You are on page 1of 9

Anon

By: Ms.BlackHeart

Nasubukan mo na bang mag-iwan ng sulat sa isang lugar at unexpectedly may sumagot


ng sulat mo pero wala kang idea kung sino ang sumagot nito?
***********************************************************************************
***********************************************************************************
******************************************
Ako nga pala si Denise. Nasa huling taon ako ng highschool nang mangyari sa kin to.
Masaya naman ang highschool life ko. Oh well di rin pala.
�Hoy Miss byotipul! Ang ganda mo talaga!!!! hahahhaXD� sabay sipol sa kin ng
nakakairita kong classmate na si Lee. Dumadaan na ko sa hallway nung sinabi nya
yon. Hindi ko na lang sya pinansin kasi ayokong masira ang araw ko. Lagi nyang
ginagawa sa kin yon. Ang asarin ako. Syempre ako dedma lang. Kasi kahit patulan ko
pa sya, wala rin namang mangyayari. Aksaya lang yun sa effort ko.
Pero napuno na rin ako nung dumating yung araw na yon.
Pumasok ako sa room namin na mabigat ang loob. Wala akong maopen up sa problema ko.
Hindi naman sa wala akong mga kaibigan. Pagdating lang kasi sa mga personal issues
ko, ayokong may nakakaalam. I�m not selfish. It�s just that, its better kung ikaw
na lang ang nakakaalam.
Pagkaupung-pagkaupo ko,lumapit sa ken at inasar na naman ako ni Lee.
�Hi miss byotipul! Ang yong kagandahan na naman ang aking nakita sa araw na ito.
Kung iyong mararapatin, maaari ba kitang asawahin..hahahaha-�
�Tumigil ka na!� putol ko sa sinabi nya sabay tayo mula sa kinauupuan ko.
�Manhid ka ba? Ayokong inaasar mo ko! Akala mo ba natutuwa ako sa mga ginagawa mo?
Pwes hindi! Nakakaloko ka na!� natahimik si Lee sa sinabi ko. Miski ang buong klase
namin ay natahimik rin. Tumakbo na ko papaalis ng room namin at di ko na pinansin
ang mga reaksyon nila.
Pumunta ako sa isang lugar na walang tao at dun na bumagsak ang luhang kanina pang
nagbabadyang bumagsak.
�Naman eh! Ayan tuloy, nasigawan ko sya. Kung di na lang kasi tumahimik eh.
Dumagdag pa sya sa problema ko.� Hindi talaga sya ang dahilan kung bakit ako
umiiyak.
Ewan ko ba, siguro dahil na rin sa bigat na nararamdaman ko nung mga oras na yon,
sinulat ko lahat ng hinanakit ko sa isang papel nasa bulsa ko na may kasamang
ballpen. Nagsimula na kong magsulat non.
Bat ba me mga manhid na tao? Di ba nila alam na me problema ako? Ang lakas naman ng
loob nya na gawin yon! Ayan tuloy, nasigawan ko sya!
After nun, iniwan ko na lang yung papel na yon somewhere. Liliparin naman yan ng
hangin sa palagay ko. Tapos nun umalis na ko at bumalik sa room ko. Pagbalik ko,
wala dun si Lee. Pake ko ba? Tahimik lang rin ang mga classmate ko at nakikiramdam
sa kin.
Kinabukasan, hindi na ko inaasar ni Lee. Mabuti naman. Tahimik lang ang naging
takbo nang pag-aaral ko nun . Nakatulong yun, atleast nakagaan yun ng loob ko.
Pumunta ulit ako sa lugar na walang tao. Maganda ang lugar na yon kasi me puno run
ng mangga na me katandaan na. Sa ilalim ng puno nun ay isang upuan na flat na gawa
sa semento. Ako lang ang nakakaalam ng lugar na to kasi yung tito ko ang me ari ng
school. Sinabi nya na pwede akong magstay run kung gugustuhin ko.
Nung nandun ako sa lugar na yon, napansin ko na me nakaipit na nakatuping papel sa
isa sa mga trunk ng puno ng mangga. Tumuntong ako sa upuan at kinuha ko yun.
�Teka, ito yung papel ko kahapon ah? Akala ko nilipad na ng hangin?� binuklat ko
yun mula sa pagkakatupi at me napansin ako�.

Me sumagot sa sulat ko?


