You are on page 1of 1

Bakuna kontra polio, itinurok na sa mga sanggol sa lungsod ng Caloocan

Isinulat ni: Mary Ann Cuba

Ayon sa datos ay matapos halos dalawang dekada na itinala na pagiging


polio free ang Pilipinas . Isang kaso muli ng polio ang naitala sa bansa.

Ang sakit na polio ay nakakahawa dahil karaniwan itong umaatake sa


nervous system o sa utak ng isang tao. Kadalasan ay kabataan ang nakakakuha ng
ganitong sakit. Nakukuha ang sakit na ito kapag nahahawakan ang dumi o feces ng
taong mayroon nang sakit na polio.

Ang polio ay hindi mabilis gumaling at kapag nagkaroon ng komplikasyon


ay maaaring lumala pa ito at humantong sa pagiging paralytic polio o maparalisa
ang isang pasyente . Maaari itong ikamatay ng biktima, ngunit ang ating
pamahalaan ay nagsagawa ng bakuna para sa mga sanggol upang hindi sila dapuan
ng sakit.

Isa na rito ang lungsod Caloocan na nagsagawa ng polio vaccination para sa


mga sanggol na nasa dalawang buwang gulang , apat na buwan, anim hanggang
labing walong buwan at apat hanggang anim na taong gulang. Mahalaga ang
pagpapabakuna ng mga bata upang malayo sila sa sakit at upang mapanatiling
maayos ang kanilang kalusugan.

Ang polio ay nakamamatay at isang nakalulumpong sakit na nakukuha sa


karumihan ng paligid. Ayon sa Department of Health o (DOH) ay meroon na
silang plano upang mapanatiling ligtas sa polio ang Metro Manila. Kabilang sa
mga planong ito ang pagbabantay sa kalagayan ng mga bata edad limang taong
gulang pababa at payuloy na pinagtitibay ang kampanya kontra polio.

Kailangan na maging handa ang lahat at maging responsable sa ating


kalusugan upang maiwasan ang mga ganitong sakit, hindi lamang ang gobyerno
ang kailangan kumilos kundi lahat tayo. Patuloy nating isagawa ang paglilinis ng
kapaligiran upang maiwasan ang kaso ng polio at maiwasan ang paglaganap nito sa
ating bansa. Ang kalinisan at seguridad ang dapat unahin at pagtuunan ng pansin.

You might also like