Professional Documents
Culture Documents
TG - Ap 1 - Q4 PDF
TG - Ap 1 - Q4 PDF
Panimula:
Sa yunit na ito, mapalalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral
tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupo o
samahang kinabibilangan niya.
Malaking bahagi ng yunit na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng mga
batayang konsepto sa heograpiya. Masisisyasat nila ang kapaligiran ng
kanilang tirahan at paaralan. Sa pamamagitan nito, malilinang nila ang ilan
sa mga pangunahing kasanayan sa paggawa at pagggamit ng mapa
upang matukoy, mahanap at masabi ang mga pamilyar na lugar sa paligid
ng kanilang tirahan at paaralan.
Sa mga aralin sa yunit 4, magkakaroon ng kamalayan ang mga mag-
aaral tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupong
kanilang kinabibilangan. Mauunawaan din nila ang pag-uugnayan, pag-
aasahan, at pagtutulungan ng pamilya at paaralan upang matugunan ang
kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.
Mga Tema:
Nakapaloob sa mga aralin sa Yunit 4 ang mga sumusunod na tema:
1. Tao, Kapaligiran, at Lipunan
2. Panahon, pagpapatuloy at pagbabago
3. Kultura at pagkakakilanlan
Mga Layunin:
Matapos ang pag-aaral ng Yunit 4 gamit ang modyul na ito,
inaasahang magagawa ng iyong mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. natutukoy ang distansiyang katulad ng malapit at malayo.
2. naituturo ang direksyon tulad ng kanan at kaliwa, likod at harapan, at
iba pa.
3. natutukoy ang paraan ng pag-uugnayan at pagtutulungan ng
pamilya at paaralan para sa kabutihan ng anak/mag-aaral.
4. napahahalagahan ang ugnayan at pagtutulungan ng pamilya at
paaralan.
71
Malikhaing pag-iisip
paggawa ng mapa
pagguhit
Pagpapahalaga pagkilala sa ugnayan ng pamilya at paaralan
paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa
pakikiisa sa mga pangkatang gawain
pagtapos sa gawain sa takdang oras
Paglahok paglalaro
pakikilahok sa talakayan
pag-awit
Panimula:
Pag-isipan:
Ano ang distansya? Paano ito maituturo sa mga mag-aaral?
Gawain 1
Tulungan ang mga mag-aaral na bumuo ng pangkat na may tatlong
kasapi. Magtakda ng titik sa bawat kasapi. Halimbawa, ang unang kasapi ay
titik A, ang ikalawa ay titik B at ang ikatlo ay titik C. Bigyan ng dalawang tali
ang kasapi A. Ang kasapi B at kasapi C naman ang hahawak sa dulo ng
magkabilang tali. Hawak ang dulo ng tali, sabihan ang kasapi B at kasapi C
na lumayo sa kasapi A hanggang sa maunat ang tali.
72
Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang konsepto ng distansya: Ang lapit
o layo sa pagitan ng dalawang bagay ay tumutukoy sa distansya.
Maari pang mag-isip at magpagawa ng iba pang mga pagsasanay
upang lubusang maunawaan ng mga mag-aaral ang distansya.
Gawain 2
Ipasuri sa mga mga-aaral ang mga larawang nasa ibaba. Ipaguhit sa
kanilang kwaderno ang bagay na hinihingi sa
bawat bilang.
A. Mula sa pisara, aling bagay ang mas malapit?
73
Gawain 3
Subukang ipasukat sa mga mag-aaral ang distansya ng mga bagay
na nakatala sa ibaba. Isulat kung ilang *hakbang ang layo sa pagitan ng
dalawang bagay. Maaring ipasulat ang kanilang sagot sa activity sheet,
kwaderno o isang buong papel.
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
a. Aling mga bagay ang malapit sa pisara?
b. Aling mga bagay ang malayo sa pisara?
*Maari ring gumamit ng ruler o isang patpat sa pagsukat ng distansya.
Gabayan o i-scaffold ang mga mag-aaral sa gawaing ito.
Pag-isipan:
Alam na ba ng iyong mga mag-aaral kung saan ang kanilang kanan,
kaliwa, likod at harapan?
