You are on page 1of 1

Raquel B.

Sacunan FILIPINO 1
BSGE 3 SEPTYEMBRE 11, 2018

“PAGIGING ISANG INHINYERO”


Bago pa man tayo nakatuntong sa kolehiyo, lahat na tayo ay
nagkaroon ng mga pangarap at mithiin sa buhay, at isang hamon sa
atin ay ang pagpili ng linyang ating papasukan. Naging napakalaking
desisyon din sa buhay natin ang pagpili ng kursong kukunin sapagkat
dito nakasalalay ang ating magiging kinabukasan. Sa panahon ng ating
pagdedesisyon ay ang paglitaw ng mga katanungan sa ating sarili
kung ano ang magiging bunga kung tayo'y nakatapos na sa kursong
napili. At pagkatapos ng masinsinang desisyon nandito tayo sa isang
sikat na eskwelahan upang tuparin at aralin ang ating napiling kurso.
Ang maging isang INHINYERO.
Inhinyero, Taga plano ng bahay, kalsada at iba pang establisyemento,
taga ayos ng elektrisidad, matalino sa matematica at malaki ang sahod;
mga karaniwang sikat na bansag sa isang inhinyero na nagiging gabay sa
mga kabataan sa pagpili ng isang kurso. Ngunit sa likod ng mga bansag na
ito ay mas malalim pang kahalagahan ng isang inhinyero sa buhay ng tao,
sapagkat ang mga inhinyero ay bahagi ng araw-araw na buhay ng isang tao
dahil sa napakalaki nitong kontribusyon sa isang indibiduwal at sa
ekonomiya ng bansa.

Inhinyero ito ay propesyong kinikilala at bukod na naitatanyag sa alin mang


propesyon. Ang pagkakaroon ng matinik na kaalaman sa matematica,
lohika, analisasyon, maparaang abilidad at sipag ay ilan lamang pundasyon
upang maging isang inhinyero.Inhinyero na magbibigay serbisyo at
kaunlaran sa kapwa tao. Ngunit ang pagiging inhinyero ay hindi nababatay
sa pagtupad sa trabaho ng propesyon, sapagkat ang isang epektibong
inhinyero ay may paninindigang magbigay serbisyo ng tapat, pantay at may
prinsipyo na maglingkod sa paraang nababatay sa tuwid na etika.

ARAL:
Kung gusto mong maging isang ganap na Inhenyero magkaroon ng
sikap at tiyaga sa lahat ng bagay na kakaharapin at mga pagsubok na
pagdadaanan. Ang kursong ito ay isa sa mga pinakamahirap at kailangan
magsakripisyo para sa kinabukasang haharapin.

You might also like