You are on page 1of 11

Ipinasa ni:

Desiree Ann Hernandez Patacsil


IV - Charity
TANDANG SELO

- Ama ni Kabesang
Tales na nabaril ng
kanyang sariling
apo
KABESANG TALES

- Ang naghahangad ng
karapatan sa
pagmamay- ari ng
lupang sinasaka na
inaangkin ng mga
prayle
HERMANA
PENCHANG
- Ang mayaman at
madasaling babae na
pinaglilingkuran ni
Huli
BASILIO

- Ang mag-aaral
ng medisina at
kasintahan ni
Huli
ALPERES
- Asawa ni Dona
Consolacion
- Makapangyarihan
sa San Diego
Buod:

Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo


at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.

“Ang alperes o tenyente ng guardia sibil?” Ano raw


ang kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga
sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang bigyan ng
pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang
Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si
Kabesang Tales.

“Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni


Kabesang Tales?” Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni
Kabesang Tales ng armas eh kung tingnan siya’y parang
pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung
namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot
ng mga tulisan.
“Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli?”
Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan
dahil di marunong magdasal at di nagturo ng wastong
pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon
kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng
aklat na. Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang
tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay
isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak
sa kaluluwa ng dalaga.

Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping


napagbilhan ng mga alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay
Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng
kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang si
Tandang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng
hukuman at sa katuwaan ng mga kura at gumagawa ng lupa. Si
Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang
kibo.

You might also like