Gawain 1
Upang lubusang matandaan ng mag-aaral kung alin ang kaliwa at
kanan, ituro at ipaawit ang awiting “I have two hands”. Ituro ang
karampatang mga aksyon ng nasabing awitin.
74
Gawain 2
Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan ng iba’t ibang hayop na
nasa ibaba. Sabihin sa mga bata na bilugan ang mga hayop na nakaharap
sa kanan at ikahon ang mga hayop na nakaharap sa kaliwa sa kani-
kanilang sagutang papel.
3
2 .
1 .
.
4
. 5
.
6 7
. . 8
.
Gawain 3
Ipaawit ang kantang pinamagatang “Kumusta ka?” Ipakita sa mga
mag-aaral ang kilos na akma sa mga titik ng awitin. Ipasunod sa mga mag-
aaral ang iyong mga kilos habang masaya ninyong inaawit ito.
Kumusta ka?
Kumusta ka?
Halina’t magsaya
Pumalakpak, pumalakpak
Ituro ang paa
Padyak sa kanan
Padyak sa kaliwa
Umikot nang umikot at humanap ng iba
75
Gawain 4
Ipasuri sa mga mga-aaral ang larawan. Itanong: Ano-ano ang mga
bagay na nasa harapan ng bata? Tukuyin ang mga ito. Ano-ano naman
ang mga bagay na makikita sa kanyang likuran. Tukuyin ang mga bagay na
ito.
Gawain 5
Hikayatin ang mga mag-aaral na maglaro.
Gabayan ang mga mag-aaral na bumuo ng dalawang pangkat.
Bawat pangkat ay pipili ng kinatawan. Piringan ang mata ng kinatawan ng
bawat pangkat.
Ipaliwanag ang laro sa mga mag-aaral. Layunin ng laro na makuha
ng bawat nakapiring na kinatawan ng pangkat ang panyo na iyong inilagay
sa isang bahagi ng inyong silid aralan. Ang mga
natitirang kasapi ang magbibigay ng direksyon---
kanan, kaliwa, harap at likod--- upang
mapuntahan ng kinatawan ang kinalalagyan ng
panyo. Ang grupong kinabibilangan ng kinatawan
na pinakamabilis na makakakuha ng panyo ang
siyang panalo.
76
Aralin 1.3: Ang Aking Nagawang Mapa
Pag-isipan:
Ano ang mapa? Paano ipinakikita ang distansya at lokasyon ng
mapa?
Gawain 1
Pangkatin ang mga mag-aaral. Buuin ang bawat pangkat ng tig-
limang kasapi. Sabihin sa mga mag-aaral:
Habang nakaupo, ilatag ang mga gamit tulad ng isang lapis, isang
aklat, isang pangkulay at isang pirasong papel sa mesa o sahig.
Tumayo kayo at pagmasdang mabuti ang mga bagay na inyong
inilatag sa mesa o sahig. Ano ang inyong nakikita?
Pag-aralan ang kinalalagyan ng bawat bagay. Subukang ilarawan sa
isang papel ang iyong napagmasdan at napag-aralang kinalalagyan ng
mga bagay habang kayo ay nakatayo. Sa halip na iguhit ang eksaktong
anyo ng mga bagay, gumamit ng iba’t ibang hugis na kakatawan sa mga
ito.
Ipasuri sa mga mga-aaral ang halimbawa sa ibaba:
Gawain 2
Ipasuri muli ang ipinakitang halimbawa ng mapa sa Gawain 1.
Matatandaang ipinakita rito ang iba’t ibang bagay tulad ng papel, lapis,
aklat at pangkulay.
Pananda:
aklat pambura
lapis bag
77
Gamit ang ilustrasyon sa itaas [maari mong gayahin ito sa isang
malaking cartolina o manila paper o di kaya ay iguhit sa pisara], ipaliwanag
sa mga mag-aaral kung ano ang pananda.
Ang maliit na kahon na nasa kanan ng mapa na naglalaman ng hugis
na kumakatawan sa papel, lapis, aklat at pangkulay ay tinatawag na
pananda.
