You are on page 1of 1

Araw ng mga Guro

Ni: Irish G. Virtudazo

Ito ay espesyal na araw ng mga guro

Na di sumusuko sa pagtuturo

Sila ay tila ba mga bayani

Na may hangaring tayo’y mapangiti

Marami pong salamat sa pagtitiis

Sa mga araw na kami ay nakakainis

Salamat po sa pagmamahal at pag-unawa

At sa walang sawang pag-aalaga

Sa aming munting selebrasyon

Nawa’y nasiyahan kayo doon

Nararapat lang na kayo ay pasalamatan

Para sa inyong kabayanihan

You might also like