling paraan nito na makapagbukas ng mga pornography sites ay makaaapekto sa
isipan ng isang bata . Maaaring maging normal nalang para dito ang makakita ng malalaswa at
maseselan na larawan na magreresulta sa hindi magandang pag-uugali na dadalhin nito hanggang
sa kaniyang paglaki. Kaliwa't kanan na rin ang balita tungkol sa online hacking ng mga government
and company websites. Di umano'y ginagamit nila ito upang makakuha ng sapat na impormasyon
na makatutulong sa pagsagawa ng isang krimen.

Tunay ngang nakababahala ang labis na paggamit ng internet, at agarang solusyon ang
kinakailangan bago pa lumala ang suliranin na ito. Maaaring magkaroon ng mas mahigpit na
proseso at kontrol ang gobyerno sa sistema ng internet na nagkokompirma na angkop ang edad ng
isang tao sa binubuksan nitong site. Malaki rin ang gampanin ng magulang sa pagresolba ng
problemang ito. Kinakailangang subaybayan nilang mabuti ang kanilang anak at limitahan lamang
ang mga site na maari nilang buksan. Dapat ring alamin ng mga kumpanya ang mga kahinaan ng
kanilang IT security system at gawin itong restriktado lamang para sa mga nararapat na awtoridad
na gumamit nito.

Sa kabuuan, ang internet ay isang kamangha-manghang imbensyon sa larangan ng


teknolohiya. Nakatutulong ito upang mas mapadali ang proseso ng isang gawain. Ngunit hindi
lahat ng madali ay tama na. Tamang aksyon at paggamit ng bawat indibidwal, gobyerno, at mga
kumpanya ang kinakailangan upang ang imbensyon na ito ay mas mapakinabangan at maging
ligtas para sa lahat.
VILLAFLORES, JUNNELL A.
STEM 11-6, Senior High School Department
Polytechnic University of the Philippines

PAANO HAHARAPIN AT MAPANGHAHAWAKAN ANG PAGTATAPOS NG


PAGKAKAIBIGAN

Walang sinuman ang may nais na tapusin at itapon ang pagkakaibigan at mga masasaya at
malulungkot na ala-ala na nabuo sa loob ng mahabang panahon. Ngunit ang reyalidad na maaaring
may magbago sa samahan ninyo ay hindi maiiwasan. Kung nararanasan mo ngayon na hindi na
kayo interesado sa isat-sa, yung taong kasa-kasama mo noon, ay hindi na ikaw ang gustong
makasama, madalang na pag-uusap , o kaya naman ay nagkaroon kayo ng matinding pag-aaway
at hindi pagkakaintndihan.Anuman ang dahilan ng mga paggbabagong ito, ang mawalan ng
kaibigan ay isa sa pinakamahirap na sitwasyon na maaaring makaharap ninuman. Kaya't narito
ang ilan sa mga hakbang upang malampasan ang hiwalayang ito.

Una, subukang humanap ng oras at mag-ipon ng lakas ng loob na tanungin kung anong
problema ng bawat isa. Pag-unawa at pag-intindi ang kinakailangan upang mapanatili ang
pagkakaibigang inyong nasimulan. Subalit, kung hindi na madadaan sa usapan, dahil malalim na
ang hidwaan sa pagitan ninyong dalawa, ang pangalawang hakbang ay ang pagtanggap.Tanggapin
na katulad ng sa isang romantikong relasyon, na may mga pagkakaibigan na hindi tumatagal at
nagkakasawaan rin lalo na kung hindi na masaya ang isat-isa. Pangatlo ay maaari din na sumulat
ng isang liham patungkol sa nangyari sa inyong dalawa. Hindi kinakailangan na ibigay ito sa iyong
kaibigan, ngunit makatutulong ito upang mas madali mong matanggap ang sitwasyon. Maaari rin
naman na kumausap ng isang tao na makakapalagayan mo ng loob at ibahagi rito ang nangyari
upang mabawasan ang bigat na iyong nadarama. At panghuli, ang pagtatapos ng pagkakaibigan ay
isang hudyat upang suriin ang iyong sarili na kung ano at sinong tipo ng tao ang akma para sa iyo.
Magiging daan rin ito upang malaman mo na ang pagkawala ng isang kaibigan ay nagiiwan ng
isang oportunidad na papasukin sa buhay mo ang isa na mas magiging malapit sa iyo. Mula rito,
ay matututuhan mo na mas maging mabuti at mapagpahalagang kaibigan.

Tunay nga na ang pagkakaroon ng kaibigan ay isa sa mga pinakamasayang karanasan ng


bawat isa. Ngunit hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at hidwaan na
maaaring magresulta sa pagtatapos nito. Sa kabilang banda, hindi ang pag-aaway ang problema
kundi kung paano ninyo mapanghahawakan at malalagpasan ito.

You might also like