You are on page 1of 6

I.

ABORSYON, BANGUNGOT SA MGA BAGONG SIBOL NA BINHI


TITLE PAGE

IPINASA NINA:
RYMAND SALEM TANA ALEXANDRA LASTIMOSA
FRANCIS VIO DICO CARLO JAY ANO-OS
ANGELEE MAGHANOY MARY JOY ENRICOSO
KATHLYN DEMETRIO KIRK CABABAROS
JOHN LLOYD CABULAY VICTORY RUDAS
10- BELL

IPINASA KAY:
PINKY G. DOROMAL
II.
PANIMULA

Ang ating mundo ay isang perpektong


simbolo ng buhay . Buhay na kung saan lahat
ay kumpleto, lahat may karapatang maging
malaya at lahat ay may karapatang mamuhay
ng payapa. Ang buhay na inihandog sa atin
ay maituturing na isang regalo na karapat-
dapat nating itanaw na utang na loob at
ipagpasalamat sa Maykapal. Dapat din natin
ingatan sapagkat ang Ama na siyang lumikha
lamang ang may karapatan na bawiin ito.
Ngunit nakakalungkot at nakakatakot isipin na ang bagay at regalo na
ipinagkaloob at ipinagkatiwalaaan sa atin ng Maykapal ay walang awang
nilalapastangan at binababoy ng iilan sa atin. Bangungot kung ituring na tila
kinatatakutan ng mga bagong sibol na binhi na nagtatangkang sirain o
wakasan ang kanilang karapatan at mga pangarap sa buhay. Ang nasabing
halimaw o bangungot na kitatakutan na mga bagong sibol na binhi ay
ang Abortion o Aborsyon. Ano nga ba ito? Ano ang mga kadahilanan o
pinag-uugat nito?

III.
ARGUMENTO SA ISYU
A. BUOD NG ARGUMENTO

Ano ba ang tinatawag na Abortion o Aborsyon? Sa paano o ano ang mga


ginagawang paraan sa pag-aborsyon?

Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o


aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal
ng embryo o fetus sa loob ng matris, na
nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede
itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag
ang babae ay nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal,
pagtistis at iba pa. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o abortion sa
Ingles ay tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng
pagbubuntis; sa medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang babae
kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-dalawampung linggo ng
pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay.

Narito ang mga Uri ng Aborsyon o Abortion


Complete Abortion - ganap na paglagas o pagtanggal sa namuong
buhay sa sinapupunan.
Habitual Abortion - kusang pagkalagas na nangyayari tatlo o higit
na pagka-kasunodsunod na pagbubuntis,
Incomplete Abortion - hindi ganap o naantala ang paglagas.
Induced Abortion - intensyonal na paglagas sa paggamit ng
gamot o instrumento.
Inevitable Abortion - ang kundisyon kung saan ang padugo ng
ari ng babae ay sumisigi, at ang serbiks ay lumalaki, kaya
nagkakaroon ng paglagas.
Infected Abortion - ito ay dahil sa inpeksyon sa lagusan sa
ari ng babae.
Missed Abortion - ito ay dahil pag abot ng patay na pitus sa
sinapupunan mahigit sa walong linggo.
Septic Abortion - ito ay dahil sa inpeksiyon sa sinapupunan
papunta sa masmalalang inspeksiyon.
Spontaneous Abortion - ito ay paglagas na kusang
nangyayari.
Therapeutic Abortion - ito ay paglagas dahil sa masamang
kalusugan.
Threatened Abortion - ito ay kung saan dumudugo ang ari ng
babae ngunit di naman naapektuhan ang serbiks, ang paglagas ay
pwedeng mangyari at di mangyari

B. MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA ARGUMENTO

Kung ikukumpara natin ang Pilipinas at Estados Unidos, sa Estados


Unidos, humigit kumulang 1.37 milyon (1996) kada taon ang naitala na
nagdedesisyon o sumasailalim sa aborsyon at tinatayang 3,700 ang
nagaganap kada araw. Sa ating bansa naman sa Pilipinas, mahigit 500,000
kababaihan ang nagdedesisyon na magpa-aborsyon kada taon. Dahil sa
illegal ang aborsyon sa ating bansa, marami sa mga kababaihan ay palihim
na ginagawa ang hindi makatarungan at makataong paraang ito. Karaniwan
sa mga ginagawang paraan sa pagpapalaglag ay ang mga sumusunod:

- Paghigop sa pamamagitan ng Vacuum Aspiration at Cannula


- Pagkayod sa pamamagitan ng Dilation at Curettage
- Pag-inom ng gamot (Medikal na Pampalaglag)

IV.
ANG SARILING POSISYON TUNGKOL SA ISYU

A. OPINYON

Para sa amin, ang Aborsyon ay hindi makatwirang gawain dahil


nagkasala ang babae sa moralidad ng tao at sa mata ng diyos. Dahil
ang bata na dinadala niya ay meron ng buhay at kung kusa (induced)
ang kanyang pagpapalaglag, ito ay itinuturing na kasalanan sa diyos
at sa batas ng moralidad ng tao. At kung itinuturing itong nakunan
(miscarriage), kasalanan din ito ng nagdadala dahil hindi siya nag-
iingat sa kanyang galaw kahit alam niya na meron siyang dinadala.

