You are on page 1of 5

TELESFORO SINGSON NATIONAL HIGH SCHOOL

Megkawayan, Calinan Davao City

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Petsa: Pebrero 3 – 7, 2020

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagugnayan at sama-
samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran
B. Pamantayan sa Pagganap
Aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng komunidad at bansa
na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at
kaunlaran
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
1. Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig.
AP8AKD-IVb-2
2. Natataya ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig. AP8AKD-IVc-3.
3. Natataya ang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig. AP8AKD-IVc-3.
D. Mga Tiyak Na Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan.
2. Nauunawaan ang mahahalagang pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdigan.
3. Nakapapaghihinuha ng mga plano at hakbang sa malawakang kapayaan at pagpigil sa
mga susunod pang simple man o komplikadong digmaan.

II. NILALAMAN
A. Paksa: Ang Ikalawang Digmaan ng Daigdig
B. Batayang Aklat: Araling Panlipunan : Kasaysayan ng Daigdig p. 470-483.
C. Kagamitan: Aklat, Mapa ng Mundo, Chalk, Mga Larawan
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

a. Pagdarasal
b. Pagbati ng guro
c. Pagtatala ng Liban
d. Balitaan
e. Balik-aral

B. Paglinang ng Gawain

1. Pagganyak

Konseptong Nais ko, Hulaan Mo

Basahin ang tanong at isulat sa kwaderno ang letra ng iyong tamang sagot.

a. League of Nations d. National Socialism

b. United Nations e. Fascism

c. Hiroshima

1. Isa ito sa mga lugar sa Japan na pinasabog ng United States sa pamamagitan ng atomic
bomb.
2. Ito ang ideolohiyang pinairal ni Hitler noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

3. Ito ang tawag sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig.

2. Paglalahad

Sasagutin ng mga mag-aaral

1. Ano ang kaugnayan nito sa naganap na Unang Digmaang Pandaigdig?


2. Sa palagay mo ano kaya ang paksang tatalakayin natin sa araw na ito?

3. Pagtatalakay

Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria


1931- Inagaw ng Japan ang Lungsod ng Manchuria.

Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan at sinabing mali ang ginawang
paglusob. Kasunod ng pagkundena, itiniwalag sa Liga ng mga Bansa ang Japan.
2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa.

1933- Tumiwalag ang Germany sa Liga sapagkat ayon sa Germany, ang pag-aalis
at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag-aalis
ng karapatang mag-armas.

Adolf Hitler- Lider ng Nazi.


-layon niya na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa
Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.

3. Pagsakop ng Italy sa Ethiopia

Benito Mussolini-ang namuno para sakupin ng Italy ang Ethiopia noong 1935.
1935-Tuwirang nilabag ng Italy ang kasunduan sa Liga (Covenant of the League).

4. Digmaang Sibil sa Spain

1936- Nagsimula ang Digmaang sibil sa Spain sa pagitan ng dalawang panig: ang
pasistang Nationalist Front at ang sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga
Nasyonalista.

5. Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss)

Nais ng mga mamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany.


Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi sa Allied
Powers (France, Great Britain, at United States)

6. Paglusob sa Czechoslovakia

Setyempre 1938-hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na pagsikapan na


matamo ang kanilang awtonomiya. Dahil ditto, hinikayat ng England si Hitler na
magdaos ng isang pulong sa Munich.

1939- Nasakop ni Hitler ang Sudeten, ang mga natitirang teritoryo sa


Czechoslovia ay napunta na rin sa Germany.

7. Paglusob ng Germany sa Poland

1939- Ito ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang


Pandaigdig, ito ay ang pagpasok ng mga Germany sa Poland.
Ribbentrop-Molotov – Isang kasunduan nang hindi pakikidigma.
4. Paglalapat

Upang matiyak ang iyong pag-unawa sa mahahalagang pangyayaring nagbigay daan sa


Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gawing ang Up the Stairs Timeline. Gawing gabay ang
isinulat sa kwaderno.

5. Pagpapahalaga

Pagusapan natin To! (Sharing and Valuing)


Ano ang kailangan upang ang maliit na digmaan sa ating buhay ay mapigilan?

IV. Pagtataya

Sagutin ang mga katanungan:


1. Ano-anong pangyayari ang nagging dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
2. Sa mga binaggit na sanhi, ano sa palagay mo ang pinakamabigat na dahilan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

V. TAKDANG ARALIN

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Ano ang nagging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Bakit nagkaroon ng sigalot ang mga Bansa? Paano ito maiiwasan?

Inihanda ni: Pamela T. Reyes


SST-1

Inaprobahan ni: Jaypee P. Joromat


Office In-Charge/HT1

You might also like