You are on page 1of 29

Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 63

Appendix A:

Marilao Ecological Solid Waste Management Ordinance of 2007

Below is a copy of the Municipal Ordinance 622 also known as Marilao Ecological Solid Waste

Management Ordinance.
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 64
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 65
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 66
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 67
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 68

Appendix B:

Survey Questionnaire:

Pangalan: _________________________ Edad: _____ Kasarian

(optional)  Lalaki

 Babae

Marital Status: Natapos

 Single  Wala

 Kasal  Elementarya

 May Kinakasama  Hayskul

 Biyuda o Biyudo  Vocational

 Hiwalay sa Asawa  Kolehiyo

 Masters

 PhD

Ilan kayo sa inyong tahanan? Barangay:

 Mababa sa 4  Barangay Sta. Rosa I

 4–6  Barangay Loma De Gato

 Higit sa 6

I. Alin sa mga sumusunod ang nakita mong ginamit ng Pamahalaang Marilao sa pagpapahayag ng Marilao

Ecological Solid Management Ordinance?

 Komiks

 Brochures

 Poster

 Ang Facebook page na MarileNews,

 Ang website ng Marilao (marilao.gov.ph)

 Wala ( Kung wala, hindi na kailangang sagutan ang mga susunod na katanungan)
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 69

II. Lagyan ng tsek ang kahon ng sa tingin mo ay pinakatamang sagot sa mga sumusunod na tanong. Isang

tsek lamang sa bawat tanong.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag 2. Para sa mga tahanan, ano ang parusa ng paglalabas

kung ano ang Marilao Ecological Solid ng basura sa hindi tamang araw ng koleksyon sa

Waste Management Ordinance? unang pagkakataon?

 Ito ay ordinansang nagtataguyod ng  Hindi pagkolekta ng basura at multa na 500php

tamang pagtatapon ng basura.  Hindi pagkolekta ng basura lamang

 Ito ay ordinansang nagtataguyod ng  Multa na 1000 php

tamang pangangalaga ng mga puno sa  Hindi ko alam

Marilao

 Ito ay ordinansang nagtataguyod ng

tamang pag-aalaga ng kalusugan.

 Hindi ko alam

4. Para sa mga tahanan, ano ang parusa ng mga

3. Ano ang dapat gawin sa mga hindi naglalabas ng basura sa hindi tamang araw ng

nabubulok na basura? koleksyon sa pangalawang pagkakataon?

 Pwede itong gawing pataba sa halaman  Hindi pagkolekta ng basura at multa na 500php

 Pwede itong dalhin sa Material Recovery  Hindi pagkolekta ng basura lamang

Facility upang iresikulo  Hindi pagkolekta ng basura at multa na 1000

 Pwede itong dalhin sa Material Recovery php

Facility upang gawing pataba  Hindi ko alam

 Hindi ko alam

6. Ilang beses sa isang linggo nagkokolekta ng basura

5. Ano ang dapat gawin sa mga nabubulok na sa inyong barangay?

basura?  5 beses sa isang linggo

 Pwede itong gawing pataba sa halaman  2 beses sa isang linggo


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 70

 Pwede itong dalhin sa Material Recovery  1 beses sa isang linggo

Facility upang iresikulo  Hindi ko alam

 Pwede itong itapon kasama ng mga hindi

nabubulok na basura

 Hindi ko alam

3. Tama o Mali: Isulat ang Tama sa patlang kung ang sinasaad ng pangungusap ay katotohanan at Mali naman

kung ito ay mali.

___________1. Ang pagsusunog ng basura ay tama.

___________2. Ilabas ang basura sa oras lamang ng koleksyon.

___________3. Ang paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok ay ipinag-uutos ng Lokal na

Pamahalang Marilao

___________4. Ang mga hindi nakatakip na basurahan ay pinagbabawal.

___________5. Magtapon lamang sa tamang basurahan.


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 71
Lagyan ng tsek ang iyong opinyon tungkol sa mga sumusunod na pahayag.