Ang nakalagay:
Pwede ko bang malaman kung ano ang problema mo?
-Anon-
Sino kaya ang sumagot ng sulat ko? At teka? Pano nya nalaman ang lugar na to eh ako
lang at si tito ang nakakaalam nito ah? Si tito ba ang sumagot? Funny.. Imposible
kasi alam nya ang problema ko and to think of it, ang pangit naman yata na ang me
ari ng school ay pumupunta sa lugar na to.
I don�t know kung papatulan ko ang sulat na to pero mukhang wala namang masama di
ba? So nagsulat rin ako. Buti na lang me dala akong ballpen sa bulsa. I wrote down.
Alam mo anon kung sino ka man, nagpapasalamat ako dahil nagsulat ka sa papel na to.
Akala ko liliparin na lang to ng hangin at mawawala na sa existence ng
mundo..ahehehe�
Tapos naging seryoso na ko sa pagsulat.
Naghiwalay yung mama at papa ko. Hindi ko matanggap yun. Mahal ko sila pareho pero
ayoko na lagi silang nakikitang nag-aaway. So they decided to end up their
marriage. Ang sakit non sakin. (Then tears running down on my cheek while I wrote
this letter). Gusto ko silang pagbatiin kasi ang hirap ng sira ang pamilya. Yung
pinag-aawayan nila, yung paglalasing ni papa. Hindi kasi makontrol ni Papa ang
sarili nya pag nakainom sya eh. Kung anu-anong bagay ang ginagawa nya. Katulad ng
nilulustay nya yung pera nya sa Casino. Tapos binubugbog rin nya si Mama. Alam kong
kasalanan ni papa pero sya pa rin ang papa ko eh.
Sa ngayon, nakatira ako ke mama. Nasa kanya ang custody ko eh. Naiingit ako sa mga
pamilyang buo ang pamilya at masaya. Buti nga lang nag-iisa akong anak. Kung sakali
kasi na me kapatid ako, ayokong maranasan nya yung broken family.
Anon, salamat ah. Napagaan mo ang loob ko. (Pinahid ko na yung mga luha ko). Wala
kasi akong mapaglabasan nito eh. Ayoko lang iopen-up.
-BlackWitch-
Naglagay ako ng codename para naman alam nyang babae ako. Tinupi ko yung papel at
inipit yun sa isa sa mga sanga para di liparin ng hangin. Sino kaya yung anon na
yon?
KINABUKASAN pagpasok ko sa school, hindi na ako inaasar ni Lee. Paminsan-minsan
nahuhuli ko syang tumitingin sa ken pero agad rin nyang iniiwasan ang mga tingin
nya pag nahuhuli ko sya. I know na nahihiya na sya sa ken after nung nangyari
kahapon. Kaso, parang namiss ko naman ata yung pang-aasar nya. Ha? Ay mali. Sandali
lang. Nasanay lang ako kasi parating ganun yung approach nya sa ken.

Bumalik ulit ako sa tambayan ko and andun pa rin yung papel na inipit ko sa me
sanga kahapon. Tumuntong ulit ako sa upuan kasi di ko sya abot at kinuha yung
nakatuping papel. Umupo ako sa sementadong upuan at binuklat at ang papel na yon.
And to my surprise, he replied to what I�ve wrote yesterday.
He replied�
Wow! gumamit ka pa ng codename ah. Nice�ahehehe ;p anyway, blackwitch alam mo,
dapat di mo sinosolo ang problema mo. Yung problema mo kasi hindi sya pwedeng
isarili lang. I�m happy because you were able to answer my question on you and
don�t worry, it�s my pleasure to help you. You know what; I know na mahirap tong
gawin pero you must accept the situation as it is. I think kasi nakapagdecide na
yung mama mo at papa mo sa nangyari. All you have to do is support them especially
your mom because she suffered a lot more than your father. Pasasaan bat
malalagpasan mo rin yan. And hwag kang mainggit sa mga taong buo ang pamilya.
Instead, make them as an inspiration para kung sakali na magkapamilya ka, hindi mo
hahayaang maranasan nila yung naranasan mo and instead, pupunuin mo sila ng
pagmamahal.

