EVERY TIME By Amcy M. Esteban RECITE THE RHYME A doggie on the street I found. It’s running crazily around. Sniffing the grass And the ground; Barking sound. Bow-wow-wow! From such a small doggie I asked how It can make a loud sound; You’d think it’s a big cow. KAHAPON NGAYON AT BUKAS Ang Kahapon ay nakaraan na Sama ng loob ay kalimutan mo na Subalit ang mga leksyon ay dapat tandaan Upang dating pagkakamali ay maiwasan Ang Ngayon ang pinaka importante Gawin natin ang nararapat at nakakabuti Ito ang dapat pagtuunan natin ng pansin Dito nakasalalay ang kinabukasan natin Ang mga Bukas na darating ay di pa natin alam Pag may magandang plano syempre mas mainam Pero huwag masyadong umasa sa bukas Dahil lahat ng buhay ay may wakas. Bow! BATANG MAHIRAP
Kahit na ako'y batang mahirap
May ambisyon din at mga pangarap Handang magsikap at mag-aral Umaasa sa Diyos at nag-dadasal Ang kahirapan ay hindi sagabal Para mabuhay ng matuwid at marangal Lahat ng ito ay mga pagsubok lamang Upang sukatin ang aking kakayahan. Bow! LAHING MATAPANG Minsan sa isla ng Mactan Nagpang-abot si Lapu-lapu at Magellan Si Lapu-lapu ay sadyang matapang Napatay ang dayuhang si Magellan
Doon naman sa isla in Bohol
Si Dagohoy naman ang taga-pagtanggol Lumaban sa mga mapang-aping kastila Hindi sumuko hanggang namayapa
Sa isla naman ng Luzon
Si Andres Bonifacio nangulo ng rebolosyon Lumaban para sa ating kalayaan Buhay ay inalay para sa bayan
Sila'y mga bayani ng ating bayan
Lahing Pilipino at lahing matapang Kanilang mga dugo sa ugat ko'y nananalaytay Para sa bayan buhay ay handang ialay. Bow KANDILA Pagmasdan mong mabuti ang kandila Habang nakasindi ito ay lumuluha Dahan-dahan ito ay nauupos Nagbibigay liwanag hanggang sa maubos Ang kandila ay parang simbolo Sa buhay ng mga bayaning Pilipino Kanilang liwanag inialay sa bansa Upang kalayaan ay makamtan ng bansa. Bow