Hinding hindi Hindi ako Sumasang- Lubos akong

ako sumasang- sumasang- ayon sumasang-

ayon ayon ayon

1. Nakakatulong ang mga posters, komiks,

at iba pang uri ng communicaton

channels sa pag- momotivate sa akin na

sundin ang mga nakasaad sa Marilao

Ecological Solid Waste Management

Ordinance.

Para sa mga nakakita ng komiks, lagyan ng tsek ang iyong opinyon tungkol mga sumusunod na pahayag:

Hinding hindi Hindi ako Sumasang- Lubos akong

ako sumasang- sumasang- ayon sumasang-

ayon ayon ayon

1. Ang mga kulay na ginamit sa komiks ay

nakaaya sa paningin.

2. Ang mga impormasyong nakalagay sa

komiks ay madaling intindihin kaya

naman nakaka-motivate ito sa akin

sundin ang Marilao Ecological Solid

Waste Management Ordinance.


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 72

3. Sapat ang komiks na pinamimigay sa

aming barangay upang ma-motivate

akong magtapon sa tamang tapunan.

4. Dahil sa komiks na aking nabasa, nais

ko nang palaging magtapon ng basura sa

tamang paraan.

Para sa mga nakakita ng brochures, lagyan ng tsek ang iyong opinyon tungkol mga sumusunod na pahayag:

Hinding hindi Hindi ako Sumasang- Lubos akong

ako sumasang- sumasang- ayon sumasang-

ayon ayon ayon

1. Ang mga kulay na ginamit sa brochures

ay nakaaya sa paningin.

2. Ang mga impormasyong nakalagay sa

brochures ay madaling intindihin kaya

naman nakaka-motivate ito sa akin

sundin ang Marilao Ecological Solid

Waste Management Ordinance.

3. Sapat ang brochures na pinamimigay sa

aming barangay upang ma-motivate

akong magtapon sa tamang tapunan.

4. Dahil sa brochures na aking nabasa,

nais ko nang palaging magtapon ng

basura sa tamang paraan.


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 73

Para sa mga nakakita ng posters, lagyan ng tsek ang iyong opinyon tungkol sa mga sumusunod na pahayag:

Hinding hindi Hindi ako Sumasang- Lubos akong

ako sumasang- sumasang- ayon sumasang-

ayon ayon ayon

1. Ang mga kulay na ginamit sa posters ay

nakaaya sa paningin.

2. Ang mga impormasyong nakasaad sa

posters ay madaling intindihin kaya

naman nakaka-motivate ito sa akin na

sundin ang,Marilao Ecological Solid

Waste Management Ordinance.

3. Sapat ang posters na nakapaskil sa

paligid ng aming barangay upang ma-

motivate akong magtapon sa tamang

tapunan.

4. Dahil sa poster na aking nakita, nais ko

nang palaging magtapon ng basura sa

tamang paraan.

Para sa mga nakakita sa FB page at website, lagyan ng tsek ang iyong opinyon tungkol mga sumusunod na

pahayag:
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 74

Hinding hindi Hindi ako Sumasang- Lubos akong

ako sumasang- sumasang- ayon sumasang-

ayon ayon ayon

1. Sapat ang impormasyon na nakalagay sa

FB at Website ng Marilao tungkol sa

Marilao Ecological Solid Waste

Management Ordinance.

2. Ako ay namo-motivate na sundin ang

mga nakasaad sa Marilao tungkol sa

Marilao Ecological Solid Waste

Management Ordinance dahil sa nakita

kong impormasyon sa FB at Website ng

Marilao.

3. Dahil sa impormasyong nakalagay sa FB

at Website ng Marilao tungkol sa

Marilao Ecological Solid Waste

Management Ordinance na aking nabasa,

nais ko nang palaging magtapon ng

basura sa tamang paraan.


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 75

Appendix C:

Key Informant Interview Guide

1. Ano ang mga responsibilidad na naaatasan sa inyo ng Pamahalaan ng Marilao?

2. Ano ang communication channels na inyong ginagamit upang sabihan ang mga Marileños

na sundin ang ordinansa tungkol sa tamang pagtatapong ng basura?

