You are on page 1of 2

Pilak ng

Papawirin
Bata pa lamang, akin nang kinagisnan,

pagmasdan mga talang nakabibighani sa kalawakan,

Tila mga pangarap na siyang dahan-dahang inukit,

sa dilim na kaakibat ng gabi sa langit.

Minsan sila’y nagtatago sa likod ng alapaap,

Minsan nama’y nagpapasundayag, kumikislap-kislap

Hindi maabot, hindi mabilang-bilang

Tila ‘di ko mawari, tunay nitong kalikasan

Kulay pula, kulay dilaw,

Kulay puti at ang iba’y bughaw,

Bunga’y pagkatanto ng kanilang tinagal sa langit,

Pati kung gaano ito kalamig o kainit.


Sa sobrang liit sa paningi’y gustong masilip,

Katangian nilang ‘di pa mabatid,

Parang sumasayaw sa musika nakatakip,

Sumasabay sa tugtog at nagpapalit-palit.

O, dahil dito’y taimtim na dalangin

madilim na ulap sana'y laging hawanin

upang masilayan muli ang taglay na ningning

ng mga diyamante, mga pilak ng papawirin!

hanggang sa mabatid ang hiwagang kubli,

at sana’y balang-araw ay maabot siyang maaari.

You might also like