Nga pala, salamat kasi akala ko suplada ka at babalewalain mo yung tanong ko. Hope
ko na maging okay ka na kahit papano after mong maread tong sinulat ko.
-Anon-
After kong mabasa yung reply nya, napaiyak ko for a few minutes. Tama nga sya.
Siguro for now, tatanggapin ko muna yung sitwasyon sa ngayon at suportahan ko sina
mama at papa. Nang dahil sa sinulat ni Anon, gumaan ang pakiramdam ko. Kung sino ka
mang anon, salamat.
Kinuha ko ulit yung ballpen ko sa bulsa and I wrote again for him.
I said�
Anon, salamat ah. Nakatulong yung sinulat mo sa kin para gumaan yung burden na
nararamdaman ko. Well, for now, unti-unti kong tinatanggap ang sitwasyon. Wala pang
communication sa ngayon yung mama at papa ko. Sana nga kahit papano, maging okay na
ang lahat. Alam kong malabo pang mangyari yon. Pero umaasa ako.
-BlackWitch-
Sa simpleng palitan namin ng sulat, we build a unique friendship kahit ang means of
communication namin ay mga papel at ballpen. Naging tambayan ko na nga lagi yung
lugar na pinupuntahan ko dahil sa kaniya eh. Minsan, gusto ko na ring malaman kung
sino sya. Pero wala. Magaling magtago si Anon.
We shared each others opinion. Like sya, nilalagay nya yung mga gusto nya. Dun ko
nga napagtanto na lalaki sya base dun sa mga gusto nya. Nung tinanong ko sya,
inamin naman nya, nahihiya nga raw sya na sabihin nya baka kasi dedmahin ko raw sya
pag once na nireveal nya. Sabi ko naman sa kaniya okay lang yon.
Si Lee naman, ganon pa rin sa kin. Iniiwasan nya ako. Kinakausap nya lang ako pag
tungkol sa group works, pero pag hindi na, dinededma nya ako.
Inopen-up ko yun ke Anon.
Alam mo ba Anon, me classmate ako na madalas akong inaaasar noon kaso di na ngayon.
Pano kasi, minsan me pagkamanhid sya. Di nya alam me problema na ko, nag-aasar na
sya. Lee ang pangalan nya. Ui, nabanggit ko lang sya sa yo pero di ko sya crush no.
Tho, cute naman sya.
Panu kaya yon? Nailang siguro sya sa ken simula nung nasigawan ko sya. Iniiwasan
nya ako eh. Ayaw ko lang na me nakakatampuhan sa room. Ang akward kasi ng feeling.
Nakadagdag pa yung guilt na nararamdaman ko.
-BlackWitch-
LUNES ko na nakuha yung sagot kasi syempre walang pasok ng Sabado at Linggo
malamang. Nung recess time namin sa umaga, pumunta na ko sa lugar na
pinagtatambayan ko at binasa ulit yung sulat na nakagawian ko nang ginagawa.
He replied again to me�.
Siguro blackwitch lapitan mo sya para naman di nya mafeel na galit sya sa yo.
Nahihiya siguro sya dahil sa nagawa nya. Mas maganda na ikaw ang gumawa ng first
move kasi kahit na ipaubaya mo pa sa kaniya na sya ang lumapit, di rin yon lalapit
dahil natakot na sya sa yo. Wag mo ring pairalin ang pride mo. Di yan
nakakain..hehehe..biro lang :p
Balitaan mo ko ah.
-Anon-
Nung binasa ko yun, napahiya ako sa sarili ko. Tama nga si Anon. Siguro mas maganda
nga na ako ang lumapit at wag pairalin ang pride.
So I did my move. Nung una, nahihiya talaga akong lumapit sa kaniya kasi iniisip ko
na aasarin nya ako. Pero natapos ang hapon na hindi ko sya nalapitan kasi masyado
syang busy.
Pagkalabas ko ng gate, me biglang nagsalita na tao mula sa leftside ko. Nakatungo
sya at nakapamulsa ng kamay.
�Denise..pwede ba tayong mag-usap?� napatingin ako sa taong yun at nagulat ako sa
nakita ko. Nakatingala na syang tumingin sa kin.
�Lee?�

NAGDECIDE kami ni Lee na dun muna tumambay sa may park. Umupo kami sa isa sa mga
upuan roon sa ilalim ng puno ng narra.