3. Paano kayo pumipili ng gagamiting channels?

4. Sa inyo palagay, effective po kaya ang mga channels na ito sa pag-inform sa inyong

kabarangay sa tamang pagtapon ng basura? Bakit? O bakit hindi?

5. Sa inyo palagay, effective po kaya ang mga channels na ito sa pag-motivate sa inyong

kabarangay sa tamang pagtapon ng basura? Bakit? O bakit hindi?

6. Ano po kaya ang mga pwedeng maging dahilan ng hindi pagsunod ng mga Marileños sa

ordinansang nabanggit kahit na nakita na nila ang mga channels na inyong ginagamit?
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 76

Appendix D:

Interview Transcriptions

Interview: Engr. Reynaldo Buenaventura, OIC of Marilao General Services Office

July 28, 2015

3:27 pm

Interviewer: Ano po ang ibinigay sa inyong gawain ng Pamahalaan ng Marilao?

Officer: Dito sa GSO, malawak kasi ito nasa amin ang ambulance, garbage collection.

Motorpool kasi ito. Garbage lang kailangann mo, ‘di ba? Kailangan ko bang sabihin pa ‘to?

Interviewer: Okay lang po.

Officer: Yung General Service Office, waste collection nasa amin. Yung Ambulance, nasa amin

din. Yung cleaning of Marilao River sa amin din. Although ‘di mo rin masasabing malinis na

malinis.

Interviewer: Ano po ang opinyon nyo sa pagkakasama ng Marilao sa “2007 Dirty Thirty” ng

Blacksmith Institute?

Officer: Inikot kasi namin yung ilog. Kung mapapansin mo, sa Loma De Gato, isang tulay na

maliit lang Kalookan na, di ba? Kapag pinansin mo iyon, yung basura ng Patulo, [Kalookan]

kapag bumabaha, bumabagsak sa ilog. Yung sinasabi nilang madumi yung Marilao River, hindi

lang sa Marilao yun. Kasi yung Kalookan, di ko alam kung Bagong Barrio yun, yung balita

naming dun, hindi nakakapasok yung mga [garbage] trucks dun kasi masisikip yung eskinita nila

dun.
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 77

Interviewer: Mayroon po bang “Proper Garbage Disposal Policy” ang Marilao?

Officer: Sa buong Pilipinas, talagang bawal. Bawal ang Open Dumpsite. Ang gamit natin

ngayon Open Dumpsite. Bawal yun. Ang kailangan natin ngayon Sanitary Landfill which is

hindi kaya ng mga munisipyo kasi mahal yun. Ang mayroon lang Sanitary Landfill ay sa Clark

[Pampanga], Norzagaray. San Jose. Ngayon, nagtatapon tayo sa Open Dumpsite pero dahil

bawal yun, pinasara ng DENR. Buong Bulacan ngayon, unti unting sinasara. Kamukha ngayon,

privatize na tayo ngayon eh. May humahawak na sa atin ngayong private. Marilao pa rin ang

kumukolekta pero transfer station lang. Itatapon ang basura sa isang dumpsite. Pagkatapos ay

kukunin ng private company.

Kinakasuhan na kasi ang mga LGU (Local Government Units) ngayon eh. Kapag nahuli ka ng

Ombusdman, magmumulta ka ng 500,000 php a day. So ang Marilao, dalawang buwan ng di

nagtatapon sa dumpsite, sa private landfills na.

Interviewer: Mayroon po ba kayong mga ginagawa para masabihan ang mga tao na magtapon

sa tamang paraan? Mag-segregate ng basura?

Officer: Marami, since 1998 nandito na ako sa GSO. Kasi batas talaga yan. Pero matitgas talaga

ang mga ulo ng mga tao. Walang sumusunod. Marami ng mga Mayor na dumating. Pero wala pa

din. Alam mo, nakikipag-away na yung mga tao namin.

Interviewer: Sinasabihan nyo po yung mga tao?

