You are on page 1of 2

Balangkas Konseptwal

Ang balangkas konseptwal ay nagbibigay ng malinaw na kaisipan batay sa

naging daloy ng pananaliksik. Ipinakikita rin dito ang mga hakbang na

isasagawa ng mga mananaliksik upang mabigyang kasagutan ang mga

suliraning inaasahang magkaroon ng kasagutan. May iba’t ibang pamamaraan

ng pagbabalangkas ang maaaring gamitin ng mga mananaliksik, kung kaya’t

mas piniling gamitin ng kasalukuyang mananaliksik ang paraang

input-process-output method.

Sa pag-aaral na ito, ang input ay kumakatawan sa beheybyor ng mga

mag-aaral. Ito ay susukatin sa pamamagitan ng talatunungan na siyang

magiging process. Samantala, ang nabuong mungkahing gawain tungo sa

pagpapaunlad ng pag-uugali at pagkilos ng mga mag-aaral ang siyang output.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na mailarawan ang beheybyor ng mga

mag-aaral gayundin ang kanilang antas ng pagkatuto sa asignaturang

Malikhaing Pagsulat sa mga mga-aaral mula sa Baitang Labing-isa at

Labing-dalawa sa istrand na Humanities and Social Sciences (HUMSS) ng

Saint Mary’s Educational Institute sa panahong panuruan 2019-2020.

Nilalayon din ng pag-aaral na itong bigyang-kasagutan ang sumusunod na

suliranin:

Haypotesis

Ang haypotesis ay isang pansamantalang pananaw sa likas na mundo; isang

konsepto na hindi pa napatunayan ngunit kung ang totoo man ay

magpapaliwanag ng ilang mga katotohanan o pangyayari


(www.vocabulary.com>dictionary). Ang mga sumusunod na pahayag ay ang

mga hinuhang ginamit ng mga mananliksik sa kasalukuyang pag-aaral:

1. May signipikanteng kaugnayan ang dalas ng pagpapakita ng beheybyor ng

mga mag-aaral sa antas ng kanilang pagkatuto.

2. Walang signipikanteng kaugnayan ang dalas ng pagpapakita ng beheybyor

ng mga mag-aaral sa antas ng kanilang pagkatuto.

You might also like