You are on page 1of 6

Kiana Lexine V.

Perena – Narrator
Michelle Mayol – Denden
Jinro Escarda – Cross

TRUE LOVE WAITS

Narrator: Love, no matter how long, waits. Each and everyone of us is meant and destined for
someone, in the future. But the real challenge in life is finding that someone – someone who is
willing to accept you, someone who is going to love you, your imperfections, and your flaws,
someone who is going to support you until the end, and someone who won’t leave you no matter
how hard the situation is. Some found theirs already, some, on the other hand, are still searching.
Love is indeed a very complicated word. You are willing to wait, even if the person you’re
waiting is already in another life. Ako nga pala si Denden, at ito, ang istorya ng buhay pag-ibig
ko.

Denden: *heartbeats*
Narrator: Kahit gaano pa kalakas ang tibok ng puso mo, at kahit gaano man sya kalapit sayo,
basta’t may dumaang tren, hindi niya ito maririnig. Sinusubukan kong ibulong, kaso nakasuot ng
headset ang taong ito. Gusto ko rin sanang idaan sa sulat, kaso baka hindi nya basahin. Noong
nabuo na ang desisyon ko, at gusto ko ng sumigaw, sumakay naman sya sa tren, hindi na rin nya
narinig.
Denden: Ano ba yan! Kung kailan handa na! Bat kasi ang hiyain ko. Hayaan na nga lang, sa
susunod na lang na magkasabay ulit kami.
Narrator: limang taon na simula nung una kong nakita si Cross sa LRT. Mula siya sa ibang
eskwelahan, pero palagi kaming nagkakasabay sa train station tuwing umaga. Crush ko siya,
pero wala naman akong balak na lapitan siya o kaibiganin, kasi kuntento na ako sa pagsulyap-
sulyap sa kanya mula sa malayo. Kaso, epal yata talaga ang tadhana. Isang umaga, nalaglag ang
panyo ko dahil sa pagmamadali kong lumabas ng tren, late na ako e. Buong araw mainit ang ulo
ko kakahanap, akala ko kasi sa school ko lang nawala. Noong uwian na, nakaupo ako sa bench
habang naghihintay ng tren. Nakita kong papalapit siya sa akin.
Cross: Miss, sa tingin ko, ikaw yung nakahulog ng panyo na to? Napulot ko lang kanina. Nakita
ko rin kasing nalaglag mo nung palabas ka na ng train. Tatawagin sana kita eh kaso mukhang
nagmamadali ka.
Denden: *heartbeats* Ah.. eh.. thank you. Buti na lang nakita mo. Ayaw na ayaw kong
nawawalan ng panyo e. Buti na lang alam mong dito rin ako sumasakay pauwi.
Cross: Ah hindi, nagkataon lang. nakita lang talaga kita. Ayaw ko naman itapon, nagbabaka-
sakali rin akong makita ka para maibalik ko sayo e.
Denden: Ah sige, Salamat ulit.
Narrator: After that incident, hindi na ulit kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap. Madalas
kaming nagkakasabay at nagkakatabi, pero ngitian lang ang nangyayari. Pagkatapos nun, puro
katahimikan na lang. syempre, what do I expect? We’re not even close. *sigh* Isang umaga,
sobrang daming tao sa train station. Nakipagtulakan na ako para lang makasakay dahil male-late
na ako. At kapag sineswete ka nga naman, nakatabi ko pa sa si Cross. Hindi nga lang nakaupo
kasi puno na, pero magkatabi kaming nakatayo.
Cross: Okay ka lang ba? Pasensya na ha, sobrang masikip. Kumportable ka ba?
Denden: Ah, oo. Okay lang.
Narrator: matagal-tagal din ang nagging byahe bgo kami makarating sa first stop. Pagkabukas na
pagkabukas ng pinto, na-out of balance ako, muntik na akong mapa-upo. Buti na lang