B. MGA EBIDENSYA

Sa mga nakikita namin araw-araw marami kaming nakikita mapa


social media man o sa mga usap-usapan tungkol sa mga naganap na
Aborsyon hindi lang sa ating lugar kundi pati narin sa ating bansa at
pati na rin sa buong mundo. Meron akong kaibigan na nagsasabing
ang kanyang tita ay nagdadalang-tao ng limang bata o sa ingles
quintoplets. Pumunta raw ang tita nya sa public C.R para umihi.
Pagtapos niyang umihi, bigla siyang nadulas dahil sa sobra sigurong
dulas ng C.R dahil public nga kaya nalaglag ang kanyang anak. Labis
ang kanyang pagsisisi dahil hindi niya iningatan na hindi malaglag ang
bata. Meron din kaming nakita sa social media na isang fetus pa lang
ay niluto ng mga Chinese upang kainin dahil sa kanilang batas at pati
na rin sa kanilang paniniwala tungkol dito. Labis ang aming pagkamuhi
at pagkagalit sa kanila dahil kaya pala nilang gawin ang bagay na iyon
kahit pa magkakasala sila sa diyos.
V.
KONKLUSYON

A. BUOD NG POSISYON

Sa ngayon sa ating bansa, marami na din batas ang nagbabawal


sa di-makatao at makatarungang paraang ito. Ipinapasa na din sa
ngayon ang RH Bill na kung saan nilalayon ang mag-asawa na
gumamit ng mga paraang contraceptive o family planning ngunit ito
pa din pinag-aaralan at pinagtatalunan sa senado sa ngayon sa pagitan
ng mga tagapagpasa nito at ng simbahang katoliko.

Ating tandaan, ang abortion o aborsyon ay hindi makatarungan at


makataong paraan upang masolusyunan ang problema na isang tao
may dinadala sa sinapupunan. Ang tanging paraan ay tanggapin ito
ng maluwag sa puso, maging ito man ay bunga ng intension o hindi
inaasahan. Dapat nga ay ipagpasalamat mo ito sa Maykapal sapag
pinagkatiwalaan at ipinagkalooban ka niya ng isang regalo. Sabi nga
nila "Babies are always a blessing", sapagkat sila ay mga Anghel na
nagdadala ng mga ngiti at lunas sa kalungkutan sa loob ng isang
tahanan. Sa mga walang puso na mga kalalakihan naman na
nakabuntis o nabuntis ang kanilang partner o mahal sa buhay na siya
pang nag-uudyok na ipalaglag ang bata, sana naman panindigan mo
yung mga pangako o kataga mo na "Wag ka mag-alala o Akong bahala".
Kung tunay kang lalaki at kung mahal mo talaga yung partner mo,
panagutan mo ang responsibilidad at sa halip palakasin mo ang loob
ng iyong partner at iyong suportahan.

B. PLANO NG PAGKILOS

Para sa amin, iwasan muna ang pakikipagtalik dahil nakakasama ito sa


pag-aaral ng ibang kabataan. Sa aming mga nakita sa social media, ang
gobyerno na ang nagsabi na kung hindi talaga mapigilan ang kati, gumamit
nalang ng condom o pag- safe sex para maiwasan ang Aborsiyon dahil yan
ang unang gagawin ng mga mag partner kung nabuntis na ang babae. At
habang wala pa sa tamang edad, huwag muna sanang mag boyfriend-
girlfriend dahil makaka-apekto ito sa inyong pag-iisip.
VI.
SANGGUNIAN

http://www.lakbaydiwapinas.com/blog/aborsyon-bangungot-sa-mga-bagong-
sibol-na-binhi

https://brainly.ph/question/2121472

https://www.google.com.ph/search?rlz=1C1CHBD_enPH723PH723&biw=1366&
bih=657&tbm=isch&sa=1&ei=WAo4XonCHI2JoASLt5OgCA&q=ABORSYON&oq
=ABORSYON&gs_l=img.3..0i131j0l9.392430.393248..393626...1.0..0.211.415.1j
1j1......0....1..gws-wiz-
img.UJdZ2GRzLBc&ved=0ahUKEwiJzvHeqbXnAhWNBIgKHYvbBIQQ4dUDCAc
&uact=5#imgrc=PqVh7blhSrStnM:

You might also like