You are on page 1of 2

Queennie Rose T.

Balaba XII- Hawking

Mrs. Leonora Basa Feb. 03, 2020

KONSEPTONG PAPEL

I. Paksa

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa adiksyon ng mga estudyante sa Malaysia


sa Facebook.

II. Rasyunal
Ang adiksyon ay tumutukoy sa “pagpapatuloy o hindi pagkakaroon ng lakas na
itigil ang isang nakasanayang Gawain maging ito man ay masama o maganda para
sa kalusugan. Ang adiksyon ay may kapangyarihang kontrolin ang pag-iisip ng isang
tao kung kaya’t mailalarawan itong bilang isang bisyo at kung hindi mapipigilan,
magdudulot ng masama sa katawan ayon kay Kant. Ang mas lalong nakakabahala
ay may 64 porsyento ng mga kabataan sa Malaysia na aminadong may adiksyon sa
internet. Samakatuwid, maituturing na ito bilang isang banta sa pagkakaroon ng
mga kabataan ng maayos, tama at normal na pamumuhay.

Mahalaga ang paksa na ito sapagkat ito ay kasalukuyang popular o


napapanahon at ginagawang pampalipas oras o hilig lalong lalo na sa mga
kabataan. Ito rin ay maituturing bilang isa sa mga dahilan o factor kung bakit ang
mga kabataang lubos na nahumaling dito ay nakakaramdam ng mga masasamang
epekto sa katawan tulad ng paglabo ng mata, pagsakit ng likod at iba pang
seryosong karamdamang nararapat na tugunan.

III. Pangkalahatang Layunin


Matukoy kung ilang porsyento sa mga respondents ang masasabing lubos na
nahuhumaling sa facebook(1), matukoy kung may kinalaman ba ang kasarian ng
mga respondents sa pagkahumaling sa facebook (2) at matukoy kung may
pagkakaiba ba sa oras ng pag-gugol sa facebook at sa Social Networking Sites (3).

IV. Rekomendasyon

Sa mga susunod na pananaliksik patungkol sa topikong ito, maaari rin nilang


bigyang pokus ang iba pang aspeto ng adiksyon sa Facebook. Halimbawa rito ay
ang pagkakaroon ng mga smart phones na siyang nagbibigay kadalian sa mga
kabataan na magkaroon ng mabilisang access sa internet na siyang magreresulta
sa pagkakahumaling nila rito. Maaari rin nilang talakayin ang iba pang impact o
resulta ng lubos na adiksyon sa facebook na maaaring magresulta ng panibagong
isyung kakaharapin ng lipunan patungkol sa facebook addiction.

You might also like