nahawakan niya ako agad sa likod at hinila pabalik sa loob.
Cross: Kamuntik ka na don ah.
Denden: Oo nga e. Salamat ha.
Cross: Wala yon, magmove ka na ng konti dito. May space na naman eh.
Denden: Ah sige, thank you.
Narrator: Pagkatapos noon, nakakabinging katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa.
Ilang segundo, ilang minute. Napakatahimik. Hanggang sa tumigil na sa second stop ang train.
Cross: Sige, una na ako ha. Ingat ka na sa susunod.
Denden: Salamat, ikaw din!
Narrator: Nakakainis! Hanggang doon lang kami palagi ni Cross! Usap ng saglit, tapos tahimik
na. pero kahit ganoon, bawat araw na dumadaan, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa
kanya. Crush lang to dati e. hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko, isang araw, bigla
na lang napagdesisyunan kong magtapat sa kanya!
Cross: Hi.
Denden: Hello. Ay may sasabihin nga pala ako.. ah ehh..
Cross: Ano yon? Ano ulit yon?
Denden: *whisper* I like you.
Narrator: Naghintay ako ng sagot na “Ha? Ano? Anong sinabi mo?” pero wala, at pagtingin ko sa
kanya, medyo nadisappoint ako dahil naka-earphones sya.
Cross: Ano nga ulit yung sinasabi mo?
Denden: Ah wala, kausap ko lang sarili ko.
Cross: Ah ganun ba. Okay.
Narrator: Ayaw kong ulitin pa yung sinabi ko, kasi baka hindi na naman nya marinig. Grabeng
lakas ng loob ang inipon ko para doon tapos hindi nya lang naman pala narinig. Pero syempre,
ayaw ko rin naman itago ang nararamdaman ko, kaya nagdecide akong gumawa na lang ng sulat.
Papasok na ako ulit kinabukasan ng school. Magkatabi kami sa bench habang naghihintay.
Noong dumating na ang tren, kinuha ko na ang libro ko kaso nabitawan ko, dahilan para
mahulog ang sulat ko sakanya.
Cross: Hala. Papel mo yun oh, nahulog. Kaso sa ilalim pa napunta. Importante ba yun? Kung
hindi, hayaan na lang natin.
Denden: Ay oo, di importante yon. Wag na lang natin kuhanin. Tara na!
Cross: Sigurado ka?
Denden: oo.
Narrator: Tiningnan nya lang ako ng may pagtataka pero nilagpasan ko sya at pumasok na ako
sat ren. Wala din naman syang nagawa kundi sumunod na lang. Kinagabihan pag-uwi ko sa
bahay namin, sobrang umiyak ako dahil disappointed ko. Bakit parang tadhana na yung
umaayaw sa aming dalawa? Pagkatapos noon, dalawang lingo ko syang hindi nakita. Hindi ko
alam kung bakit. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.
Denden: Bakit kaya dalawang linggo na syang hindi nagtetrain station? Nagkokotse na kaya sya?
Nagkasakit? Nagdrop-out? Nagbago ng class schedule? Lumipat? O ano ba? Bakit? Bakit Cross?
Magpakita ka naman sakin!
Narrator: Namimiss ko sya. Sobrang tagal at bagal ng oras kapag wala sya. Yung 20 minutes,
parang nagiging sampung taon. Nakakabugnot, nakakainip. Akala ko mula noon, hindi ko na sya
muling makikita. Pero nung pauwi ako galing school, biglang may narinig akong boses na
dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
Cross: Hi!
Denden: Ay.. hello din.
Cross: Long time no see.
Denden: Oo nga, eh.
Cross: Nagkasakit kasi ako nung isang linggo. Pagkatapos naman nun, isang linggo rin akong
nasa camp. Stay-in kami doon eh kaya hindi na ako nakasakay masyado ng tren.
Denden: Ah, ganon ba?
Cross: Oo.
Narrator: Natuwa ako kasi kahit paano, nagkwento sya. Hindi man kami ganoong ka-close pero