Ang pananda ang nagsasabi kung ano ang kinakatawang bagay o
lugar ng bawat hugis o kulay na ginamit sa mapa.
Balikan ang nagawang mapa ng mga bata sa gawain 1. Sabihin sa
mga bata na subukin nilang gumawa ng pananda sa kanilang mapa.
Gawain 3
Gabayan ang mga mag-aaral na bumuo ng pangkat na may tig-
limang kasapi. Ipasiyasat sa kanila ang hitsura ng kanilang silid aralan at
magpagawa ng mapa nito. Palagyan din ito ng pananda.
Ipabahagi sa klase ang ginawang mapa ng bawat grupo. Itanong sa
mga mag-aaral kung magkakapareho ang mga ginawa nilang mapa.
Hikayatin ang mga bata na ipaliwanag ang kanilang mga sagot.
Gawain 4
Ipalarawan sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan. Itanong kung
anong bahagi ang paborito nila? Ipaguhit ito sa isang buong papel.
Gawain 5
Ipakita ang mapa ng loob ng isang bahay kagaya ng nasa ibaba.
Ipasuri ito sa mga mag-aaral.
78
Itanong sa mga mag-aaral: Ano-ano ang iyong nakikita?
Ipaguhit sa bawat mag-aaral ang mapa ng loob ng kanilang bahay.
Paalalahanan ang mga mag-aaral na lagyan nila ng pananda ang kanilang
mapa.
Gawain 6
Itanong sa mga mag-aaral kung anong bahagi ng kanilang tahanan
ang paborito nila? Ipaguhit sa isang buong papelang paborito nilang
bahagi ng kanilang bahay. Tiyaking maipakikita ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:
1. ang hugis ng bahagi ng bahay na paborito
2. ang pinto o bintana (kung mayroon)
3. mga kagamitang matatagpuan dito
4. iba pang mga detalye
Tulungan ang mga mag-aaral na kumpletuhin ang pangungusap:
Paborito ko ang bahaging ito ng aming bahay dahil
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
Tandaan:
Magagamit mo ang mapa sa paghahanap ng kinalalagyan ng isang
bagay o lugar. Makikita mo rin dito ang anyo ng bagay o lugar at
kung alin ang mga bagay na magkakalapit o magkakalayo.
79
Aralin 1.4: Ang Aking Dinaraanan Mula Bahay Patungong Paaralan
Pag-isipan:
Ano- ano ang mga nakikita ng mga mag-aaral mula sa kanilang
bahay patungong paaralan?
Gawain 1
Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang mga nakikita sa paligid ng
kanilang tahanan sa kani-kanilang kwaderno o sa isang buong papel.
Palagyan ng “border” ng kagaya ng bintana sa ibaba. Palagyan ng kulay
ang kanilang ginawa.
Gawain 2
Itanong ang mga sumusunod:
a. Malayo ba ang inyong bahay sa iyong paaralan?
b. Paano ka nakakarating sa iyong paaralan?
80
Gawain 3
Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang kanilang mga nakikita
sa daan patungo sa kanilang paaralan?
Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga larawang ng mga nakikita nila
sa kanilang dinadaanan tuwing papasok o pauwi sila mula sa paaralan.
Sabihin sa mag-aaral na kamuha ng kapareha o isang maliit na pangkat.
Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral upang magkuwento tungkol sa
mga nakikita nila sa kanilang dinadaanan.
Gawain 4
Ipasuri sa mag-
aaral ang mapang
nasa larawan na
nagpapakita ng
lokasyon ng bahay ni
Mimi at ng kaniyang
paaralan. Itanong
kung ano-ano ang
Pananda:
mga nadadaanan ni Bahay ni Mimi
Mimi papunta at pauwi
Bahay ng
sa kaniyang paaralan?
mga kaklase
ni Mimi
Simbahan
Puno
Gawain 5
Magpagawa ng mapa sa isang buong papel na nagpapakita ng
lokasyon ng bahay at paaralan ng mga mag-aaral. Tiyaking maiguhit din nila
ang mga nakikita sa dinaraanan nila papunta sa paaralan. Paalalahanin sila
na maglagay ng pananda. Ipakulay ang kanilang gawain.
