You are on page 1of 1

LETTER OF INTENT AND RENEWAL OF COMMITMENT

January 16, 2020

Rev. Fr. Alan V. Oresca


Parish Priest
San Antonio de Padua, Kalumpang, Marikina City

Ako, si G. Reynaldo Masaquel Santos, biyudo at may sapat na gulang, kilala bilang Bro. Renee or Kuya
Renee, na kabilang sa samahan ng SADP Catholic Charismatic Renewal Community at Parish Liturgical
Music Ministry ay nagnanais na muling maglingkod sa Diyos sa Kanyang Santa Iglesia Katolika para sa
Taong 2020.

Buong puso kong tinatanggap ang atas at tungkuling nakaatang sa gawaing ito. Bilang lingkod ng Banal na
Simbahan ako ay nangangakong magbabahagi ng aking panahon, mga talento at yaman sa abot ng aking
makakaya, katulad ng unang naipangako ko mula sa paglilingkuran ng tapat ng Dekada Sitenta hanggang
kasalukuyan. Bagama’t naniniwala ako na ang minsanang pangako ay hanggang magwakas o maaaring
ipinagpapanibago pa, ako ay buong kababaang loob na susunod sa atas ng Diyos sa pamamagitan ng
Santa Iglesia Katolika at ng kanyang kinatawan sa katauhan ng nakatalagang Kura Paroko nang may
pagtitiwala, walang alinlangan at may kagalakan sa atas ng Banal na Layunin.

Ako ay patuloy na magsusumikap na paunlarin at palalimin hindi lamang ang aking pananampalataya
bagkus maging ang personal na ugnayan at relasyon sa Panginoong Diyos sa malimit na pagtanggap ng
Banal na Sakramento ng Komunyon sa Banal na Misa matapos ang Banal na Kumpisal, pagdalo sa mga
seminars at formation at sa pagiging tapat sa aking buhay panalangin.

Kasihan nawa ako ng Diyos at patuloy na maging malakas at matapat na lingkod hanggang magpantay
ang aking mga paa at puminid ang aking mga mata.

All praise and Glory is unto God.

Ad majora natus sum


Ad majorem Dei gloriam

Lubos pong gumagalang,

Kapatid kay Kristo


Brother Kuya Renee

You might also like