nagkwento pa rin sya sa akin. Dahil don, lumakas ang loob ko. Parang may nag-urge sakin na
umamin na.. at eto na nga.
Denden: Uy ano, Cross.
Cross: Oh?
Denden: I like you.
*TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT*
Cross: Ha? Ano ulit>
Denden: Ah wala, sabi ko ayan na yung tren.
Narrator: Kasabay ng pag-amin ko ang pagdating ng tren, hindi na naman niya ako narinig. Bakit
ganon? Bakit kung kalian may sasabihin ako, pinipigilan ako ng tren? natulala ako, nalugmok,
nanghina. Nasayang na naman ang effort ko para palakasin ang loob ko, napansin nya yatang
wala ako sa sarili.
Cross: Uy. Ito na yung tren. Hindi ka ba sasakay?
Denden: Hindi pa. Mauna ka na.
Cross: Ganon ba, sige..
Narrator: Sumakay na sya doon sa loob. Sa may tapat sya ng pinto nakapwesto. Bukas pa yung
pinto ng tren kasi marami pa namang sasakay, naisip ko “Hahayaan ko na lang bang pigilan ng
tren ang nararamdaman ko?” Kaya naman lumapit ako, at sumigaw..
Denden: CROSS, GUSTO KITA!
Narrator: Ngunit sabay ng pagsigaw ko, nagsarado ang pinto ng tren at umandar ito. Alam kong
hindi nya narinig dahil nakita kong mukha siyang nagtataka. Kahit gaano kalakas ang sigaw ko,
kahit anong effort ko, wala talaga. Ayaw talaga. Pinipigilan talaga ng tren, ng tadhana. Ayaw ko
na, hindi na sumasang-ayon. Kinabukasan, naghanda ako para sa quiz saamin ng professor
namin. Maaga akong umalis, kasama ko ulit sya sat ren.
Cross: Good morning.
Denden: Hello.
Narrator: Habang nasa loob kami ng tren, busy ako sa pagrereview. Quiz lang ang nasa utak ko.
Pero, hindi pala yon ang mangyayari. Hindi lang pala iyon ang mangyayari. Nasa subway pa ang
tren ng biglang nakarinig kami ng malakas na SCREEEEECH at sinabayan ng malakas na pag-
alog nito. Tumigil ng bahagya ang tren, the impact was strong causing everyone to fall. Namatay
ang ilaw, nabasag ang mga salamin, maraming nasugatan. Yung iba, nauntog kung saan saan.
Madilim, at ang tanging maririnig mol ang ay ang iyak ng mga taong nasa loob. Nauntog ako
ngunit hindi kalakasan, at yun ang ipinagpapasalamat ko sa Panginoon. Nang maabot ko ang
cellphone ko, binuksan ko agad ang flashlight ko at hinanap ko sya.. si Cross. Nagimbal ako sa
nakita ko, nanghina, nasaktan.. nakahiga siya s aisang sulok, sugatan at duguan. Nilapitan ko sya
agad ng walang pagtataka.
Denden: A-ayos ka lang?
Cross: Ang sakit..
Narrator: Rinig mo sa boses nya na sobrang nahihirapan na sya.. nataranta ako, natakot..
Denden: Tulong! Tulong po!
Cross: Wag na, m-m-mamatay na rin a-ata ako.
Denden: Ano bang sinasabi mo? Wag ka ngang ganyan! Hahanap ako ng tulong, lahat gagawin
ko wag ka lang mamatay.
Narrator: akmang tatayo na ako ng biglang hawakan nya ako sa kamay.
Cross: Shh, d-dito ka lang.
Denden: Ano ba! Kailangan kong humanap ng tulong! Hindi pwedeng hayaan at pagmasdan na
lang kita dyan na nakahandusay at unti-unting nauubusan ng dugo/
Cross: Please, w-wag ka ng umalis.
Denden: Please, wag kang mamamatay. Please.
Cross: Kung sakali man, b-basahin mo sana to.
Narrator: Hinang hina nyang inabot ang bulsa nya at ibinigay sa akin ang isang sulat.
Pinagmasdan ko sya ng may pagtataka at saka nagtanong..
Denden: Ano ba to?
Cross: M-matagal ko n-na ring g-gustong ibigay s-sayo yan… aray!