�Ahm. Lee yung tungkol sa nangyari�.� Bungad kong sabi sa kaniya pagkaupung-
pagkaupo namin.
�I�m sorry.� Pagpapahingi ng paumanhin sa kin ni Lee habang nakatungo. Napatingin
ako sa kaniya nung sinabi nya yon.
�E-eh? Dapat ako pa nga ang magsorry sa�yo kasi nasigawan kita.�
�Hmm..de..okay lang. Alam ko naman na di mo sinasadya yun. Alam ko rin naman na
asar ka talaga sa kin eh.� tapos nun tumayo na sya sa kinauupuan nya.
�Sige. Yun lang naman ang sasabihin ko eh. Alis na ko.� Papaalis na sya nang
magsalita ako na sya nya ring kinatigil.
�Hindi naman ako asar sayo eh. O-oo, minsan nakakairita na talaga yung ginagawa mo.
Pero, inaamin ko��
Napaharap na sya sa kin since nakatalikod sya sa kin non. �Inaamin na ano?�
�I-inaamin ko n-na n-namiss ko yung pang-aasar mo.� Sabay tungo ko sa sinabi ko.
Anu ba yan? Nakakahiya.
�P-papano kasi, simula nung iniiwasan mo ko, hindi ako s-sanay. Parang pag wala ang
presensya mo, f-feeling ko, incomplete ang araw ko.� Haist! Asar! Anu ba tong
pinagsasabi ko? Nakainom ba ko?
Tumingala na ko dahil gusto kong makita yung reaksyon nya. Akala ko pagtatawanan
nya ako. Pero imbes na ginawa nya yung iniisip ko, bumalik lang sya sa kinauupuan
ko.
�Ako rin naman eh. Namiss rin naman kita eh.� sabay tungo nya.
�Kaya lang naman kita inaasar kasi, natutuwa ako pag sinusuplada mo ko. Nakakatawa
ka kasing magalit eh. Para kang monster.� tumingala sya sa ken nung sinabi nya yung
last words na yun.
�Ah ganun ah.� Sabay hampas ko sa balikat niya ng mahina.
Nagkatawanan lang kami pareho.
�Ano, bati na tayo?� tanong ni Lee sabay offer ng kamay nya.
�Anu ba yan? Para tayong mga bata. Osha sige.� At nagshake hands kami nun.
�Bakit nga ba ganun ang naging reaksyon mo sa kin nung araw na yon?� biglang tanong
ni Lee.
Napatahimik ako sa tinanong nya.
�Mukhang malaki yata ang problema mo ah. Sige okay lang kahit di mo ikwento.�
�Hindi. Okay lang.� then ikinuwento ko sa kaniya yung family problem ko. Mas gumaan
ang loob ko nung kinuwento ko yun sa kaniya. Tama nga yung advice sa kin ni Anon.
�Tara! Alis na tayo.� Yun lang yung nasabi ni Lee after kong ikwento sa kaniya yung
problema ko.
Nagtaka ako sa sinabi nya. �H-ha? S-san tayo-� pero naputol yung sasabihin ko sana
nung kinuha nya ang wrist ko at hinila papalabas ng park. Hindi ko alam kung saan
nya ako dadalhin nung mga oras na yon. Hanggang sa nakarating kami sa isang two
storey na bahay.
�Bahay mo ba yan?� tanong ko sa kaniya nung nasa harap na kami ng gate. Tungo lang
ang naisagot nya sa ken. Binuksan nya ang gate nila at pumasok na kami sa loob.
Bumungad sa ken ang tahanan na naglalaman ng masayang pamilya. Sinalubong kami ng
mga kapatid ni Lee.
�Kuya, gelpren mo?� namula kami sa tinanong ng kapatid nya na babae na nasa 3-4
years old.
�A-ano ka ba Rhea? H-hindi ko sya girlfriend.� bumaling na sakin si Lee. �Pasensya
ka na ah.�
�Kung di mo sya gelpren kuya, bakit kayo magkaholding hands?� Sabad naman nung
kapatid nya na lalaki na nasa 6-7 years old. Napansin na lang namin na kanina pa
nakahawak sa wrist ko si Lee. Agad nya yun binitawan.
�A-ano, k-kasi�� napakamot sa ulo si Lee. �Ah basta di ko sya girlfriend. Maliwanag
ba?�
�Sige kuya, sinabi mo eh.� kibit balikat nung mga kapatid ni Lee.
�Nga pala Denise. Sorry, di pa pala kita napapakilala. Eto nga pala si Rhea gaya ng
narinig mo kanina. Tapos eto si Leo.� Pagpapakilala sa ken ni Lee sa mga kapatid
nya.
�Hello..� yumuko ako sabay kaway sa dalawa nyang kapatid.
�Maganda sya kuya.� Sabi sa kaniya ni Rhea.
�Mukha namang monster pag nagalit.� Sabay asar ni Lee.
�Ano?� sabay taas ko ng kilay sa kaniya.
�Oh anong meron dito?� Lumabas sa pintuan ng bahay nila ang isang babae na
nakawheel chair.
�Mama, ako na po.� Lumapit si Lee sa mama nya sabay mano. Hinila ni Lee ang wheel
chair papalapit sa men.
�Mama�� lumapit yung mga nakakabatang kapatid ni Lee sa mama nya.
�Sino sya?� sabay tingin sa ken ng mama ni Lee.
�Si Denise po-�
�Gelpren ni Kuya.�
�Ha?� sabay naming sabi sa mga kapatid ni Lee.
�Aist kayo talaga.� Nagtakbuhan ang mga kapatid ni Lee kaya hinabol nya sila.
�Oh tama na yan. Nakakatuwa naman. Alam mo ba na ngayon lang nagdala ng classmate
si Lee.�
Lumapit ako sa mama ni Lee sabay mano. �Ah. Ganun po? Ahehe..� nahiya ako run sa
nalaman ko. Pati rin si Lee, nahihiya at namumula?
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Maliit lang ang bahay nila sa totoo lang.
May kalumaan na rin kung titignan. Si Lee ang naghanda ng makakain namin. Sabi ko
tutulungan ko sya pero sabi nya wag na lang. Nakausap ko nang matagal ang mama nya
at nakakatuwa kasi napakabait ng mama nya. Ramdam mo sa kaniya ang pagiging isang
ina. Pero, at the same time, naaawa rin ako sa kaniya kasi napansin ko na
nanghihina na rin sya.
Lumapit na nun sa men si Lee dala ang mga hiniwa nyang mansanas. Dun kami sa sala
nila mas nagkwentuhan ng mas matagal. Nagkwento sa kin ang nanay ni Lee ng mga
bagay tungkol sa kaniya. Si Lee naman, nahihiya. Panay pa ang kantiyaw sa men ng
mga kapatid nya. Ang saya namin nung mga oras na yon. Hindi ko na nga lang
