You are on page 1of 4

Scene 1 : Pagkakakilala (Park scene)

(Json uupo sa isang chair)


(mag gigitara)
(kakanta si json: Binibini by Janno Gibbs)(Ilagay sa bg music)
(Mapapadaan si Elena at si Arriane)
(Sinusundan sila ng tingin ni Json)
(Si Elena ay nagpapaypay at ngumiti ng mahinhin habang ng lalakad)
Arriane: Napakamaalinsangan naman ng panahon ngayon! ( Magpapaypay)
Elena: kaya nga eh ( Mahinhin na titingin kay arriane at ngingiti)
(Darating si Kevin at uupo sa tabi ni json )
Kevin: json
Json: O elena, Aking mahal, Ang iyong kagandaha’y walang kupas(hindi parin napapansin si kevin)
Kevin: pare! (tatapikin si json)
Json: Kevin, nandyan ka pala, pagpasensyahan mo at hindi kita napansin kaagad.
Kevin: Hay nako pare! Hanggang tingin ka nalang ba talaga sa pinsan ko? Simula bata palang tayo gusto mo na siya, at
ngayong parehas na kayong nasa tamang edad, Bakit di mo na siya ligawan? Kausapin mo kaya siya.
Json: Nawawalan ako ng lakas ng loob sa tuwing nasisilayan ko siya.
Kevin: Hay nako, Halika at ipapakilala kita kay elena
(Mauunang maglakad si kevinn papunta kila elena)
(Json magaayos ng buhok at damit saka hihinga ng malalim)
Kevin: Magandang umaga sa inyo mga binibini!
Elena: Magandang Umaga din sayo, kevin ( ngingiti at susulyap kay json)
Kevin: Binibining elena, Gusto ko sanang ipakilala sayo ang aking butihing Kaibigan
(Tatawagin si Json at itoy Nahihiyang lumapit)
Kevin: elena, ito nga pala si json
Json: Magandang umaga sayo, Binibini
Elena: Magandang umaga din sayo
(ngingiti si elena ng mahinhin at nagpapaypay)
(Magtititigan sila habang nakangiti)
Arriane: paumanhin, ngunit elena kailangan na nating umalis baka abutin tayo ng dilim sa daan.
Elena: (Tatango); Paumanhin mga Ginoo, Ngunit kailangan na naming umalis. Ikinagagalak kitang makilala Json. Paalam.
(tatango at ngingiti si Json)
Json: Wag kang magsabi ng paalam Binibini, sisiguraduhin kong magkikita tayong muli, at kapag ngyari iyon ako na
pinakamasayang tao sa mundo.
(ngingiti si elena kahit nakatalikod na)

Scene 2: Panliligaw
Narrator: Isang buwan na ang nakalilipas nung magkakilala sila Json at elena . At araw araw na ring nakakatanggap ng
Liham at rosas ang dalaga.
(Bubuksan ni elena ang bintana)
(Titingnan ang liham)

(Voice record json sa background)


Nung una pa lang kitang makita,
Ako na sa iyo'y nahalina.
Sa mukha mo na napakaganda,
Napako ang aking mga mata.
-
lagi mo 'tong tatandaan,
Puso ko'y sa'yo lang nakalaan,
Mata ko'y ikaw lang ang titingnan,
Mamahalin ka magpakailanman.

Pagkatapos mong basahin ito,


Maantig sana ang iyong puso.
Pakinggan mo sigaw ng puso ko,
Ito'y Elena dela cruz .
Elena: O json, aking mahal
(ngingiti sa buwan) (isasara ang bintana)
.......
(Papasok sa room si json kasama si kevin)

Json: kevin ayos na ba ang gitara, Baka sintunado yan ha?! Ayos lang ba ang Itsura ko? Yung buhok ko okay lang ba?(
Tarantang tanong ni json kay kevin)
Kevin: json, Kumalma ka. Ayos na ang lahat. Ikaw ba handa ka na ba talaga?(natatawang usad ni kevin)
Json: (ngingiti sa bintana kung nasaan ang silid ni Elena) Para sa aking mahal, Oo kevin Handang handa na talaga ako.

(Play Music: Ipagpatawad mo)


(Intro ng song)
Json: elena aking mahal, Sana’y ako’y iyong dinggin.