Denden: saan? Saan ang masakit? Anong pwede kong gawin?
Cross: s-sana basahin mo..
Narrator: pagkasabi nya ng mga katagang iyon, tuluyan na nyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Natakot ako, inalog-alog ko sya. Tinapik. Hindi sya gumising, hindi sya mumulat. Walang sagot.
Ayaw kong maniwala, ayaw ko.
Denden: Huy. Wag kang pumikit. Mumulat ka naman o. sino na lang babati sakin tuwing sasakay
ako ng tren? Sino na lang makakatabi ko sa bench tuwing naghihintay ako? Huy.. mumulat ka
naman please. Wag mo ako iiwan. Please.
Narrator: Nakabaon na ang ulo ko sa chest nya..
Denden: Alam mo ba, I wasn’t waiting for the train. I was actually wating for you, always. Kung
hindi ka mumulat, sino na lang palagi kong iintayin sa umaga at sa hapon? Alam mo bang mahal
na kita? Mahal kita. Sobra.
Narrator: Pero sa dibdib nya, wala na akong marinig na tibok. Wala na. ayokong maniwala, pero
mukhang oo nga, nakarating na sya sa final destination nya. Ilang segundo, ilang minute, ilang
oras, umiiyak lang ako habang naghihitay ng himala. Sobrang tagal bago dumating ang rescue.
Sinamahan ko si Cross sa ospital. Hindi ko na kayang umiyak, wala ng lumalabas na luha.
Kinuha ko yung sulat na iniabot nya sakin at binasa ito..
Denden: “Train Girl,
Pasensya na kung yan ang tawag ko sayo, ha. Wala akong lakas ng loob alamin
man lang ang pangalan mo kasi hanggang hi at hello lang ako. Nakakatorpe kasi e. pero alam
mo ba, noon pa lang pinagmamasdan na kita. Ang cute mo kasi. Natuwa nga ako nung nalaglga
yung panyo mo kasi dun ako nakakita ng chance para magpapansin sayo. Ilang beses kong
sinubukang itanong ang pangalan mo at magtapat ng nararamdaman sayo, kaso kinakain ako
ng hiya ko. Nakakakaba kasi kapag nandyan ka. Sinusubakan kong magtapat sayo sa tuwing
nakaearphones ako. Sinasakto ko na yung kanta ay nagdedescribe ng nararamdaman ko sayo.
Kinakanta ko ang bawat lyrics sa lakas na sakto lang para marinig mo, pero hindi mo yata
napapansin yon. Nawala ako ng dalawang linggo kasi nagkasakit ako at nagcamping. Doon ko
naramdaman kung gaano kita gustong makita, sobrang namiss kita. Nasanay kasi akong araw-
araw tayong nagkikita at araw-araw na naghehello sayo. Buo na nga agad ang araw mo sa
isang hi o hello mo pa lang e. napagdesisyunan kong sumulat sayo, dito ko na ipagtatapat ang
nararamdaman ko. Alam mo kasi, mahal na kita. Okay lang kung hindi ganon ang
nararamdaman mo para sa akin, basta sana pagkabasa mo nitong sulat ko, walang
maggbabago. Ngingitian mo pa rin ako at maghehello ka pa rin. Sana ganto pa rin.
Sige, bukas na lang ulit tyo magkita.
Train Boy, Cross”
Denden: Sige, bukas na lang tayo magkita.
Narrator: naiiyak ako ng Mabasa ko ang huling kataga. Bukas? Hindi na tayo magkikita.. hindi
na tayo umabot ng bukas.

Narrator: Limang taon na ang nakalipas, hindi ko pa rin nakakalimutan. Naaalala ko pa rin bawat
sandali, naririnig ko pa rin ang bawat kataga. Nandito ako ngayon sa train station, kung saan tayo
una’t huling nagkita at nagkasama, kung saan nabuo ang bawat alaala. Wag kang mag-alala.
Hinihintay kita, at pangakong ikaw pa rin ang mamahalin ko sa kabilang buhay.
*TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT*
Denden: Ayan na pala ang tren. Paalam na.

You might also like