namalayan na gabi na pala.
�Rhea, Leo, bantayan nyo si Mama ah. Ihahatid ko lang ang ate Denise nyo.�
�Opo Kuya.�
Tahimik kaming naglalakad sa daanan nung mga oras na yon. Tapos nagsalita si Lee.
�Alam mo ba Denise, sa problema mo somehow..maswerte ka pa rin.�
�H-ha? Panu mo naman nasabi yon eh hiwalay na nga ang papa at mama ko.� Hindi naman
pagalit ang tanong ko sa kaniya non.
�Kasi, pwede mo pa sila makasama ng matagal. Samantalang ako, yung papa ko namatay
sa isang car accident nung 10 years old pa lang ako. Hindi namin kinaya yun. Tapos
si mama, nadiagnose na meron syang cervical cancer. Nalubog kami sa utang. Naghina
na rin ang katawan nya dahil sa kakachemo. Isama mo pa na me mga kapatid pa ko.
Gusto ko na ngang tumigil sa pag-aaral nung mga oras na yon dahil sa wala na kaming
pera halos tapos nag-aaral rin si Leo. Isa pa, walang mag-aalaga ke mama. Pero
pinigilan ako ni mama. Sabi nya edukasyon na lang ang tangi nyang pamana sa men.
Kaya eto, pinagpapatuloy ko pa rin ang pag-papaaral. Importante sa kin si Mama kaya
dun man lang sinunod ko sya. Nabubuhay na lang ang pamilya namin dahil sa
institutions na tumutulong ke mama pati na rin sa death benefits ni papa. Buti na
nga lang rin, mababait ang mga kamag-anak namin eh. Ayokong mawala ang mama ko,
natatakot ako. Pero pinipilit ko pa rin magpakatatag para sa kaniya.� napahinto na
lang ako sa paglakad nun dahil nakita kong huminto at umiiyak na si Lee. Nung mga
oras na yon, niyakap ko sya.
�A-ano ba yan Lee. Pano mo pa nagagawang maging masaya eh me pinagdadaanan na ang
pamilya mo? Inaasar mo pa ko. Sira ka ba?� napaiyak na rin ako sa sinabi ko.
�Kasi kelangan kong ihide yung pain na nararamdaman ko. Ayokong makita nyo akong
nalulungkot. Isa pa..� kumawala sya ng yakap sa ken. �Pag masaya ka, masaya rin
ako. Di mo lang alam pero yung mga ngiti mo lang ang tanging nagpapalakas sa sakin
Denise. Kaya nga pag nakikita kitang malungkot, gumagawa ako ng way para mapasaya
ka. Kaya sana Denise,� pinahid nya ang mga luha sa pisngi ko. ��kung pwede wag kang
maging malungkot ah. At sana pag me problema ka, wag kang mahiyang lumapit sa ken.
Magkaibigan tayo diba?�
�Oo naman��
Simula nun, naging mabuti kaming magkaibigan ni Lee. Parati man nya akong inaasar,
sakin okay lang yun. Nasanay na rin ako eh. Lahat ng secrets ko sinasabi ko sa
kaniya. Naikwento ko rin kay Anon yung nangyayari sa men ni Lee. Tuwang-tuwa nga
sya sa men.
Marami nang nangyari sa men nung mga sumunod na araw. Yung sa ken, tuluyan ng
naghiwalay ang mama at papa ko dahil nagfile na ng annulment si mama. Wala na rin
akong nagawa nung mga oras na yon kasi nakapagdecide na si mama. Ang sabi ko sa
kanila, susuportahan ko na lang sila ni Papa anuman ang mangyari. Nagkakilala na
rin si Lee At ang mama ko. Tuwang-tuwa nga si mama sa kaniya. Sabi nya, parang
nagkaroon ng anak na lalaki si mama sa katauhan nya.
Yung ke Lee, namatay rin ang mama nya after ng 5 months. Di kinaya ni Lee yung mga
nangyari. Ako naman, lagi lang na nasa tabi nya. Napaiyak rin ako dahil sa nangyari
dahil naging malapit rin ako sa mama nya. Hindi ako humiwalay sa kaniya nung mga
oras na alam kong kailangan nya ako kahit di nya sabihin. Naging malungkot si Lee
nung mga sumunod na araw. Pinipilit ko naman syang pasayahin kahit papano. Pero
wala. Dun ko na lang naisip na siguro di pala ako effective na comedian.
�Lee, gusto mo bang mag-isa?� yun na lang ang nasabi ko nung mga oras na yon. Nasa
puntod kami nun ng mama nya at kakatapos lang ng libing. Wala na nung mga tao kundi
kami na lang dalawa. Hndi sya sumagot sa tinanong ko.
Napabuntong hininga lang ako nung mga oras na yon. �Sige, iwanan lang muna kita
rito. Aalis muna ako. Lumapit ka lang sa kin if me kelangan ka-� hindi ko pa
tinatapos ang sasabihin ko ng mga oras na yon, hinila nya ang wrist ko sabay yakap
sa ken ng mahigpit.
�Please Denise, don�t leave me. Wag ka lang magsalita. Just� stay with me�� nagstay
kami sa ganung posisyon. Naramdaman ko na lang na basa na ang likod ko. Alam kong
sign yun na umiiyak sya. Ako naman unti-unti, niyakap ko rin sya ng mahigpit para
aluin ang lungkot na nadarama nya.
After nun, nagfocus muna si Lee sa mga kapatid nya. Ang alam ko, yung tita nila na
wala pang asawa ang nag-alaga sa mga nakababata nyang kapatid. Nakapag-aaral pa
naman sya dahil binigyan sya ng scholarship ng school namen. Tapos me nagsponsor
rin sa kaniya para makapag-aral sya ng college. Buti na lang, mabait sa kanila ang
Diyos. Kahit papano, matatapos nya ang kolehiyo at matutupad na nya ang pangako nya
sa mga magulang nya. Tapos, unti-unti na ring nanumbalik ang dating Lee. Akala ko
nga hindi na babalik yun eh. Namiss ko yun eh. Sabi nya, ayaw raw nya na masyado
akong mag-alala sa kaniya. Nagpapasalamat nga sya sa ken kasi lagi syang nasa tabi
ko at di ko sya iniiwan.
Sa pagdaan ng panahon, unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Alam ko
na sa sarili ko na mahal ko sya dahil katulad nya, di rin nya ako iniwan nung mga
oras na kelangan ko sya.

