You are on page 1of 4

Sexual Abuse Campaign Script

Intro :
[flashbacks ng mga lugar kung saan naabuso ang mga biktima]
[Background : Mga hinaing ng mga biktima]

[palapit ng palapit ang kamera sa mesang walang nakaupo sa harapan]


[mamatay sindi ang ilaw ng dalawang beses tapos lalabas ang babaeng nakaupo sa harap
ng mesa]

[babaeng nakaupo sa harap ng mesa madilim ang paligid, nakingiti lang siya]
[ang itsura niya ay kaawa-awa tila ba naluluha at may mga bakas ng karahasan sa
kaniyang mukha]
[kniwento ng babae kung ano ang nangyari]

Babae : Mahimbing ang aking pagkakahiga ng biglang tumabi sa akin si tito. Ayos lang
naman sa akin dahil si tito na ang nag-alaga sa akin mula ng ako ay maulila. Niyakap
niya ako, wala naman akong pag-alala bagamat nasa isip ko na baka nalulungkot lang
siya dahil isang taon nadin ng siya ay iwan ni tita.

Ngunit habang sa paglamig ng hangin sa aking pagkakahimbing ay ganun din ang


pagsikip ng kanyang mga yakap, hangang sa ang lamig ay pumasok na sa aking katawan,
di ako makahinga, naninikip ang aking dibdib, at ang aking balat ay namamawis.

”Tito, di ako makahinga”. Sinambit ko sa tinig na madadama mo ang aking kaba at


pagkabalisa. Hindi siya sumambit pabalik ngunit dama ko padin ang mas paghigpit ng
kanyang yakap. “Ti-”, bigla siyang umigtad sa harap ng aking mga mukha at sinabi
“Huwag ka ng manglaban mabilis lang ito kung mananatili ka sa pagkakahiga, at sa pag
gising mo isipin mo na isa lang itong masamang panaginip.”

At nangyari na ang di dapat mangyari, nanglaban ako at sumigaw, sinigaw ko na ata


lahat ng pangalan ng santo noon, pero wala, dahil ang bahay namin ay nakukubli at
malawak, pero hindi masyado malawak para sa taong siyang dahilan ng aking mga
bangungot sa tuwing akoy naiidlip.

[balik sa mesa patay sindi ang ilaw hanggang sa lumabas naman sa mesa ang nakaupo na
babae medyo mas matanda sa naunang nagsalita]

Babae2: Mabilis ang mga nangyari, ang alam ko nagkakasiyahan kaming


magkakabarkada, nagtatawanan, nagkakasiyahan, ayos lang naman sa akin uminom kahit
na iilan lang kaming babae noon, may tiwala naman ako sa mga kasama ko. Ngunit ang
tiwalang binigay natin sa mga taong minsan lang natin nakilala ay siya palang mag iiwan
ng mga alaalang di natin maikakaila.

Lumalalim na ang gabi kasabay naman nito ay ang pag-kawala sa katinuan ng aking
mga kasama, wala akong pag-alala, kilala ko sila at may tiwala ako sa kanila. Hanggang
sa iilan nalang kaming natitira, ang aking mga paningin ay umiikot na, ang mga muka
nila ay di ko na maaninag ngunit ang tiwala ko ay nasa kanila padin. “Hoy lasing ka na
ata hatid na kita sa aming salas para makapagpahinga ka” bulong sa akin ng aking katabi
sa tinig niyang kampante at walang halong pagmamalabis. Sumama ako sa kaniya ng
walang pangamba, di na ako makatayo ng ayos nun, di ko na na maramdaman ang aking
kinatatayuan at ang paligid koy umiikot hanggang sa wala na akong kamuwang muwang
sa king paligid basta ang alam ko ligtas ako sa mga kasama ko.

Pagising ko ang katawan ko ay nanglalamig, saplot ko ay wala sa aking gilid.


Sumasakit ang aking (ari) at alam kong huli na ang lahat, ang masayang kahapon ay
nabalot ng pangamba at pagdudusa. Kung gaano kabilis na nagtiwala ay siya din namang
bilis ng pagkawala ng kung aking pagkatao. Tiwala nalang ang naibigay ko sa aking mga
kasama ngunit ang tiwala ay hindi sasapat upang ang kahapon ay maiwasan.

[balik sa mesa patay buhay ang ilaw lalabas ang bata]


[nakangiti lang ang bata]
[bubungisngis siya ng medyo nakakakilabot]

Bata: nasa tabi lang po ako ng bahay namin naglalaro po ako ng biglang lumapit ang
isang mama sa akin. “Nene gusto mo ng maraming toys at candy?” sabi po niya sa akin
tapos nagtango po ako. “Sama ka sa akin dalhin kita dun sa maraming toys and candies.”
sabi niya po tapos sumama po ako tapos dinala nya po ako doon sa lugar. Tapos
naghuhubad po siya tapos inalis niya po pantalon niya tapos ano po -
[intense flashbacks nung mga nangyari].

Umiiyak po ako nun pero wala po ako magawa. Bata pa po ako nun wala po akong alam.
Pero akala ko po yun lang po gagawin niya sa akin ngunit. [kumuha ng bato ang manong
at pinatay ang bata.]

Wala pa po akong muwang nun, nabibilang pa sa kamay ko ang taon ko sa mundong ito.
Pero masama ang aking loob. Ang aking musmos na buhay ay napigil dahil sa isang
dugong nag-init, kalam ng laman, at utak ng pananamantala.

Hindi ko na kailangan ng hustisya, aanhin ko yun patay na ako.


[papakita muka ng batang nakakatakot]

[flashback uli sa mesa ngunit nakaupo na ang tatlo]


Babae1 : kami ang nagpapatunay na ang pang aabuso ay walang pinpiling lugar
Babae2 : tao
Bata : Edad
Extra (Lalaki) : Kasarian
Extra (Babaeng bihis lalaki) : Kasuotan

Bata : Iisa lang ang puno at dulo ng mga karahasang ito.


Babae 1 : Ang makitid na pag iisip ng isang kriminal.
Babae 2: Ngunit maari itong mapigil ng di na muli maulit ang mga nangyari sa amin.
Bata1 : Bigyang edukasyon ang mga kabataan sa tahanan dahil dito magmumula ang
kanilang pagmulat sa kung anong tama at dapat tularan.
Babae 2 : Pahalagahan ang karapatang pangtao, dahil tulad mo nais din naming mabuhay
ng walang iniisip na kapamahakan na maaring mangyari sa ano mang oras, lugar at
panahon.
Babae 1 : Tigilan ang pag iisip na ang rape ay maaring kasalanan ng biktima dahil ang
rape ay hindi kailan man gugustuhin ng kahit na sino.
Bata: Sama-sama, kaya natin itong pigilan.
Babae1: Sama-sama, wala ng sino man ang iiyak dahil sa nanakaw na pagkatao nila.
Babe 2 : Sama-sama, wala ng pangarap pa ang mapipigil dahil sa buhay na nakitil.
Bata: [Slogan]
Babae1 : [Slogan]
Babae2 : [Slogan]
Sabay sabay : [Slogan]

Bata: Dahil ang piraso ng aming pagkataong iyong kinuha ay di na muli pang
maiibabalik pa.

For presentation purposes.


-END

You might also like