(Start na kumanta)

Ipagpatawad mo aking kapangahasan


Ang damdamin ko sanay maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo ayaw ng lumayo

(bubuksan ang bintana ni elena)

Ipagpatawad mo minahal kita agad


Dika masisi na ako ay pagtakhan
Dina dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo ayaw ng lumayo

Rome(tatay): elena, Sino yan? (Titingin sa bintana) (Lalabasin sila json at kevin)
Json: Magandang Gabi po Ginoo
Rome: Ano ba ang inyong pakay ngayong disoras na ng gabi? Nambubulabog kayo ng tulog!
Json: paumanhin ginoo kung amin kayong nagambala,ngunit Gusto ko po sanang pormal na hingin po ang inyong
permiso kung maari ko po ligawan ang niyong anak na si elena?
Rome: kalokohan!( Isasara ang bintana)
Elena: ama, sana'y bigyan niyo po ng pagkakataon si json na mapatunayan ang kanyang sarili.
Rome: sige, alang alang kay elena, Patunayan mo muna sa akin ang iyong sarili Ginoo.
Json: Gagawin ko po ang lahat, mapapayag ko lang po kayo.
Rome: Mabuti naman kung ganun.
Json: Ginoo, kami po ay mauuna na. Maraming salamat po
Rome: walang anuman, aasahan ko ang iyong pangako bata.
Elena: Maramaing salamat json, Magiingat kayo
Json: Sana ay napasaya kita binibini, Mauuna na kami.
Kevin: Paalam po

Scene 3:
Narrator: Kinaumagahan ay nag simula ng manilbihan si json sa pamilya ng dalaga. Pursigido talaga ang binata na
mapapayag ang Magulang ni elena na ito ay kanyang ligawan. Halos 3 buwan na ring ginagawa ni Mario ang
paninilbihan.
(Ipapakita ang pag sibak ng kahoy) (Music)
(Magigising si elena at bubuksan ang bintana)
Elena: Magandang umaga Mahal, ay Binibini pala (ngingiti habang nakatingin sa mata ni elena)
Elena: Magandang umaga din sayo
(Kukunin ni Peter ang mga timba)
(lalabas si elena para Bigyan ng tubig si json at pupunasan ang pawis nito.)
Elena: json, Magpahinga ka na muna, Ito oh Inumin mo
Json: Salamat (Iinumin niya nito)
Narrator: di alam ng dalawa na sa malayo'y pinagmamasdan sila ng mga magulang ni elena na may ngiti sa kanilang mga
labi.
Angel: napakapursigido talaga nitong si json mahal, parang ikaw lang din nung ako'y iyo pang nililigawan noong kabataan
natin. ( Magkaakbay si rome at angel)
Rome: Oo nga mahal, nakikita ko ang aking sarili sa bintang ito, napakalakas ng kanyang loob. Sandali lamang at akin
silang kakausapin

Rome: (lalapit sa dalawa) Magandang umaga sa inyong dalawa, json gusto ko lamang malaman mo na Pumapayag na
ako naligawan mo ang aking unika iha. Dahil sa inyong determinasayon, pag tyatyaga at respeto sa aming gusto,
Pinatunayan mo lamang na sincero ka sa nararamdaman mo sa aking anak.
Json: Maraming salamat po, Ginoo. Salamat po talaga.

(Si json ay titingin kay elena at ngingiti ng sobrang saya)


(Ngingiti din si elena)

Scene 4:
Narrator: Sa kanilang pagliligawan sila ay lubasang nagkakilala, Halos isang taon na niyang nililigawan ang dalaga at hindi
mas Pinatunayan pa nito na mahal na mahal niya si elena. Ngunit gusto na niyang malaman ang nararamdaman ng
dalaga sa kanya.