DUMAAN ulit ako sa pinagtatambayan ko sa likod ng school para sulatan sana si Anon
at ikwento ang nararamdaman ko kaso, me sulat sya na inipit sa puno. Kinuha ko yun
at binuklat. Ngayon ko lang napansin na di ko na pala sinusulatan si Anon ng
matagal. Naging busy rin kasi ako eh.
He wrote�
Blackwitch,
Alam kong di ka maniniwala sa sasabihin ko pero gusto ko sanang malaman mo na
matagal na kitang gusto. Weird man kung iisipin, pero dito palang sa mga sulat mo,
unti-unti kong nalaman kung sino ka. Napamahal ka na sa kin.
Gusto ko sanang malaman kung pwede ba kitang maligawan? Hwag kang mag-alala, kasi
magpapakilala na ko sa yo pag nasagot mo na to.
-Anon-
Nabigla ako sa sinulat ni Anon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko nung mga
oras na yon. Pero isa lang ang alam ko, ayoko ko syang lokohin.
Kaya nagreply ako sa kaniya.
Anon,
Naapreciate ko ang sinulat mo. Pero ayokong lokohin kita. Anon, me nagugustuhan na
akong lalaki. Sya ngayon ang dahilan kung bakit masaya ako ngayon. Anon, alam kong
makakahanap ka ng ibang babae na mas makakapagpaligaya sayo. Kaya sana, hwag kang
magalit ah. Sana nga, makilala na kita. Kasi curious ako sa yo eh.
BlackWitch
Hinintay ko ang reply nun ni Anon pero wala syang sagot. Naisip ko na hindi nya
siguro tanggap yung mga nakalagay run.
Si Lee naman, hindi ko alam pero lumayo sya sa ken. Kinakausap nya lang ako pag
kelangan. Hindi na rin kami madalas magkasama. Tinanong ko sya kung anong problema.
Sabi nya, wala naman. Saka ko nalang narealize na kaya pala sya lumalayo sa ken
kasi nakiita ko sya nung isang araw me pinopormahan na pala syang babae. Nasaktan
ako run. Ang sakit. Wala pa nga akong ginagawang move para magustuhan nya ako tapos
meron na pala syang nagugustuhan na iba?
I just accepted the truth. Wala eh. Basta kung saan sya masaya, masaya na rin ako.
Kahit na masakit.

