You are on page 1of 2

PANGALAN AT PETSA

Laurence Joseph R. Uy January 30, 2020


Vince Jeofrey Mendoza Gregorio
Alliyah Glen Ramos
Angelo Batongbakal
Buenda Wilson
Paul Iverson Resoso

PAMAGAT

BURAK AT PANGARAP
REPORTER’S NOTEBOOK

BUOD

Itinuturing ang Plipinas na isa sa fastest growing economy sa Asya pero sa Pilipinas din matatagpuan ang
pinakamahihirap na rehiyon. Halos 23 milyong Pilipino ang mahirap at kabilang dito ang pamilya ni Junjun.

Naninirahan sila sa Tonsuya , Malabon na kailan lang ay nagkaroon ng sunog ang lugar na ito ngayon ay
ilog ng mga basura , maitim at marumi ang tubig at animo'y dagat ng basura. Dito araw araw na sumisisid si
Junjun , 12 taong gulang, para mangalakal , hinahawi niya ang basura at unti unting kakapain ito para
makahanap ng pakikinabanagan tulad ng plastik , yero , bakal at iba pa . Wala siyang suot na kahit anong
proteksyon sa katawan tanging lakas ng baga at tibay ng dibdib ang kanyang puhunan . Tinitinis niya ang
masamang amoy nito , kasama ng basura ang mga patay na hayop tulad ng daga pero may kaba at takot din sa
dibdib dahil puwede siyang mabubog at matetano. Isa pa , maaari din siyang malunod sa dagat ng basura .
Ngunit tinitiis niya ang lahat ng ito dahil ang tanging gusto nya ay makatulong sa pamilya .

Isa ang pamilya niya sa mga na nasa dilikadong lugar , pero wala silang magawa dahil ang araw araw na
problema ng pamilya ay ang kakainin sa maghapon , kaya ang mga naipon na kalakal ay binebenta niya para
may maibili ng kahit tinapay lamang .Ang kahirapang dinaranas nila Junjun ay minana na nila sa kanilang mga
magulang.

Tanging tibay ng loob at pangarap na maging maayos din ang kanilang buhay ang kaniyang
pinanghahawakan sa kasalukuyan.

Kitang kita ang paghihirap na ginagawa ng batang ito , para sa kaniyang pamilya at para sa kanilang bahay.
Inaalay na niya ang kaniyang buhay sa trabahong ito.

Ang kabataan ang pag asa ng kabataan pero kung hahayaan na nakasadlak , nakalusong sa burak ng basura
ang mga batang nangangalakal tulad ni Junjun , saan nga ba patungo ang mahal nating bayan .

PRESI

Kahirapan ang isa sa pinakamahirap na lutasin ngyun sa bansa , lalo na sa lugar ng Malabon kung saan
nakatira si Junjun kasama ang kniyang pamilya , siya ay 12 taong gulang at ginagawa ang lahat para lang
makaahon at maitayo muli ang kanilang bahay .Ngunit , nagkaroon sila ng panibagong problema at ito ang
sunog na kung saan tinupok ang kanilang bahay , at dahil dito buong puso na nagtrabahon si Junjun , nagbatak
ng buto sa murang edad , ginawa nya ang lahat maski ang delikado at peligrong pagtatrabaho at ito ang
paninisid sa burak ng basura , para may maibenta , makakain at maitayo muli ang kanilang bahay . Sobrang
delikado nito , kase sa maling galaw maaari kang mamatay , pero ang tulad nya ay naglakas ng loob , tanging
lakas ng baga at tibay ng dibdib ang kaniyang puhunan niya dito , at kailanman hindi nag alinlangan gumawa ng
paraan para sa kaniyang pamilya , tibay ng loob at pagasa ang pinanghahawakan ni Junjun sa kasalukuyan ,
pero hanggang saan at kailan nya kaya ito matutuldukan at titigilan .
LAGOM O SINOPSIS

May lugar sa NCR na isa sa sobrang naghihirap at ito ang lugar ng Malabon . Naninirahan dito sina Junjun , 12
taong gulang , kasama ang kaniyang ama't ina pati na rin ang kaniyang mga kapatid . Bagamat mahirap , gagawin ni
Junjun ang lahat para maka-ahon sa hirap.

Ngunit heto't dumating na ang matinding problema , at ito ang pagkakaroon ng sunog sa kanilang lugar. Sa
pangyayaring ito , lalo silang naghirap , kung kaya't nangangalakal nalang siya at sumisisid sa burak na puno ng
basura .Lakas ng baga at tibay ng dibdib ang puhunan niya dito . "Hindi ako natatakot , pero nandun parin ang kaba ,
kase may mga bubog duon baka maimpeksyon ako".

Dahil sa sipag at pag-alala sa kanilang kahihinatnan , matatag at buo ang loob ni Junjun para sumuong sa burak
ng basura . "Muntikan na akong malunod dati , kase hindi ako marunong lumangoy , sinagip lang ako". Grade 1 lang
ang natapos ng batang ito , dahil sa hirap ng buhay. Ang tanging hangad niya ay maitayo muli ang kanilang bahay at
tuloy siyang nag iipon para dito.

Kitang kita ang peligro na ginagawa ni Junjun , punong puno ng mga patay na hayop, bubog, at basura. Sa
peligrong dala nito , di niya maiwasan magkasugat , buti nalang ito ay naagapan dahil sa tulong ng iba.

"Kahit di na ako mag-aral, ang mahalaga magkaroon na muna kami ng bahay , kahit na pader lang masaya na ako
dun". Kitang kita ang determinasyon ng bata na magkaroon ng bahay pero sana matupad ito. Tibay ng loob at pag
asa muna ang pinanghahawakan ni Junjun na lumulusong sa burak ng basura , pero hanggang saan kaya niya ito
matutuldukan at makaka ahon sa kahirapan.

You might also like