You are on page 1of 4

“Library Utilization System”

Background of the Study

Bilang isang institusyong ang obheto ay ihanda ang mga mag-aaral sa

kinabukasan hindi lamang para sa kanilang sarili kundi pati na rin nang ating sariling

bayan, isa sa mga layunin ng mga paaralan na maibigay sa mga estudyante ang lahat

nang kanilang kinakailangang mga kagamitan upang sila ay matulungan sa pag-aaral.

Isa sa mga hakbang patungo dito ay ang pagpapatayo nang mga pampaaralang silid-

aklatan.

Mula sa mahigit 1,635 na mga silid-aklatan sa Pilipinas, 226 dito ay

pampaaralang silid-aklatan. Ito ay kawani nang mga gawain at aktibidad nang

paaralang nasasakupan nito.

Sa panahon ng kasalukuyan, bihira na lamang ang mga mag-aaral na ginagamit

ang mga pasilidad nang pampaaralang silid-aklatan at dahil dito, tila nawawalang

saysay ang layunin ng aklatan. Totoo nga’t mas malawak ang ibinibigay na pagpipilian

ng internet, ngunit mas mabibigyan mo nang diin ang isang paksa kung ikaw ay

gagamit nang libro bilang isang salik ng impormasyon.

Malungkot man ngunit totoo, mayroong mga tumutuligsa sa panukalang sistema

nang edukasyon, sapagkat magbago man ang maraming aspeto nito, parehas lamang

ang kinalalabasan: pag-aralan,kalimutan. Ipinapalagay nito na ang lahat nangmag-aaral

ay may kawangis na abilidad, na maaaring hindi wasto sapagkat mayroong mga mag-

aaral na may kahusayan ang paggawa sa isang asignatura at hindi gaano sa iba. Mas

mainam na ibigay sa mga mag-aaral ang tinutukoy na “demonstrative learning”, kung

saan ang mga mag-aaral ang gagabay sa kanilang sarili kung ano man ang pag-aaral
“Library Utilization System”

na nais nilang tahakin. Sa ganitong paraan ay mabibigyan ng kalayaan ang mag-aaral

na mag-aral sa isang paraan na siya ay komportable, tungo sa mas epektibong

pangangaral.

Gayumpaman, parehas na matimbang ang paggamit ng mga aklat at ng internet

sa pananaliksik at paghahanap ng impormasyon.

Scope and Limitation

Ang isasagawang “Library Utilization System” ay mangyayari sa Mataas na

Paaralan ng Sto. Domingo. Lahat nang mga baitang, mula Grade 7 hanggang 11, ay

maaaring sumabay sa nasabing programa. Ang pagsali sa programa ay boluntaryo

lamang, ngunit kinakailangang kilalanin ang mga mag-aaral na mga sasama.

Mabibigyan ng mas malaking pagkilala ang programang ito sa pagpasok ng “National

Book Week”.

Methodology

Sa pagpapatupad ng programang ito, una munang ikukumpuni ang mga

pangalan ng mga mag-aaral na nais sumali. Pagkatapos ay ipapaliwanag na ang

“Library Utilization System”.

Library Utilization System (LUS)


“Library Utilization System”

Nilalayon ng LUS na isagawa ang “Demonstrative Learning” at magbigay ng

“Postive Reinforcement” sa mga magaaral.

Isasagawa ang LUS sa pamamagitan nang: Una, pipili ang mag-aaral nang aklat

na kaniyang nais pag-aralan. Ang aklat na ito ay mapabibilang sa isang asignatura. Sila

ay aatasang gumawa nang isan reflection ukol sa aklat na kanilang binabasa. Malaya

ang mag-aaral sa kaniyang nais sa paggawa ng repleksyon. Sa bawat aklat na kanilang

babasahin, sila ay magkakaroon ng isang puntos sa “Library Utilization Tally”.

Pagsapit nang “National Book Week”, ikukumpuni ang lahat ng puntos na

nakuha sa LUT. Pagkatapos ay mabibigyan sila ng insentibo. Bawat bilang ng puntos

ay may kaakibat na premyo.

Significance of the Study

Matutulungan nang programang ito ang mga magaaral ng Mataas na Paaralan

ng Sto. Domingo, sapagkat mas mapapadali ang kanilang pag-aaral sa iba’t-ibang

aspeto. Ang mga mag-aaral na nahihirapang gumamit ng internet, katulad nang mga

nagbabayad pa sa mga internet shop ay mapapadali ang pananaliksik sapagkat mas

mapapalawak ang kanilang pagbabasa ng mga libro.

Matutulungan rin ang silid-aklatan ng Mataas na Paaralan ng Sto. Domingo, dahil

mas darami na ang mga mag-aaral na gagamit ng mga aklat.


“Library Utilization System”

Source of Funds

Ang salapi na kakailangangin upang masimulan ang programang “Library

Utilization System” ay malilikom mula sa porsyento ng mga babayaran para sa

pampaaralang silid-aklatan, at mula sa babayaran para sa Values Education Fee.

Provision of Sustainability

Ang programang “Library Utilization System” ay maaaring mapatupad sapagkat

ang mga gamit na kailangan upang ikumpuni ang programa ay nasa pampaaralang

silid-aklatan na, at ang salapi na kakailanganin para sa mga insentibo ay kukunin laman

sa porsyento ng mga babayaran para sa pampaaralang silid-aklatan, at mula sa

babayaran para sa Values Education Fee.

Ang programa ay naglalayong mabigyang-diin ang pagpapadali sa pag-aaral ng

mga estudyante, sa pamamagitan nang pagtangkilik sa mga kagamitan at pasilidad

pampaaralan.

You might also like