Pumunta ulit ako sa tambayan ko kinahapunan since yun na yung naging comfort zone
ko, pero di ko inaasahan�

�Anon!� nakita ko na rin si Anon sa wakas! Nakatalikod sya habang nilalagay yung
sulat sa isa sa mga trunk ng puno.
�Anon ikaw ba yan?� lalapit sana ako kaso napahinto ako nung magsasalita sya.
�Hwag kang lalapit.� Nagulat ako sa sinabi nya. Atsaka teka? Pamilyar yung voice
nya ah. Bumaba muna sya sa upuan at humarap sa ken. At talagang nagulat ako sa
nakita ko.

�L-lee?� napasinghap talaga ako sa nakita ko. Tahimik lang sya at seryosong
nakatitig sa ken. Katahimikan ang namayani sa men. Nakikiramdam ako nun sa meng
dalawa kung sino ang magsasalita.
Ibubuka ko sana ang bibig ko para magsalita pero nagsalita rin sya.
�Pwede ba tayong mag-usap?� sumunod na lang ako sa sinabi nya. Sunod nun, umupo
kami sa upuan roon. Katahimikan ang namayani ulit sa men hanggang sa nagsalita sya.
�Nagulat ka siguro no? Sorry kung nagsinungaling ako sayo� tango lang ang naisagot
ko nun.
�Nagsimula ang pagiging anon ko nung araw na nagalit ka sa ken. Di mo alam pero
sinundan kita rito. Patago akong tinitignan ang ginagawa mo nung mga oras na yon.
Hanggang sa nakita ko na lang na nagsusulat ka non sa kaprasong papel. Tapos nung
umalis ka na, nagtago muna ako. Baka makita mo ako. Nung wala ka na, binasa ko yung
krinumple paper mo. Then the rest is history. Hindi ko akalain ng dahil sa mga
palitan natin ng sulat, magiging malapit ako sayo. Inisip ko nun sana mapalapit ako
sa yo bilang si Lee at hindi bilang si Anon. Kaya naging masaya ako nun nung
naiopen up mo yung tungkol sa kin. Kaya lumapit ako sa yo. Nung inopen up mo sa kin
yung problema mo as Lee, alam ko na ang tungkol dun bilang Anon. Kaya I decided na
ipakilala kita sa pamilya ko.Alam mo ba, tuwang tuwa ako nung pinakilala kita sa
mga kapatid ko at mama ko. Ikaw lang kasi ang naipakilala ko sa kanila nang ganun
eh.�
� Alam mo sa simula pa lang me gusto na ako sayo. Hindi mo lang alam pero masaya
talaga ako pag napapansin mo ako kungdi man si Anon, bilang si Lee. Nung nasa oras
na down na down ako, anjan ka para alalayan ako. Alam mo ba, pag wala ka, feeling
ko, nag-iisa ako. Di mo lang alam Denise pero mahal kita�� napatingin ako sa kaniya
dahil tinitigan nya ako nung mga oras na yon. Ang saya-saya ko, ibig sabihin mahal
nga nya talaga ako.
�..pero nung nabasa ko yung last na reply mo sa kin, nasaktan ako. Me mahal ka na
palang iba� wag kang mag-alala okay lang yun sa kin. Gusto ko lang sana na makilala
ang lalaking yun.� Na-overwhelmed talaga ako sa mga sinabi nya sa ken. Gusto ko na
ngang umiyak nun sa kaligayahan. Pero pinipigilan ko lang.
�Asan na yung sulat mo?� yun lang yung nasabi ko.
�Ha?� nagtaka sya sa tanong ko.
�Asan na? diba me ibibigay ka sa ken?� nagtataka man, inabot nya yung sulat sa ken.
Ang nakalagay sa sulat�
BlackWitch