Officer: Hindi lang sinasabihan, mayroon kaming IEC. Nagpagawa na kami ng kalendaryo,

komiks at kung anu-ano pa. Lahat ng kailangan mong ibigay sa tao, binigay na naming kaya lang
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 78

alam moa ng sagot? “Eh uunahin pa ba naming yan?” Magtatrabaho daw sila. Aalis. “Wala na

kaming panahon dyan”.

Interviewer: Kayo po ba gumagawa ng mga yan?

Officer: Oo. Lahat ng mga Mayor nagpagawa ng ganyan eh. Marami kaming ganyan [hands

over komiks]. Iba iba kaya lang.

Noong nakaraan, nagmeeting kami ng DENR. Sabi sa amin ng DENR, “Gawa kayo ng sample

ng may sumunod sa amin”. Kaya lang matitigas talaga ang ulo eh. Buong Pilipinas walang

sumunod. Mayroon siguro kaya lang sobranng kaunti lang. Halimbawa, sa San Del Monte

[Bulacan] may isang barangay doon na ang Kapitan ay dating military. Ang mga nakatira doon

puro mga military. Ayun sila nag-sesegregate talaga sila ng basura doon.

Interviewer: Mayroon po bang batas para sa mga hindi nagtatapo ng maayos?

Officer: Ayun, lahat kasi ng mga LGU may mga sariling batas yan. Tapos iba yung batas na

National. Dati, naglagay na kami ng mga karatula noon nakalagay, “Bawal Magtapon ng Basura:

Multa 2500 php”. Inalis na rin namin, ginawa kasing sabitan ng basura eh.

Ang kailangan kasi sa atin ay Political Will. Ito yung wala sa atin. Ngayon ang nangyayari,

parang sumuko na rin ang DENR. Di naman sinabing sumuko, parang di na nila kaya. Kaya

kung hindi na makuha sa household. Sa transfer station na lang nangyayri ang segregation ng

basura. Pero mahirap kasi yun eh. Kung sa household na lang sana ang segregation, mas madali

at mas mabilis.

Alam mo ang kailangan ng Pilipinas, Political Will. Dapat nagsisimula sa gobyerno ang

pagsunod sa patakaran.
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 79

Interviewer: Maraming salamat po sa pagpapaunlak ng interview Sir. (shakes hands)


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 80

Interview with Mr. Erickson C. Labajo, Administrative Assistant

Barangay: Brgy. Loma De Gato

Oct. 2, 2015

2:10 pm

Interviewer: Ano ang mga responsibilidad na naaatasan sa inyo ng Pamahalaan ng Marilao?

Officer: Ito po ang aking pangalan at posisyon. (shows desk label: Erickson C. Labajo,

Administrative Assistant Brgy. Loma De Gato).

Interviewer: Ano ang communication channels na inyong ginagamit upang sabihan ang mga

Marileños na sundin ang ordinansa tungkol sa tamang pagtatapong ng basura?

Officer: Okay, unang una, mayroon silang MarileNews, yung Facebook page [ng Marilao]. As

side from Facebook, mayroon silang website, mayroon din silang cable channel, at

nagpapatawag din sila ng public hearing. Doon sa public hearing, iniiinvite lahat ng lahat ng

sangguniang barangay at lahat barangay captain para maupdate sila tungkol sa Marilao regarding

sa basura. As side from that, mayroon din silang mga tarpaulins [posters].

Interviewer: May nagaganap po bang pakikipag-usap sa tao para malaman yung proseso kung

paano gumawa ng channel? Paano kayo pumipili ng gagamiting channels?

Officer: Yung dissemination, like what I said, yung kanina, iniinvite yung mga kababayan natin

[for a public hearing]. Yung mga kagawad na in charge for environment ang nakikipag-

coordinate sa mga subdivisions. Let me just add na ang barangay at ang COA, .May binuo silang

alyansa regarding sa pagmi-maintain ng kalinisan.


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 81

Interviewer: Sa inyo palagay, effective po kaya ang mga channels na ito sa pag-inform sa

inyong kabarangay sa tamang pagtapon ng basura? Bakit? O bakit hindi?