81
Bigyang diin ang mga nakatala sa loob ng kahon sa ibaba.
Panimula:
Pag-isipan:
Bakit mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan sa aking paaralan?
Gawain 1
Hikayatin ang mag-aaral na pagmasdan
ang dalawang larawan ng isang paaralan sa
ibaba.
Itanong sa mga mag-aaral:
Aling paaralan ang nais mong
pasukan?
Ipaliwanag sa iyong mga kaklase ang
iyong sagot.
Maaring magkaroon ng pareha o mga maliliit na pangkat. Bigyan
ng oras ang mga bata upang magpaliwanag ng kanilang mga
sagot. Talakayin ang kanilang mga sagot.
82
Gawain 2
Basahin at talakayin ang mga
sumusunod na sitwasyon sa mga mag-
aaral at pasagutan sa kanilang kwaderno
ang maaring mangyari sa bawat
sitwasyon.
Sa iyong palagay, bakit mahalaga
ang pagpapanatili ng kalinisan sa iyong
paaralan? Ano ang maaaring mangyari sa
hindi malinis na paaralan?
Gawain 3
Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa larawan sa gawain 3 ng
kanilang modyul. Talakayin ang mga gawain ng mga kasapi ng paaralan na
nagpapanatili ng kalinisan nito. Bigyang diin ang kahalagahan ng
pagtutulungan ng bawat isa sa pagpapanatili ng kalinisan.
Pasagutan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga
gawaing nakapagpanatili ng kalinisan. Maaring tumawag ng ilang bata sa
harap upang ipaliwanag ang kanilang mga sagot.
Gawain 4
Paisipin ang mga mag-aaral ng tatlong pagkakataon na nagkaroon
ng sama-samang gawain ang mga kasapi ng iyong paaralan sa
pagpapanatili ng kalinisan sa inyong kapaligiran kagaya ng kanilang
paaralan. Maaaring ipasulat ang sagot ng mga mag-aaral sa kanilang
kwaderno.
83
Aralin 2.2: Ang Aking Pagpapahalaga sa Pagpapanatili ng Kalinisan
ng Aking Paaralan
Pag-isipan:
Paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa pagpapanatili
ng kalinisan ng iyong paaralan?
Gawain 1
Gabayan sa pagbasa at ipasuri sa mga mag-aaral ang iba’t ibang
sitwasyon sa ibaba at ipaguhit ang kanilang damdamin sa bawat sitwasyon.
Maaaring ipasulat ang sagot ng mga mag-aaral sa kwaderno o isang buong
papel.
Maaring pang-indibidwal o pangkatan ang gawaing ito.
Mga Sitwasyon:
Pag-usapan sa klase ang sagot ng mga mag-aaral.
Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang kanilang pamilya at paaralan
ang mga pangunahing samahang kinabibilangan nila. Ang mga kasapi ng
mga ito ay patuloy na nagtutulungan at nagkakaisa tungo sa iisang
hangarin --ang mapalaking mabuti ang mga kabataan.
Gawain 2
Gabayan ang mga mga-aaral sa
pagbasa sa panuto ng gawain sa ibaba. 1
Suriin ang mga larawan sa loob
tatlong unang kahon. Iguhit ang maaring .
mangyari sa pinakahuling kahon sa iyong 2
kwaderno o isang papel.
.
3
Gawain 3 .
Gabayan ang mga mag-aaral sa
pagbasa at pag-unawa ng panuto ng gawain sa ibaba.
Bilang isang mag-aaral, magsulat ng tatlong maaari mong gawin
upang makatulung sa pagpapanatili ng kalinisan ng iyong paaralan. Isulat
ang iyong sagot sa iyong kwaderno o sa isang buong papel.
1._____________________________________________________________________.
2.______________________________________________________________________.
3._______________________________________________________________________.
84
Bigyang diin ang mga nakatala sa loob ng kahon sa ibaba.
85
Nagawa ko ang mga bagay na ito:
Mag-aaral Guro
86