You are on page 1of 4

MGA BATAYANG KAALAMAN AT  Conscious Regression – Nagaganap sa

KASANAYAN SA PAGBASA muling pagbabasa ng mahirap unawain na


bahagi ng isang teksto.
KASANAYAN SA PAGBABASA  Unconscious Regression – Nangyayari
kung ang mambabasa ay napapalingon muli
 Ang pagbabasa ay isang proseso ng sa isang salita na hindi naman
pagtanggap at pag-interpreta ng mga kinalailangan.
impormasyong nakakoda sa anyo ng wika
sa pamamagitan ng limbag na midyum
(Urquhart at Weir, 1998). KOGNISYON
 Masimbolong nakakodang mensahe.
 Kognisyon – ang aksiyong mental o
 Memorya.
proseso ng pagkakaroon ng kaalaman at
 Istratehiya. pag-unawa sa pamamagitan ng isip,
karanasan, at pandama.
HALAGA NG PAGBABASA SA TAO
o Dalawang pangunahing hakbang sa
 Susi sa pagtuklas sa mas malawak pang kognisyon
karunungan.  Pagkilala o Decoding –
 Nalilinang ng tao ang kanyang katauhan. kinikilala sa prosesong ito
 Nagdudulot ng gintong kaisipan. ang mga salitang binabasa at
 Ang pagbabasa ay nagiging pasaporte. binibigyan ng kaukulang
 Gabay sa pagtugaygay ng landas sa mga kahulugan
karanasan at mithiin.  Pag-unawa o Encoding -
 Nagiging daan sa kabatiran at karunungan. inuunawa, inaayos at
 Paglutas sa suliranin. binibigyang-anyo ang
 Nagbibigay-aliw at saya. tekstong binasa.

