You are on page 1of 3

Lanting Region National High School

Masusing Banghay – Aralin


Araling Panlipunan Grade 10
Enero 27, 2016

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya at
sa bansa;
b. nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng
agrikultura.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Ang Sektor ng Agrikultura
Sangguian: Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral
Awtor: Bernard R. Balitao, Et. al.
Pahina: 363-385
Kagamitan: Laptop, powerpoint presentation, marker

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda
1. Panimula
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum
d. Pag tsek ng atendans
e. Pagbabalik-aral

B. Pagtuklas
1. Pagganyak
First 5!
Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa
isip mo kapag binasa, narinig o inaawit ang
‘Magtanim ay ‘Di Biro?
Ma’am, palay, gulay, mga halaman, tubig at lupa.
Tama! Limang puntos para sa inyo.
C. Paglalahad
Base sa aking ginawang aktiviti, ang ating
paksa sa araw na ito ay
Ang Sektor ng Agrikultura
1. Mga Gabay na Tanong
Ngayon, basahin naman natin ang mga Gabay
na Tanong. 1. Bakit mahalagang sektor ng agrikultura ang
agrikultura?
2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat
upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura?
D. Paunlarin
1. Pagtalakay
Ilang isla ang bumubuo sa Pilipinas?
Ma’am 7107 po.
Mahusay! Dahil sa lawak at dami ng mga lupain,
napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural
dahil sa malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga
gawaing agrikultura.
Malaking bilang ng mamamayan ang nasa sektor na
ito ng ekonomiya na ipinapakita sa talahanayan.
Industriya = 5 M
Agrikultura = 12 M
Paglilingkod = 18 M

AGRIKULTURA – malaking bahagi ng ekonomiya


ang nakadepende dito. Nahahati ang sektor ng
agrikultura;
1. Paghahalaman (farming)
2. Paghahayupan (livestock)
3. Pangingisda (fishery)
4. Paggugubat (forestry)
Ano-ano ang mga pangunahing pananim sa
ating bansa? Jerwin?
Ma’am ang mga pangunahing pananim sa bansa ay
palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, manga,
tabako at abaka.
Mahusay! Ang mga pananim na ito ay karaniwang
kinokonsumo sa loob at labas ng bansa.
Ayon sa NSCB, magkano ang kabuuang kita ng
sekondaryang sector noong 2012? Micha?
Ma’am, Php 797,731 Bilyon po.
Sa paghahayupan, binubuo ng pag-aalaga ng
kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba
pa.

Ang Pilipinas ay itinuturing na tagatustos ng isda sa


buong mundo.
Ang pangingisda ay nauuri sa tatlo, ano-ano ito?
Jessa? Ma’am komersiyal, municipal at aquaculture po.

Tama!
Komersyal – tumutukoy ito sa uri ng pangingisdang
gumagamit ng bangka na may kapasidad na hihigit sa
tatlong tonelada.
Ano naman ang munisipyo ng pangingisda? Ivane? Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob
ng 15km sakop ng munisipyo at gumagamit ng
Bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas
mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng
fishing vessel.

Mahusay! Ang aquaculture naman ay tumutukoy sa


pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri
nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pagisdaan:
Fresh (tabang)
Brackish (maalat-alat)
Marine (maalat)

Ang aquaculture ang may pinakamalaki ang naitala


sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan na umabot
sa anong presyo? Jemar? Php 92,289.9 Bilyon po.

Magaling! Ang pangisdaang municipal naman?


Meldy? Php 79,527.4 Bilyon po.

Tama! At ang komersyal? Ruel? Php 65,894.2 Bilyon po Ma’am.

Ito ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain


sa sektor ng agrikutura? Jhastine? Ma’am paggugubat po.

Tama. Pinagkukunan ng plywood, table, torso at


venner. Ano pa ang pinagkakakitaan na mga
produkto? Mga rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan
at dagta ng almaciga.

Tama!
Kahalagahan ng Agrikultura
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay
saan? Karen? Ma’am nakabatay po ito sa laki at taas ng kita ng mga
sektor ng ekonomiya.

Magaling! Dapat mapagtuuan ng pansin ng


pamahalaan ang lahat ng sektor, lalo na ang
agrikultura dahil dito nagmumula lahat ng pagkain ng
lahat ng mamamayan.

Ano-ano ang kahalagahan ng agrikultura; 1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng


pagkain.
2. Pingkukunan ng materyal para makabuo ng
bagong produkto.
3. Pinagkukunn ng kitang panlabas
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga
Pilipino.
5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa
sektor agrikultura patung sa sektor ng industriya at
paglilingkod.
Sa pangkalahatan, ipinapakita na ang sektor ng
agrikultura ay isang mahalagang tagapagtaguyod ng
ekonomiya ng bansa.

E. Pagpapalalim
1. Bakit mahalagang sektor ng agrikultura ang
agrikultura? Rannie?
Ma’am napakahalaga po ng sektor ng agrikultura
dahil tulad nga po ng nabanggit kanina, ito ang
tagapagtaguyod ng ekonomiya ng ating bansa.
2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat
upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Daryl?
Ma’am sa aking sariling palagay, tutulong ako na
magtanim ng maraming gulay at ibebenta koi to sa
palengke upang magkaroon ako ng kita at
maitaguyod ang sektor ng agrikultura.
F. Pangwakas na pagtataya
Gawain ang Gawain 5:
First 10!
Para sa sampung puntos! Larawan! Kilalanin! At
sagutin ang mga pamprosesong tanong. Gawin ito sa
loob ng limang minuto. Isulat ang inyong kasagutan
sa inyong mga kwaderno.

IV. TAKDANG ARALIN


1. Ano-ano ang suliranin ng sektor ng paghahalaman, paggugubat, paghahayupan, at pangingisda?
2. Ano-ano ang kasalukuyang solusyong ginagawa ng pamahalaan, mga magsasaka, at mga nasa
pribadong sektor?

Sanggunian:
1. Ekonomiks (Araling Panlipunan) Modyul para sa Mag-aaral
Pahina 370-376

Inihanda ni:
ALMARIE S. MALLABO
Praktis Titser

Sinuri ni:

Gng. SOTERA P. MOLINA


Koopereyting Titser

You might also like