You are on page 1of 4

BINANTAYAN ANG ADARNA

Hinirang ang tatlong anak


at nagbabala ng marahas:
"ang sa inyo ay magsukab
sa akin ay magbabayad."

Nakatadhana sa utos
ang gawaing pagtatanod;
ang tatlo ay sunod-sunod;
sa magdamag walang tulog.

Tatlong hati sa magdamag


bawa't isa ay tatlong oras;
para nilang hinahatak
ang gabi sa pagliwanag.

Tik-tak ng relo'y kay bagal


may pumipigil na bakal
mga gwardyang nagbabantay
kuntento't hihinay-hinay.

Datapwa't naku! ang inggit!


Sawang maamo'y lumapit.
pag sinumpong na ang ganid
panginoo'y nililingkis.

Si Don Pedrong pinatawad


sa gawang hindi matapat,
sa sarili'y naging galak
kapatid ay...ipahamak!

Naisipan isang gabi


sa kaniyang pagsasarili
dapat daw makasalisi
upang makapaghiganti.

Kapatid na pangalawa
ay isinasama niya
Maggwagwardiya sa Adarna
sabay ding magpahinga.
Si Don Diego ay nagtatanong:
"Sasabay ba ko ngayon?
Mamaya'y sino kung gayon
Ang magababantay ng ibon?"

Kay Don Pedrong kasagutan


"Gisingin mo si Don Juan
pagdating dito ay iwan
huwag mo siyang halinhan."

"At paano naman siya?"


"Huwag kang mag-alala;
tatanod nang makalawa
bukas tayo magkikita."

Ang dalawa'y nagkasundo


nag-agapay na sa upo
sa kwentuhat mga biro
tumugtog ang ikasampu.

Ginising na si Don Juan


sa tulog na kasarapan,
di man oras magbantay
tapat sa pusong nagbigay.

Sa sili ay lumabas na
kahit nag-aantok pa,
at hiniling sa dalawa
halinhan siyang maaga.

At sapagkat nahirapan
nang mga gabing sinundan
antok ay di napigilan
nangungudngud sa upuan.

Bakit nang gabing iyon


napakasarap ng simoy
ang prinsepe ay sinumpong
matulog nang mahinahon

Walang pag-aalinlangan
humilig na sa upuan
himbing ay gayon na lamang.

Lumapit na ang dalawa


pinakawalanh ang Adarna,
kaya't nang magising siya
takot agad ang nadama.

UMALIS SI DON JUAN

Pagbati na ng umaga
Si Don Jua'y umalis na
wika'y "Ito ang maganda
may sala'y di na makita."

Nagising na itong hari


masaya na at may ngiti
ang Adarnang minimithi
pinuntahang dali-dali.

Gaano ang panginginig,


mga mata'y nanlilisik
nang sa hawla'y di mamasid
Adarnang aliw ng dibdib.

Nangangalit na tinawag
ang tatlong Prinsipeng anak
dadalawa ang humarap
kapwa hindi nangapuyat.

Dalawa'y pinagsabihan
huwag siyang paglilihiman,
sagot nila "Ama'y ewan."
ang bantay po'y si Don Juan."

Ipahanap ang bunso,


Nguni't saan masusundo?
Matagal nang nakalayo,
di sa hangad na magtago.

Saka bakit hahanapin


Sa kaharap yaong taksil?
mga anak Na suwail,
magbulaan ay magalin!

Mga bukid, burol, bundok,


bawat gubat pinapasok
bawat pinto'y kinakatok
bawat kuweba'y sinusuot.

Wala, wala si Don Juan


napagod na ang pananaw ...
"Siya kaya'y napasaan
hindi natin matagpuan?"

Lakad, tanaw, silip, sipat


sa kahuyan at palanas,
sa kanilang kahahanap
nahapo at nangayayat.

Gayon pa ma'y patuloy


tulad nila'y mamamansing
nang sa dagat ay alatin,
walang huli'y naroon din.

Kanilang pagmamatuwid
na huwag munang magbalik
kung ang bawa't pagsasakit
di man dapat ay may langit,

Di nga naman nagtagumapay


Ang tiyagang pinuhunan;
nakita rin si Don Juan
sa Armenyang kabundukan.

Noon niya napagsukat


ang sa tao palang palad,
magtiwala ay mahirap
daan ng pagkapahamak.

You might also like