You are on page 1of 1

Mohammadrayyan A.

Macasindil

Cenlit Stem 11-11

Bakit gusto mo ikwento?


Upang maihayag sa mambabasa kung paano tignan ng mga bata o musmos ang salitang
kamatayan. Noon pa, napapatanong ako sa sarili ko kung masakit ba kapag namatay ang tao,
mapupunta ba ako sa langit kapag na baril ako at marami pang iba na tanong gumagambala sa
akin simula makita ako ng mga labi ng tao. Doon lang pumasok sa utak ko yung takot sa salitang
kamatayan, kaya gusto ipakita sa lahat na walang maidudulot ang pag patay lalo para sa mga
batang nakakarinig.

Ano ang dahilan kung bakit mo gusto ikwento?


Gusto ko pahalagahan ng mambabasa at ingatan ang mga batang nakakaranas at mga
makakaranas palang nito, gusto ko pag tuunan nila ng pansin ang mga batang nakakaranas na
trauma na makaka epekto sa kanilang pag katao at mentalidad. Hanggad maaari, gusto ko
maranasan ng bata ang maging bata. Gusto ko silang mabuhay sa mundo kung saan nakakapag
laro sila at nabubuhay na walang inaalala, gusto patikim muna sa kanila yung tamis na mabuhay
bago makita yung mundo na puno ng gulo kinagagalawan nating ngaying matatanda, yung
tipong kaya nilang manigip na mag hapon at walang iniisip kung san sila makakahanap ng pag
kain.

Paano niyo ito ikukwento?


Una, papakita ko yung buhay ng isang bata, gaano siya kawalang muang mundo na kanyang
kinagalawan at paano siya mag isip sa mga nangyayari sa paligid niya.

Pangalawa, papakita ko kung paano babalutin ng mga katanungan at takot ang mukha ng bata,
dito niya mapag tatanto ang tunay na kulay ng mundo, manginginig siya sa takot. Dito niya
mararamdaman at maririnig ang mga bala ng baril kahit wala namang nag babarilan hanggad
naging matatakutin na siya sa mga bagay na kayang makapahamak sa kanya.

At sa huli, hangga't humingi siya ng tulong sa kanyang magulang, kaibigan at iba kung paano ito
mawawala, ngunit sa kasamaang palad, nakimkim niya ito sa kaloob looban niya hanggang sa
pag lipat nila sa syudad.

You might also like