You are on page 1of 1

Kabanata 48: Ang Talinghaga (Buod)

Dumalaw si Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago upang dalawin si Maria. Ibinalita niya rin
dito ang pagkakatanggal niya bilang eksokuminikado. Gayunman, napalitan ang saya ni
Ibarra nang makita niya sina Maria at Linares na masayang nag-aayos ng mga
bulaklak.

Nagulat ang binatang si Linares habang namutla naman si Maria Clara. Nais sanang
tumayo ng dalaga para pumunta kay Ibarra ngunit hindi pa siya lubusang magaling.
Nakipagkuwentuhan naman siya kay Maria ngunit umalis din agad.

Magulo ang isip ni Ibarra dahil sa nakita. Napadaan siya sa ipinatatayong paaralan.
Nakita niya si Nol Juan at ibinalita rito na tanggap na siyang muli ng simbahan.

Nakita niya si Elias na abala sa paghahakot ng bato at kariton. Ipinag-utos ni Ibarra


kay Nol Juan na kunin ang mga talaan ng obrero.

Inaya ni Elias si Ibarra na mamangka upang doon pag-usapan ang isang mahalagang
bagay. Pumayag siya at naiabot naman ni Nol Juan ang talaan. Nakita niyang wala roon
si Elias.

Aral

Bahagi ng anumang relasyon ang mga tampuhan at di pagkakaunawaan. Ngunit kahit


likas ito sa mga samahan, dapat ay pinamamayani pa rin ang pag-unawa upang maayos
din ang gusot.

You might also like