You are on page 1of 2

Mga Uri ng Patalinghagang Pagpapahayag o Tayutay

1. Pagtutulad (Simile) – ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Ito’y
gumagamit ng mga salitang tulad ng para, kagaya, kapara, kawangis at katulad.
a. Ang luha ni Dina ay tulad ng mga butil ng perlas.
b. Ang kanyang ngiti ay kaw angis ng bukang-liwayway.
c. Parang bulking sumabog ang tinitimping galit ni Rodin.
2. Pagwawangis (Metaphor) – ito ay naghahambing din tulad ng pagtutulad ngunit hindi gumagamit ng mag salitang
tulad ng para ng, kagaya, kawanguis at katulad sapagkat ito’y tiyakang paghahambing.
a. Ang ama ni David ay leon sa bagsik.
b. Isang basag na salamin ang dalaga ni Aling Pinang.
c. Ang tinig mo’y musika sa aking pandinig.
3. Eksaherasyon o Pagmamalabis (hyperbole) – Lubhang nagpapalabis o nagpapakita ng kalagayan ng tao, bagay o
pangyayari.
a. Bumaha ng salapi sa mga kamag-anak nang dumating si Rico mula sa ibang bansa.
b. Nadurog ang kanyang puso sa kapighatiang dulot mo.
c. Bundok-bundok na mga pinggan ang pinagtulungang hugasan ng magkapatid.
4. Personipikasyon (Personafication) – Pagbibigay-katauhan o pagsasalin ng talino o gawain at katangian sa mga
bagay-bagay sa paligid natin.
a. Ngunit ang buwan ay nagmamagandang gabi sa lahat.
b. Nagluksa ang daigdig sa kamatayan ng dakilang bayan.
c. Nagkanlong sa ulap ang araw.
5. Pagpapalit-tawag o Metonimiya – Pagpapalit ng mga katawagang mga bagay na magkakaugnay, hindi sa
kahambigan kundi sa mga kaugnayan. Ang salitang “ meto” sa metonimiya ay nangangahulugang paghalili at
pagpapalit.
a. Tumanggap siya ng mga palakpak sa kanyang tagumpay.
b. Mabigat na krus ang pinapasan ng babaing iyan.
c. Ang bunga na kanilang pag-iibigan ay isang malusog na lalaki.
6. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) – sa pagpapahayag na ito’y maaring banggitin ang
bilang pagtukoy sa kabuuan at maari namang ang isang tao’y kumakatawan sa isang pangkat.
a. Anim na nanlilisik na mga mata ang nakatitig sa batang takot na takot.
b. Dalawampung kamay ang nagtulung-tulong sa pagbuhat sa mabigat na makinarya.
c. Anim na tainga ang matamang nakikinig sa ibinalita ni Isabel.
7. Pagtatanong (Rhetorical Question) – Ginagamit ito upang tanggapin o di tanggapin ang isang bagay. Ang
pagpapahayag na ito’y hindi maghihintay ng sagot.
a. May ina kayang makatitiis na hindi damayan ang nahihirapang anak?
b. Ang isa kayang matalinong hukom ay mapaniniwala agad sa mga sabi-sabi?
c. May babae kayang makatatagal sa lalaking iyon na ubod ng seloso at mapambugbog?
8. Pagdaramdam ( Exclamation) – Isinasaad ng pagpapahayag na ito ang di pangkaraniwang damdamin.
a. Minamahal kong ina, ikaw na walang ginawa kungdi pawang pagpapakahirap at pagpapakasakit para
sa aking kapakanan ay yumaong hindi ko man lamang napaglingkuran.
b. Huwag mong akalaing ipinagpapawalang bahala ko ang iyong gipit na kalagayan, nais kitang tulungan
ngunit ako’y walang salaping makahahango sa iyong kagipitan.
c. Nais kong makatulong sa mga maralita ngunit ano ang aking magagawa? Ako man ay isa ring anak-
pawis kung hindi gumawa’y hindi kakain.
9. Pagtatambis (Antithesis) – Ang pagpapahayag na ito’y bumabangit ng mga bagay na makakasalungat upang
mapabisa ang pangingibabaw ng isang natatanging kaisipan.
a. Siya’y isang babaing napakahirap pakibagayan. Ayaw ng masalita at walang kibo. Nayayamot sa
maraming tao ngunit ayaw naman ng nag-iisa. Nagagalit sa mangmang, ayaw rin namang makihalubilo
sa maralita. Kay hirap unawain ang kanyang ugali.
b. Namili sa Aling Luisa ng iba’t-ibang gulay at mga prutas. Bumili siya ng mga gulay at pahaba, berde at
dilaw, malaki at maliit, magagaspang at makikinis ang mga balat. Sari-saring prutas din ang kanyang
pinamili; may maasim at matamis, malamukot at tuyot, may makapal at manipis na balat.
10. Pagtawag (Apostrophe) – pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang dinadaramang kaisipan na para bang
nakikipag-usap sa isang buhay na tao sa isang taong wala naman ay parang naroo’t kaharap.
a. Panaginip, halika’t lapitan mo ako at isakay sa iyong pakpak.
b. Pag-asa, halika rito’t ako’y akayin mo nang hindi dumilim ang aking buhay.
c. Tukso, lumayo ka’t huwag mo akong ibulid sa pagkakasala.
11. Pagtanggi (Litotes)- Gumagamit ito ng panangging “ hindi” upang magpahiwatig ng lalong makahulugang
paksang-ayon.
a. Hindi ko sinasabing tamad ka, lamang at bakit laging marumi ang iyong bahay
b. Ako’y hindi nagpaparatang na magnanakaw si Budoy ngunit siya lamang ang pumasok sa kwarto mo
kanina nang mawala ang pitakang nakapatong sa ibabaw ng cabinet.
c. Hindi ko sinasabing mabagal ka ngunit bakit araw-araw ay huli ka sa klase.
12. Pag-uyam (Irony) – Ang pagpapahayag na ito’y ginagamitan ng mga pananalitang nangungutya sa pamamagitan
ng mga salitang kung kukunin ang literal na kahulugan ay tila kapuri-puri.
a. Ang babaeng nakilala mo ay talagang mahinhin. Napakalakas humalaklak at kung manamit ay halos
nakabilad na ang katawan.
b. Kay bango ng iyong hininga. Bawat makausap mo’y nagtatakip ng ilong.
c. Kay bait mong kaibigan. Pagkatapos kita tulungan sa iyong mga kagipitan ay inagaw mo pa sa akin ang
aking kasintahan.
13. Paglilipat-wika (Transfered Epithesis) – Tulad sa pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang
pantao, ngunit sa halip na pandiwa ang ginagamit ay mga pang-uri, mga pang-uring tanging sa tao lamang ginagamit.
a. Ang mapaglingkod na payong ay sira na.
b. Natangay ng agos ang mapagsilbing tuwalya.
c. Mahiyaing mata subukin mong mangusap sa akin.

You might also like