You are on page 1of 1

19-0040 2/1/2020

CHINESE NEW YEAR

Ang mga Intsik ay may sariling petsa at mga paraan ng pagdiriwang ng Bagong Taon na
kung tawagin ay Chinese New Year. Ang China ay nakalikha rin ng sariling tradisyon, kaugalian
at mga seremonya at ritwal na ang pinag-ugatan ay kanilang mga ninuno. Sa China, ang
pinakasikat na pagdiriwang ay ang New Year Festival o Chinese New Year. Kilala rin ito sa
tawag na Spring Festival sapagkat ipinagdiriwang nila sa pagwawakas ng winter o taglamig at
simula naman ng spring o tagsibol. Sinasabing ito ang pinakamahalaga at pinakamatandang
kapistahan sa China.

Ang petsa ng pagdiriwang ng Chinese New Year ay naiiba sa bagong taon ng mga
kristiyano na hindi nagbabago ang petsa. Nakapako sa unang araw ng Enero ng bawat taon.
Ngunit ang Chinese New Year ay paiba-iba ang petsa. Ang selebrasyon ay ibinabatay sa
lunar/solar caledar na may 12 buwan na naghahalili ng 28 araw at 30 araw na katumbas ng 12
full lunar cycle. Ang Chinese New Year ay sinisimulan sa unang araw ng bagong buwan (new
moon). Dahil dito, ang pagdiriwang ay pumapatak mula sa huling linggo ng malamig na Enero
hanggang sa kalagitnaan ng Pebrero. Ngayong 2020, ang Chinese New Year ay natapat sa ika-25
ng Enero. Ang 2020 ay Year of the Metal Rat.

Sa lahat ng panig ng mudo ay may komunidad ng mga Intsik, at ipinagdiriwang ang


Chinese New Year. Dito sa ating bansa, ang sentro ng pagdiriwang ay ang Chinatown sa
Binondo, Maynila.

Tulad ng nakaugalian at bahagi ng pagdiriwang, tampok ang makulay na parada at


dragon dance na sinasaliwan ng dagundong ng mga tambol at kalansing ng mga pompiyang.
May paputok at fireworks. Pinaniniwalan na ang tradisyon ng pagpapaputok ang tinularan ng
mga Pilipino tuwing Bagong Taon. Sa paniniwala ng mga Intsik, ang dragon dance at mga
paputok ay nagtataboy ng masasamang espiritu at pagsalubong naman sa magandang kapalaran
at kasaganahan sa Bagong Taon.

Tuwing Chinese New Year, ang mga Intsik ay nagsusuot ng mga damit na may dibuhong
bilog-bilog o polka dot. Naghahanda ng Nian Gao o tikoy na simbolo ng kasaganahan at ang
kalagkitan nito ay sumisimbolo ng pagkakaisa. At sa nasabing pagdiriwang, marami ring Pilipino
ang nakikiisa sa pgbibigay-buhay anuman ang relihiyon at paniniwala.

KUNG HEI FAT CHOI!

You might also like