Officer: So far yung ad na ginagawa at the mechanics na ginagawa [regarding sa basura] I

myself, nakukulangan ako. My own opinion lang naman yun. Nowadays, habang dumadami ang

tao, the more na lumalaki ang population. Ang hirap nilang kontrolin. So kailangan talaga yung

strict implementation and as side from that, after nung public hearing na sinasabi ko, gumagawa

ang kagawad ng ordinansa tungkol sa isyu na at ini-implement. Ang kailangan lang talaga doon

ay strong coordination with the president of the Homeowners’ Association, and we’ve been

doing this for a long time, since noong nakaupo kami.

To add, kaya ko sinabi na nakukulangan ako, kasi yung percentage ng participations and

coordination na nakukuha naming from the community, malayo sa ini-expect namin. Alam

naman natin ang mga Pilipino, may pagka-lazy ganyan. Hindi sila gaano interresado. Naririnig

lang nila pero hindi nila gagawin. Not until sila na yung maapektuhan. Kailangan talagang

palakasin pa ang alyansa sa basura at yung ordinansa kailangan higpitan. Kung ganun kasi. If

that is the case, maii-elimnate ang problema natin sa basura.

Intervierwer: Sa inyo palagay, ano po kaya yung percentage ng effectivenes po kaya ang mga

channels sa Marilao?

Officer: The last time I attended the meeting, 65%. Medyo okay na pero ang inii-aim kasi

namin, at the before end of the year, umabot na kami ng 80%. By the way yung grupo na yun

mga interns sa environment. So inassess lang naming. Estimate yung ganyan. Pero din mayroon

kaming, ginagawa na after naming magkaroon ng Clean Up, right after, igagather namin yung

mga tao. Right there and then mag tatannong kami sa mga tao. Doon kami maggagather ng data.
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 82

Doon namin nalalaman kung gaanon na ba sya kalawak at kung gaano na ba sya ka-effective.

Kasi you have to be very careful kapag gumagawa ka ng ordinansa. You have to ask. Ano ba ito?

Kaya ba ‘to ng tao? Mabigat ba yung penalty? Kasi minsan, it doesn’t depend on the gaano

kamahal yung penalty eh. Minsan, the more na tumataas yung penalty, the more hindi

sinususnod ng tao. Nakakafrustrate na. So yung hindi naman kami nagstop mag isip ng approach

na gagawin namin. Mayroon kaming Plan A, Plan B, at Plan C to think about.

Interviewer: Paano naman po ang effectiveness ng mga channels sa Brg. Loma De Gato?

Officer: Taga Loma ba kayo?

Interviewer: Opo. Sa bandang Cacas [school] po.

Officer: Dito. Sa Loma De Gato, actually, hinahanda namin ngayon ang SOBA (State of the

Barangay). Ito yung SONA ng barangay level. Doon sa mga datos na pumasok, tumataas naman.

Noong unang sabak namin, 30% lang, tapos pangalawa naging 45%, tapos naging 60 na kami.

Ngayong October lang nasa 78% na kami. Every time magki- clean up drive kami. Doon naming

inaalam kung ano na yung status ng aming proyekto. Ito ba ay effective? O ito ba ay madaling

sundin ng tao. Medyo okay naman kami so far.

Interviewer: Sa inyon palagay, effective po kaya ang mga channels sa pag-momotivate sa

inyong mga kabarangay na sundin ang ordinansa?

Officer: Yes in way. Kasi yung mga reviews na nakukuha namin about the ordinances ay

positive naman. Medyo mataas nga lang ang standards namin, ako personally. Kung yung iba,

okay na sila sa status ng basura dito, kami gusto pa namin na paigtingin pa ang proyekto.

Interviewer: Salamat po!


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 83

Officer: Sana nakatulong ako sa thesis nyo.

Interviewer: Opo! Salamat po ulit! (shakes hands)


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 84

Interview: Mr. Narciso Sotayco, Barangay Secretariat

Barangay: Brgy.Sta Rosa 1

Oct. 15, 2015

2:15 pm

Interviewer: Ano ang mga responsibilidad na naaatasan sa inyo ng Pamahalaan ng Marilao?