HAKBANG SA PAGBASA AYON KAY GRAY


LAYUNIN SA MAPANALIKSIK NA PAGBASA (1939)
 Makapangalap ng mahalagang  Persepsyon – Kakayahang bigkasin ng
impormasyon at mapataas pa ang antas ng mga pang-unawa ang mga salita.
pag-unawa.  Komprehensyon – Kakayahang
 Magpalawak at magpalalim ng pang-unawa maunawaan ang nilalaman ng teksto sa
pamamagitan ng pagbuo ng konsepto.
 Realisasyon – Nangangailangan ng
SANGKOT SA SIKOLOHIYANG ASPETO NG paghuhusga at pagwawari tungkol sa ano
PAGBASA ang sinasabi ng awtor.
 Integrasyon – Kakayahang maiangkop sa
 Mata - ginagamit upang makita, matukoy, at
buhay ng mambabasa ang anumang
makilala ang mga imahe at simbolo.
konseptong nauunawaan upang maging
 Retina - bahagi ng mata na kung saan ang
mahalagang bahagi ng kanyang karanasan
liwanag ay tumatama
para sa kinabukasan.
 Cerebral Cortex – sentro ng utak na
nagbibigay ng interpretasyon o kahulugan
sa mga simbolo.
MGA PARAAN SA PAGPAPALAWAK NG
INTERPRETASYON
GALAW NG MGA MATA SA PAGBASA
 Denotasyon – Ito ang kahulugan ng salita
 Fixation – pagtitig ng mata sa mga simbolo na nakukuha sa diksyonaryo, ang literal na
upang kilalanin at unawain ang teksto. kahulugan, kaya’y tinatawag ding “aktuwal
 Interfixation – Paggalaw ng mata mula sa na kahulugan”.
binabasa patungo sa isa pang bahagi.  Bigkas – kung paano ang salita
Maaaring mula kaliwa patungong pakanan, isinasatunog o isinasaboses pag sinabi.
o mula itaas patungo sa ibaba.  Bahagi ng pananalita – Kung nomina,
 Return Sweeps – Ito ang paggalaw ng pandiwa, panuring, o pang-ugnay.
mata mula sa isang linya patungo sa isa  Etimolohiya – Ang pinagmulan ng salita na
pang linya. nagpapahiwatig ng kultural na kahulugan.
 Regression – Ito ang pabaligtad na Kayarian ng salita kung paano ito nabuo.
pagbabasa.
 Konotasyon – Ito ang paghihiwatig o o Ibalangkas ang teksto batay sa
asossyativong kahulugan na maaaring kabuuang estruktura o kung paano
nagsaad ng kultural o pangkaranasang ito inayos ng may-akda.
kahulugan, gayundin, ng pragmatikong o Tukuyin ang suliranin na
kahulugan ayon sa pagkakagamit ng salita tinatangkang bigyang-linaw ng may
sa pangungusap. Tinatawag rin itong akda.
kontekstuwal na kahulugan. o Unawain ang mahahalagang
terminong ginamit ng may-akda
tungo sa pag-unawa ng kabuuang
DALAWANG KATEGORYA NG MAPANURING teksto.
PAGBASA o Sapulin ang mahahalagang
proposisyon ng may akda.
 Intensibo – May kinalaman sa masinsin at o Alamin ang argumento ng may akda.
malalim na pagbasa ng isang tiyak na
teksto.  Sintopikal na Antas – Pinakamataas na
o Detalyado at masusing pagsusuri ng antas ng pagbasa.
isang teksto. o Kumplikado at sistematikong
pagbasa ito sapagkat ito’y
 Ekstensibo – May kinalaman sa pagbasa humahamon sa kakayahan ng
ng masaklaw at maramihang materyales. bumabasa.
o Pagbabasa ng materyales ayon sa o Komparatibo rin dahil dapat marami
interes hindi ugnay sa mga nang nabasang libro ang bumabasa.
asignatura upang maunawaan ang o Para makapag-hambing siya,
konsepto. makapagtulad at makapag-iba-iba,
makapagsuri, makapamuna at
makapagpahalaga
KAANTASAN NG PAGBASA
o Napapailalim din sa antas na ito ang
 Primaryang antas – Tinatawag ding pag- unawang integratibo sapagkat
panimulang pagbasa sapagkat pinauunlad nagaganap sa antas na ito ang pag-
nito ang rudimentaryong kakayahan. Ibig uugnay ng bumabasa sa mga
sabihin, nililinang ito mula sa kaisipang nakukiha sa kanyang
kamangmangan. pansariling kaalaman at karanasan
o Elementaryang pagbasa rin ito dahil hanggang sa tuluyan niya itong
sinisimulang ipinatututo sa isanib sa kanyang binabasa.
paaralang elementarya.
o Wika ang pokus sa antas na ito.
LIMANG HAKBANG TUNGO SA SINTOPIKAL
NA PAGBABASA
 Mapagsiyasat na Antas – nauunawan na
ng mambabasa ang kabuuang teksto at  Pagsisiyasat – Kailangang tukuyin agad
nakapagbibigay ng impresyon dito. ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa
o Sa pamamagitan nito, isang paksang nais mong pag-aralan.
nakapagbibigay ng mabilisan ngunit  Asimilasyon – Tinutukoy ang uri ng wka at
makabuluhang paunang rebyu sa mahahalagang terminong ginamit na may-
isang teksto upang matukoy kung akda upang ipaliwanag ang kaniyang
kakailanganin at kung maaari itong kaisipan.
basahin nang mas malalim.  Mga Tanong – Tinutukoy ang ang mga
katanungang nais mong sagutin na hindi pa
 Analitikal na Antas – Ginagamit ang nasasagot o malabong naipaliwanag ng
mapanuri o kritikal na pag- iisip upang may-akda.
malalimang maunawaan ang kahulugan ng  Mga Isyu – Lumilitaw ang isyu kung kapaki-
teksto at ang layunin o pananaw ng pakinabang at makabuluhan ang nabuo
manunulat. Bahagi ng antas na ito ang: mong tanong tungkol sa isang paksaat may
o Pagtatasa sa katumpakan magkakkaibang pananaw ang mga
o Kaangkupan binasang akda tungkol sa partikular na
o Kung katotohanan o opinyon ang suliranin.
nilalaman ng teksto.  Kumbersasyon – Ang pagtukoy sa
o Upang makamit ang analitikal na katotohonan batay sa sintopikal na pagbasa
antas na pagbasa kailangang ay hindi ang pangunahing punto at layunin
isagawa ng mambabasa ang sapagkat laging kuwetiyonable ang
sumusunod: katotohanan.
o Tukuyin kung saang larangan
nakapaloob ang teksto.
MGA TEKNIK SA PAGBASA  Suring-Basa – Ito ay pagpapakilala ng
isang akda. Isa itong maikling kririka na
 Iskiming – Teknik ng pagbasa nang
naglalaman ng pagsusuri at pamumuna ng
madalian para magkaroon lamang ng
isang akda o aklat para pahalagahan ang
impresyon sa material kung dapat bang
kabuuang porma at nilalaman nito.
basahin o hindi.

o Mga hakbang sa iskiming:


