You are on page 1of 1

NEVA PREVALDO, NASUNGKIT ANG UNANG

PWESTO SA
PAGSULAT NG EDITORYAL

Ika– 9 ng Oktobre alas dyes ng umaga isinagawa


ang Pampurok na kompetisyon sa Pagsulat ng Editoryal
sa Pilar Elementary School Activity Center na nilahokan
ng Macatingog Integrated School(MIS), Pilar National
Agricultural High School(PNAHS), Oquendo National
High School,(ONHS) Cabatuan National High School
(CNHS)at Dawo Integrated School(DIS) at itinanghal ang
pamabato ng MIS na si Neva Prevaldo bilang panalo sa
kompitisyon.
Halos isang oras lang ang ibinigay ng facilitator sa
bawat kalahok para isagawa ang kanilang pagsulat ng
editoryal.
Pagkalipas ng halos isang oras, itinanghal si Neva Prevaldo mula sa Macatingog
Integrated School na nakasungkit sa unang pwesto, pangalawang pwesto naman ang naabot
ng Oquendo National High School at Pangatlo naman ang Pilar National Agricultural High
School.
At ngayon ay naghahanda na sin si Neva para sumabak sa nasabing kompitisyon
para sa Division Level. Kahit kabado siya ay mag pupursige parin siyang manalo para
maipagmalaki ng paaralang kanyang pinapasukan.

You might also like