You are on page 1of 2

SINOPSIS

Ang tema ng pelikula ay tungkol sa pamumuno. Si Gwang-hae, ang panlabing-limang hari ng


dinastiyang Joseon na wari’y nagbulag-bulagan sa korapsyon at kasakiman ng kaniyang mga opisyales sa
korte. Dahil sa paghihinala na may nagbabalak lumason sa kaniya at sa takot na malason, inutusan niya si
Heo Gyun, ang kaniyang Kalihim ng Depensa, na humanap ng isang huwad na kamukhang-kamuha niya
upang humalili sa kaniya tuwing siya’y wala sa palasyo. Nahanap ni Heo Gyun si Ha Sun, isang mahirap
na komedyanteng ginagaya at kamukhang-kamukha ang hari. Ilang araw makalipas, tuluyang nalason si
Haring Gwang Hae ng halamang Poppy na sinasabing kagagawan ng kaniyang paboritong kabit na si
Lady Han. Kinagabihan, palihim na itinakas at idinala sa liblib na lugar ang hari upang magamot. Dinala
sa korte si Ha Sun ni Heo Gyun upang ialok ang kasunduang humalili muna sa hari habang ito’y
nagpapagaling. Pumayag si Ha Sun at siya’y binihisan at tinuruan kumilos kagaya ng hari. Sa paglipas ng
araw ng pangpapanggap, pinag-aralan ni Ha Sun ang mga isyu sa korte at nadiskubre ang magulo at hindi
makatarungang pamamahala at panuntunan ng iilang mga opisyales. Binago ito ni Ha Sun. Namuno siya
bilang isang mabuting lider na may makatarungang pagdedesisyon at makatotohanang kaisipan na
isinasaalang-alang ang kabutihan ng nasasakupan at hindi hinayaang maghari ang di-makatarungan.
Maraming humanga sa kaniyang pamumuno, kabilang na ang mga malalapit sa hari. Ang simpleng
pagpapahalaga at pagrespeto ni Ha Sun sa mga tagapaglingkod sa palasyo ay nagbunga ng kasiglaan.
Marami rami ang nagampanan ni Ha Sun na di nagawang mabuti ng hari. Ang pagbibigay atensyon at
importansya sa kaligtasan ng reyna at ng kapatid nitong lalaki sa kamatayan ay nagampanan din ni Ha
Sun. Subalit nang tumagal ay lumabas ang tunay na personalidad ni Ha Sun, ang pagiging magiliw at
makatao, at napansin ang mga ito ng ilang tao sa korte, lalo na ang mga salungat sa hari. Si Park Chung-
seo, punong pagsalungat, ay napuna ang kaibahan at naniwalang impostor ang nakaluklok na hari. Maski
ang reyna ay naguluhan nang malaman ang katotohanan sa pagkakaroon ng impostor ng hari. Ipinakausap
nina Chief Eunuch at Heo Gyun kay Ha Sun na siya’y tumakas upang mailigtas ang kaniyang buhay.
Nang binalak hulihin ng mga may ayaw sa hari ang impostor, linigid sa kanilang alam ay magaling na ang
hari at nakabalik na ito sa palasyo. Ang nagpatunay na hindi impostor ang hari ay ang peklat nito sa
dibdib mula sa gyera. Nabigo mahuli ang impostor. Kinaumagahan ay tumakas si Ha Sun kasama si
Kapitan Do, ang personal na tagabantay ng hari at isa sa nabigyan ng impak ng kabaitan ni Ha Sun.
Bagamat inutos ng hari na patayin ni Kapitan Do si Ha Sun, pinatakas niya ito at binuwis ang kaniyang
buhay sa mga kawal na nais saktan si Ha Sun. Sa huli, makikitang nakasakay sa isang barko si Ha Sun at
nakitang nakatayo si Heo Gyun sa kalayuan. Nginitian nila ang isa’t isa habang mangiyak-ngiyak na
nagpapaalam at nag-uusap sa mata.

KONKLUSYON

Bilang konklusyon, masasabi na ang pelikulang Masquerade ay isang matagumpay na Sageuk.


Humakot ito ng napakaraming parangal sa mga awards show at talaga naming tinangkilik ng masa.
Magandang ipalabas ang mga saling pelikula sa klasrum set-up sapagkat nabibigyang kaalaman ang mga
mag-aaral sa historya, kultura o pulitika ng isang bansa. Nabubuksan ang isip ng nakararami sa mga
bagay na hindi pamilyar sa kanilang kultura o nakasanayang gawi. Ang Masquerade ay halimbawa nang
magandang epekto nang isang pelikula sa turismo ng bansa. Marami ang dumadayo sa Korea upang
bisitahin ang lugar kung saan ginanap ang pelikula.
Bukod sa kontribusyon ng pelikula sa pagpapayabong ng kulturang Koreano, nag-iwan din ito ng
mga magandang mensahe sa masa, at isa na dito ang pagkakaroon ng makatao at makatarungang
pamumuno sa isang sinasakupan. Labis naming nagustuhan ang pelikula sapagkat naipakita ang
kahalagahan nang respeto at katapatan sa anumang uri ng relasyon. Ang mga isyung tinalakay sa pelikula
ay talagang nangyayari at napapanahon sa mundo kung kaya’t nagsilbi rin itong panggising sa
katotohanan na laganap pa din ang korapsyon at pagkakaroon ng dibisyon mula sa mayayaman at
mahihirap. Bilang mga kabataan, sinasabing kami ang pag-asa at pagbabago ng bayan. Kung kaya’t
maganda ipalabas ang mga ganitong pelikula na nagmumulat sa mga napapanahong isyu sa mundo upang
magkaroon ng muwang sa realidad at magkaroon din ng kakayahang makipagtalastasan o
makipaginteraksyon sa mga dayuhan buhat ng kaalaman sa kultura ng ibang mga bansa.

You might also like