PAGBASA NG MAPA, GRAF, TALAHANAYAN,
 Prebyuwing – Pag-iisip ito
AT TSART
bago magbasa ng mga
inaasahang isyu tungkol sa  Mapa – Naglalarawan ng lokasyon, hugis at
pagsang sasaliksikin. distansya. Ang mapa ay nagtuturo sa mga
 Sarveying – Pagtingin sa palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito
iba’t ibang bahagi ng aklat ay nakatutulong sa pagbibigay direksyon.
ang pagsasarvey para
madetermina kung may  Talahanayan – Maikling paraan ito ng
kaugnayan o wala ang paglalahad ng mga kaugnay na
nilalaman ng material sa impormasyong tambilang.
sinasaliksik na paksa. o Ang paksa at bilang ay maayos na
 Overbyuwing - Dagliang inihahanay sa kolum upang mabilis
pagsasabuod ito ng mga na mabasa at makagawa ng
kaisipang natunghayan sa paghahambing.
ginawang pangkalahatang
sarvey.  Tsart ng Organisasyon – binubuo ito ng
mga kahon na pinag-uugnay ng mga linya
 Iskaning – isa rin itong mabilisang teknik ng o Ang mga kahon ay nakahanay mula
pagbasa na kung saan, ispisipikong sa itaas pababa
impormasyon tungkol sa isang babasahin o Ang kahon na nasa itaas ay
ang partikular na hinahanap. karaniwang nag-iisa lamang at
kumakatawan sa pinakamataas na
 Kaswal - Ito ang karaniwang pagbasang posisyon
isinasagawa kung ang layunin ay palipasin o Nakasulat sa loob ng mga kahon
lamang ang oras habang naghihintay nang ang tungkulin o posisyon
hindi mainip. o Ang mga kahong magkakasama sa
isang hanay ay nagpapakita ng
 Komprehensibo –malalim na pagbasa ang pagkakapantay-pantay ng posisyon
teknik na ito sapagkat iniisa-isa ang bawat
detalye, walang pinalalampas sapagkat  Flow Chart – ipinapakita rito ang iba’t
maituturing na isang malaking kawalan ibang paraan ng paglalahad ng proseso
o Maaaring gumamit ng larawan
simbolo o kaya ay kahon
 Kritikal – Tinatawag ding malikhain ang o Karaniwang ito ay sinisimulan sa
teknik na ito. Layunin dito ang maging kaliwa patungo sa kanan o kaya ay
mapanlihka, ang makatuklas ng panibagong itaas pababa
konsepto at magawan ito ng bagong porma o Ito ginagamitan ng arrow upang
na maiuugnay sa kapaligirang sosyal at ipakita ang daloy ng proseso
kultural. o Sa bawat kahon o larawan ay may
nakasulat na paliwanag upang
 Pamuling-Basa - muli’t muling pagbasa ng ganap na maunawaan ang proseso
isang babasahin sapagkat napakalawak ng o Ang tsart na ito ay karaniwang
naibibigay na antas ng interpretasyon nito makikita sa mga plantang industriyal
na hindi agad nakukuha sa minsang
pagbasa.  Pictograf – ginagamit upang ipakita nang
malinaw ang halaga o bilang ng aytem.

 Basang-Tala – teknik ng pagbasa na  Bar Graf – ginagamit sa paghahambing ng


sinasabayan ng pagsulat. Pag may mga sukat at halaga ng aytem.
nasusumpungang mahahalagang kaisipan o
konsepto, itinatala ito, kaya’y
minamarkahan para sakaling kailangang  Pie Graf – ginagamit upang mahusay na
muli ang impormasyon, madali itong makita maipakita ang elasyon ng bahagi sa
o makuha. kabuuan sa pamamagitan ng porsiyento,
proporsyon at fraksyonal.
 Line Graf – ginagamit upang makita ang
mga pagbabago at pagsulong. Binubuo ito
ng dalawang dimensiyon.
o Linyang Vertikal – nagpapakita ng
bilang o halaga.
o Linyang Horisontal – nagpapakita
ng taon o ibang faktor.

BALIK-TANAW
Ano ang kahalagahan ng pagbasa sa tao?
Ano ang mga layunin sa mapanaliksik na pagbasa?
Ano ang mga sangkot sa sikolohiyang aspeto ng
pagbasa?
Magbigay ng iba’t-ibang galaw ng mga mata sa
pagbasa.
Ibigay ang mga hakbang sa pagbasa.
Ano ang mga paraan sa pagpapalawak ng
interpretasyon?
Ano ang mga antas ng pagbasa?
Ano ano ang mga teknik sa pagbasa?
Paano mabibigyang-interpretasyon ang mapa,
tsart, graf, at talahanayan?

You might also like