Officer: Ako po si Narciso Sotayco, Barangay Secretariat ng Brgy. Sta Rosa 1. Ako ang taga-

inform ng mga ordinansang binababa mula sa munisipyo ng Marilao.

Interviewer: So mayroon po bang specific na posisyon o tao na inaatasan ng pamahalaang

Marilao para sa ordinansa tungkol sa basura o kayo po baa ng humahawak n’un?:

Officer: Supposedly, mayroong dapat na committee na hahawak dyan sa mga yan [basura]. Ang

gobyerno kasi ay nahihirapan sa enforcement. Kapag gagawa ka ng ordinansa, dapat lalagyan mo

ng ngipin yan. Dapat magkaroon ng mga penalties. Iyan yung mahirap talagang i-enforce eh.

Interviewer: Okay po, Ano ang communication channels na inyong ginagamit upang sabihan

ang mga Marileños na sundin ang ordinansa tungkol sa tamang pagtatapong ng basura?

Officer: Noong nakaraan, nagpakalat kami ng mga brochures o flyers tungkol sa ordinansa sa

basura na galing sa munisipyo na aming inaadapt.

Interviewer: So paano nyo naman po sila [channels] pinipili. Depende po ba sa kakayanan ng

tao? Mayroon po ba kayong website?

Officer: Ah,dito sa barangay, wala [kaming website]. Yung munisipyo mayroon [website]. Wala

nga kaming internet dito eh.


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 85

Interviewer: Sa inyo palagay, effective po kaya ang mga channels na ito sa pag-inform sa

inyong kabarangay sa tamang pagtapon ng basura? Bakit? O bakit hindi?

Officer: Ahhh. Madaling ipakalat ang information. Nasa tao na lang talaga kung susunod sila o

hindi. Disiplina talaga ang kailangan talaga.

Interviewer: Sa tingin nyo po ba, nakakaabot sa kanila [yung ordinansa]? Kung baga, siguro po

nakakapaglagay kayo ng posters, pero sa tingin nyo po ba ay nakakaabot sa kanila or

naiintindihan po ba nila yung mga posters o aware po ba sila doon?

Officer: Naniniwala naman akong aware sila. Yun nga lang, hindi natin masasabi kung bakit

hindi sila totally nakakasunod anuman yung pinapatupad na batas. Katulad nyan Solid Waste

Management [Ordinance]. Supposed to be dapat segregated na yung mga basura. Mayroong ilan

ilang nagsasagawa. Di nga lahat.

Interviewer: I see. May multa po ba kapag kunwari nahuli ninyong hindi sumusunod sa

ordinansa tamang pagtapon, tamang pag-segregate ng nabubulok at hindi nabubulok?

Officer: Ahh. Yun nga sabi ko, sa ngayon, sa totoo lang wala kaming ordinansa para doon. Kasi

nga gagawa ka ng ordinansa, hindi mo naman maipapatupad, sayang lang.

Interviewer: Ah. Last question po, sir. Ano po kaya ang pwedeng maging dahilan nang hindi

pagsunod ng mga Marileños sa ordinansang nabanggit kahit na nakakita sila ng mga

communication channels inyong ginagamit?

Officer: Tulad nga ng sabi ko kanina, ang kailangan talaga ay disiplina. Palagay yan talaga

kulang eh, disiplina. Halimbawa yung kalagayan dyan sa basura. Ang Sta. Rosa kasi di katulad

ng ibang barangay na may garbage colleting scheme.


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 86

Interviewer: Sir, thank you po! (shakes hands)


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 87

Appendix E:

Communication Channel: Comics: Mari at Lenyo


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 88

Appendix F

Communication Channel: Brochures:

Front View

Back View
Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 89

Appendix G:

Communication Channel: Clean and Green Posters:


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 90

Appendix H:

Communication Channels: MarileNews FB Page:


Marileños’ Knowledge and Attitude toward MESWMO 91

Appendix I:

Communication Channels: Website:

You might also like