Magpapakilala na ako sayo. Wag ka sanang magagalit ah? Ako at si Lee ay iisa.
Matagal ko na ring alam na ikaw si Denise. Nagsimula ang pagiging anon ko nung
nagsulat ka sa crumple paper. Sinundan kasi kita after mong magalit sa ken. Sorry
kung di ko sinabi sayo agad. Humahanap pa kasi ako ng tyempo eh. Alam mo ba, crush
na kita sa simula pa lang. Kaso di mo naman ako napapansin kaya inaasar na lang
kita. Sorry nga pala kung inasar kita nung me problema ka, di mo naman sinasabi sa
kin eh *kamot sa ulo*. Ayan, nasabihan mo pa ko ng manhid. Hanggang nahulog na nga
ang loob ko sa isang monster kung magalit�hehe�
Alam mo ba, nung nabasa ko yung last reply mo, nasaktan ako run. Wala pa kong move
na ginagawa para magustuhan mo rin ako tapos me nagugustuhan ka na pala. Don�t
worry masaya ako para sayo. Sana makilala ko rin sya.
Mahal kita Denise at kung after nito na mabasa mo to eh magalit ka sakin, okay
lang. Naiintindihan ko naman eh.
Anon ay hindi Lee.

Natawa naman ako sa huli nyang sinulat.


Kumuha ako ng ballpen sa bulsa ko at nagsulat. Nagtaka naman sya sa mga ginagawa
ko. After nun, binigay ko rin sa kaniya yung sulat.
�Basahin mo.� Utos ko sa kaniya. Nagtataka man, binasa nya pa rin ang sulat.

I wrote�

Anon o si Lee o kung sino ka man ;p


Alam mo ba, matagal na kong me gusto sa isang lalaki. Nakakairita talaga sya sa
una. Pero nung nakilala ko na sya ng lubusan, nasabi ko na mabait pala sya. Mali
lang ang interpretasyon ko sa mga ginagawa nya. Alam mo ba, sa twing nakikita ko
sya, natutunaw ako sa mga titig nya. Tapos ang bilis ng tibok ng puso ko kapag
nagsasalita sya sa ken. Mukhang tinamaan na talaga ako sa kaniya Anon. Mahal ko na
nga talaga ang taong yun.
Alam mo ba kung sino sya? Sya ay walang iba kundi si�..
Nung napansin ko na tapos na nya basahin yung sulat, tumayo na ko at umalis sa
kinauupuan ko.
�Ui sino?� hinabol nya ako at tinanong. Nakatalikod ako sa kaniya nun. Hindi ko
kasi tinapos yung sulat.
Tumigil ako at humarap na ko sa kaniya. �Aist akala ko alam mo na?�
�Pano ko malalaman? Eh wala ngang nakalagay?�
�Aist� bumulong ako sa tenga nya �Ang taong yun ay walang iba kundi ikaw��
Ngumiti ako nun sabay alis sa kinatatayuan ko.
�Ha? Di ko narinig?� hinabol nya ulit ako
�Ay bahala-� hinila nya ang kamay ko at paharap kong nayakap sya.
�Ang saya ko. Akala ko wala ka talagang gusto sa kin� sabi nya saken habang yakap
nya ako ng mahigpit.
�Akala ko nga rin di mo ko gusto eh.� sunod nun, kumawala na sya ng yakap sa ken.
�Mahal kita�� me kasamang pagmamahal na sabi ni Lee.
�Mahal rin kita�� tugon ko naman sa kaniya.
At simula non, naging kami na. Wala nang ligawan. Hehe� nagsusulatan pa rin kami
bilang sya si Anon at ako sa codename ko. Mukha nga lang kaming mga ewan eh. Sinong
mag-aakala na simpleng pagsusulatan namin bilang sya na si Anon, magkakagustuhan
kami sa isa�t-isa.
Mahal namin at isa�t-isa at nangako kami na walang iwanan hanggang sa huli�..

-the end-

You might also like