Json: Magandang umaga po inyo


Angel: Magandang Umaga din sayo iho, Pasok ka. Elena nandito si json.
Elena: Magandang Umaga (Ngingiti ng mahinhin at may pamaypay)
Json: elena, kaya ako naparito dahil Nais ko sanang itanong kung anong iyong nararamdam sakin, nais ko sanang
malaman kung akoy may pagasa makamit ang iyong pagibig, kung maari na ba kitang maging katipan. Halos isang taon
na ako’y sayo’y sumusuyo ano ang iyong sagot binibini.
(magugulat si elena sa sinabi ni json)
Elena: json, ako’y lubos na nagpapasalamat sa lahat ng ginawa mo sa akin, kaya oo json sinasagot na kita bilang aking
maging katipan.
Json: (Yayakapin si elena) (Bubulong) Maraming salamat mahal ko, ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa mundo.
(tatayo si json at sisigaw) ELENA DELA CRUZ, MAHAL NA MAHAL KITA.
Elena: json, tama na yan! Nakakahiya sa mga kapitbahay ( ngingiti at tatawa ng mahinhin)
Json: elena, Gusto ko sanang makausap ang iyong mga magulang upang pormal ng hingin ang iyong kamay.
Elena: Talaga, json?
Json: oo aking mahal, Tatlong araw pagkatapos ng araw na ito, pupunta ang aking partido upang mamanhikan sa iyong
pamilya.
Elena: Sige aking mahal.

Scene 5: (Pamamanhikan)
Narrator: Ang araw ng pamamanhikan

Peter: Ginoo at Ginang Policarpio, Ana. Magandang Gabi po, Nandito na po kami.
Jeavia: Pasok kayo sa aming munting bahay.
Peter: Ito po pala ang aming munting handong para po sa inyo.
(ibibigay ang pagkain)
Van: Maraming salamat.
(Papasok na sa sala scene)
Van: Sige sige, maupo kayo
Meryll: Salamat
Jeavia: Ana anak, nandito na ang mga bisita mo.
Rocyn: opo inay susunod na po ako.

(pupunta na si rocyn sa sala)


Van: ano nga pala ang pakay ninyo?
Peter: Ginong Policarpio, Nandidito po kami upang pormal na hingin ang kamay ng inyong anak
(titingin kay rocyn at hahawakan ang kamay ng dalaga)
Van: Kaya mo na bang buhayin ang aking anak?
Peter: opo, Ginoon, ako po ay may sapat na ipon na upang buhayin ang iyong anak, hinding hindi kop o hahayaang
magutom at maghirap ang aking magiging butihing asawa.
Van: Sigurado ka na ba sa inyong desisyon na pagiisang dibdib, hindi madali ang buhay magasawa iho.
Peter: Opo, Sigurado na po ako. Alam ko po na magiging mahirap ang buhay magasawa ngunit hindi ko na po hahayaang
pakawalan pa ang babaeng pinakamamahal ko.
Adrian: Binibini, Handa ka na ba sa panibangong hugto ng iyong buhay, ang buhay pagaasawa?
Rocyn: Handa na po ako basta si Mario ang aking nasa tabi.

Jeavia: Mabuti naman kung ganun anak.


Van: mas magiging panatag ako kung ikaw, Mario ang magiging asawa ng aking unica iha, napatunayan mo na ang sarili
mo sa amin.
Peter: Maraming salamat po Ginoo.
Meryll: maari ko na ba kayong tawaging balae? (tatawa ng mahinhin)
(magtatatawanan ang lahat)
Jeavia: Oo naman balae
Van: Ngunit Mario, sa oras na saktan mo ang aking anak. Mata lang ang walang latay sayo. Tandaan mo yan.
Peter: Pangako po Ginoo, hinding hindi ko po sasaktan ang iyong anak. Hinding hindi ko po hahayaang malungkot,
mangulila o umiyak ang aking pinakamamahal. Pasasayahin ko po siya sa bawat Segundo, minuto, oras at araw araw.
Walang oras na hindi ngingiti ang inyong anak sa aking piling. Mahal na mahal ko po ang inyong anak.
Van: Kung ganoon, kailan ang Kasal?
(Freeze ang lahat)
Narrator: Mas masarap sa pakiramdam na pinaghihirapan ka ng taong mahal mo. Yung tipong haharapin at gagawin niya
ang lahat marining niya lamang ang matamis mong OO. Kaya kayo, ano ang magusto niyo, Panliligaw noon o Ngayon??
Maraming salamat po!
(Magsasaya ang lahat)
Lahat: Paalam!!!
The End!

You might also like