You are on page 1of 2

Huling Hiling...

Daniela Alvarico

Kung babalikan mo ng mabuti ang lahat ng sinabi mo saken noon, malalaman mo kung bakit
patuloy akong kumakapit hanggang ngayon.

Pilit akong hinihila ng mga salitang binitawan mo, salitang tayo lang hanggang dulo, salitang
ikaw lang, Pangako.

Kaya Mahal sandali lang, hayaan mokong magsalita.

Una, bago ka magpaalam alalahanin mo. Alalahanin mong ako yung sumalo sayo nung mga
panahong binitawan kana sa bangin ng pagkalimot.

Alalahanin mong ikaw yung pinili ko nung mga panahong nakikipagtalo saken ang mundo.

Hindi ko ginusto na mapunta ako sayo, Ikaw ang naglapit sa mga paa mo, sinundan ang daan na
saaken patungo pero ang bobo ko pinusta ko ang sarili ko sa taong hindi ako sigurado.

Pangalawa. Bago ka magpaalam, umamin ka; mata sa mata, puso sa puso, sabihin mo saken ang
totoo. Pinili mo ba talaga ako dahil ako ang mahal mo o pinili moko dahil ako yung nandyan
noon para sayo? Dahil kung utang na loob lang din naman pala ang dahilan, sana nagpasalamat
ka nalang!

Pangatlo. Bago ka magpaalam magpaliwanag ka, anong wala ako na meron sya?, Pinapasaya
kaba niya?, Mas magaling ba sya mag alaga?, Kulang paba ang "iloveyou" ko sa umaga, dahil
kung hindi pa sapat; Mahal dadagdagan ko pa.

Pang apat. Bago ka magpaalam sumagot ka, Ano ba naging problema nating dalawa, 'di ba pinag
uusapan naman natin ang lahat? Ano ba naging problema nating dalawa, bakit bigla kang
sumuko, biglaang yumuko mag isang tumakbo, kinalimutan ang tayo at heto ako, naghahabol
parin sayo.

Pang lima. Mahal makinig ka, Bago ka magpaalam sabihin mong sigurado kana sakanya. Dahil
kung hindi pa, manatili ka. Bago ka magpaalam, sabihin mong kaya mong kalimutan ang lahat ng
ating alaala dahil kung hindi mo kaya, Mahal, parang awa mo na manatili ka. AT HIGIT SA LAHAT
BAGO KA MAGPAALAM SABIHIN MONG HINDI MO NA AKO MAHAL, KUNG NAPAPAGOD KA
LANG, MANATILI KA.

Bago ka mamaalam, magpaalam ka naman! Hindi yung para kang bula na bigla nalang
mawawala at ako tong parang pusang inabandona mo na. Mahal kita e, Minahal kita, at Mahal
na mahal parin kita kaya pasensya na hangga't 'di ko naririnig ang lahat ng ito, at hindi ko
naririnig ang paalam mo Mahal, mananatili parin ako.

You might also like