You are on page 1of 4

Leon Miguel S.

Pablo V S11-F
I.
1. Ayon kay Randy S.Davidsa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII –
Bilang 1-2 journal ng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng
larangan ang wika.
2. Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika ay nakabatay
sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag na
ponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng
salita na tinatawag na morpema. Sintaksisang tawag sa makaagham na pinagugnay-ugnay na
mga pangungusap.Diskors, kapag nagkaroon ng makahlugang palitan ng dalawa o higit pang tao.
3. Ayon kay San Buenaventura(1985): “Ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat.
Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat-yaman
ng mga tradisyong nakalagak ditto, sa medaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa
kaya’t kailanman itoy tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang haka-
haka at katiyakan ng isang bansa.
4. Ayon kay Randy S.Davidsa kombesyon ng Sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII –
Bilang 1-2 journal ng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng
larangan ang wika
5. Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan
ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha
nito. Ito raw ay salamin ng lahi atkanyang katauhan.

II.
1. Ang wika ay masistemang balangkas

Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay isinaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan para makabuo ng
makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at panayam.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog

Ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na tunog na humuhugis sa paraan ng mga iba’t ibang
kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng pagsasalita o speech organs

3. Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog

Sa katangiang ito, ang mga salita ay tumututok sa mga salitang simbolo. Napapaloob sa katawagang ito
ang dualismo na isang pananagaisag at isang kahulugan

4. Ang wika ay komunikasyon


Muli, ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao. Sa ganitong
paraan, maipapahayag ang mga damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin, at
pangangailangan ng tao.

5. Ang wika ay pantao

Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao nga sila mismong lumikha at sila rin ang gumagamit.
Dala-dala ng mga tao nito bilang kasangkapan ng pakikipagtalastasan

6. Ang wika ay kaugnay ng kultura

Taglay nito ang kultura ng lipunang pinagmumulan nito. Ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian,
kinagawain at paniniwala ng mamamayan ang bumubuo ng kultura.

7. Ang wika ay ginagamit

Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting mawawala ito kapag hindi
ginagamit.

8. Ang wika ay natatangi

May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walng dalawang wika na magkatulad. Ang bawat wika ay
may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may sariling set ng mga bahagi.

9. Ang wika ay dinamiko

Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao at
iniangkop ang wika sa mabilis na tkbo ng buhay na dulot ng agham at teknolohiya.

10. Ang wika ay malikhain

Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap.

III.
1. Teoryang Bow-wow

Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok,
atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan, atbp.

2. Teoryang Ding-dong

Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-
tak ng orasan.

3. Teoryang Pooh-pooh

Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na galing sa dala ng
emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.

4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay

Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal na
nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulat ng pagsayaw, pagtatanim, atbp.
5. Teoryang Sing-song

Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na
pinaniniwalaan ng marami.

6. Teoryang Biblikal

Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga
salita,

7. Teoryang Yoo He Yo

Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang puwersang pisikal.

8. Teoryang Ta-ta

Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang tao ay nagpapaalam,
siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.

9. Teoryang Mama

Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang salitang ina o ang Ingles na
mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.

10. Teoryang Hey you!

Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan
(Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit
(Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.

11. Teoryang Coo coo

Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda bilang
pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.

12. Teoryang Babble Lucky

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao na
nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid.

13. Teoryang Hocus Pocus

Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong
aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

14. Teoryang Eureka!

Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang
ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang mga ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba
pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.

IV.
Ang wika ay tila isang pisi na nagbubuklod sa mga tao. Dahil dito, may pagkakaintindihan at
pagkakaisa na nagaganap. Kung ang wika sa isang lugar ay iba-iba, maaaring hindi ganoon
kadali ang komunikasyon at mahirap magresolba ng mga hindi pagkakasundo. Isa itong
mahalagang salik sa tagumpay ng isang komunidad. Napakalaki ng gampanin nito lalo na sa
pagbabago ng pamumuhay sa isang lipunan.

You might also like