You are on page 1of 1

Nobela

Ang buhay ay parang nobela


Ikaw mismo ang gagawa
Ang gagawa ng mga susunod na mga mangyayari
Kahit sa sarili mo ay hindi mo mawari
Ang buhay ay parang nobela
Minsan hindi mo inaakala
Na hindi mo pa pwedeng tapusin agad
Dahil sa buhay mo ay marami pang pwedeng mailantad
Dahil marami pang pwedeng dumating galing kung saan
Pero minsan bigla nalang sila lilisan
Kaya parang kailangan mo nanaman mag simula sa una
Gumawa ng bagong panimula
Nakakainis lang kasi pati sarili mong kwento
Hindi mo alam ang ipinupunto
Hindi mo alam ano ang magiging dulo
Nakakainis sobrang gulo
Pero sa nobelang binubuo ko
Isa lang ang nais ko
Ang maging masaya ako
Na hindi inaasa ang nararamdaman sa ibang tao
Gusto ko mapasaya ang sarili
Pero ayokong galing sa ibang tao ang kiliti
Kasi gusto ko sarili ko din ang bubuo sa kulang na piraso
Ang piraso na kulang sa puso ko

You might also like