You are on page 1of 1

Naglalakad ako sa gitna ng simbahan suot ang magarbong puting damit.

Natanaw ko ang ngiti mo


habang nakatayo ka sa dulo ng aking nilalakaran. Ang mga tao sa paligid ay nagsisipalpakan at ang iba
naman ay nag-iiyakan. Sari-saring emosyon ang biglang dumapo sa aking sistema.

Naaalala ko pa noon,

“gusto kitang makita dito sa simbahan habang suot mo’y puting damit, nais ko marinig ang ‘I do’ mula
sa iyo”.

At ngayon ay narito ka sa aking harapan, nakangiti kahit nagbabadya ang luha sa iyong mga mata.

“I do”, kasabay nito ay pagbagsak ng aking luha.

Pari ka na pala, sinta.

You might also like