You are on page 1of 2

ABM-2B6

Leader: Deacel Saberola


Members: Jan Ruzel Arceo
Katherine Benedict Adducul
Ara Andrea Diaz
Monica Lagradilla
Mary Grace Llamado
Jogel Marie Mendoza
Hannah Mae Querejero
Ella Marie Tapan

“Three fifteen”

Araw araw. Araw araw akong gumigising


sa mundong mapanghusga. Araw araw
nakikipagsapalaran sa mga kaklaseng tila
pinapatay ako sa kanilang mga salita. Mga
salitang labis na kinakasaya nila at labis na
kinakawalang gana kong manatili sa
mundong ito.

Nasa loob ako ng silid aralan nang


tawagin ako ng aking guro. Ang
asignaturang Filipino kung saan napatigil sa
pagtuturo ang guro namin ng tumayo ako at
simulang pag usapan ang isang
pangyayaring pinangambahan ng lahat.
Kinakabahan ako sapagkat kaibigan niya
ako at ako ang may alam ng lahat ng
nangyayari sa kanya. Sinimulan ko ang aking
pagkukwento at habang sinasambit ang bawat salita ay tila may kirot sa aking puso dahil alam
ko ang paghihinagpis niya. Paghihinagpis na alam kong isa ako sa mga naging dahilan kung
bakit wala na siya. Wala akong nagawa. Kaibigan niya ako pero wala akong ginawa, hinayaan
ko lang na ganun ang nangyari sa kanya. Sa araw-araw na magkasama kami, ang mga
mapanghusgang mga mata ng tao at malupit na mga salita nila na nagpahirap sa kanya, mga
sanhi kung bakit sa puso niya ay may tinik at sugat na hindi na kailan man mawawala. Naalala ko
pa ang mga huling sinabi niya ng huling araw kaming nagkita, “Kaibigan kita, alam mo lahat
pero pinanuod mo lang akong maghirap at hindi ka nagsalita. Pinatay nyo ko. Pinatay mo ko.
Wala kayong puso. Wala kayong utang na loob.” Paulit-ulit sa isip ko ang mga salita niya na tila
nakakabingi dahil sa katotohanan na kanyang ipinahayag. Hindi ko na itatago ang sarili ko at
ilalantad ko ang bawat detalye ng kapangahasang ito. Lahat tayo sa silid na to ay responsable
sa krimeng ito kaya makinig kayong mabuti. Sa araw-araw na pangbubully at pangungutya niyo
sa kanya, sobrang nakaapekto sa damdamin niya lalo na sa pag-iisip nya. Nais niya lang naman
na makapagtapos ng pag-aaral pero anong ginawa niyo? Hinusgahan niyo, tinapak-tapakan
niyo ang pagkatao niya. Hindi kayo mga perpekto pero daig niyo pa ang Diyos para maging
dahilan ng kawalan niya ng buhay. Nagugulat kayo dahil hindi kayo makapaniwala na kayo ang
sanhi ng maruming kwento na ‘to.
“Wag kang tumawa Ruzzel dahil isa ka sa mga may mga kalapastanganang ginawa. Ang
patuloy mong paglalagay ng kung ano-ano sa upuan niya at pagdidkit ng katawa-tawang mga
salita sa likod nya.”

“Ikaw Ayka, sa bawat araw na nawawalan ka ng pera at mga gamit pinagbibintangan mo na


agad siya kahit hindi naman talaga siya ang may kasalanan nito.”

“May pag-iyak ka pang nalalaman Angelou, ang plastik mo itinuring ka niyang kapatid ngunit
anong ginawa mo iniwan mo siya sa ere dahil alam mong may gusto si Kenneth sa kanya at nagselos
ka nagpost ka pa ng kung ano ano sa social media. Siniraan niyo siya sinira niyo ang pangalan niya.
Natutuwa pa kayo na ganun ang nangyari sa kanya, asan ang konsensya niyo? Nakakatulog pa
kayo na gayung nakapatay kayo ng inosenteng tao. Hindi man sa mga kamay niyo pero sa mga
salitang binitawan niyo.”

Natahimik ang lahat ng sandaling iyon at tila nanlamig ang paligid at may malamig na simoy na
hangin ang humahampas. Makikita ang gulat sa kanilang mukha, at tila sa isang iglap may isang
babaeng umokapa sa bakanteng upuan na siyang nagpakilabot sa lahat. Umiiyak na babae, at ito
ang kaklase naming kamamatay lang. Nagsimula itong magsalita at tila hirapan dahil umiiyak.

“Naalala niyo pa ba ako? Siguro naman tandang tanda niyo pa ako. At ngayon hinding hindi
niyo na ako makakalimutan dahil kasama na ko sa mga alaala niyo habang buhay dahil mahirap
kalimutan ang pagpatay. Tanda niyo pa ang bawat tawa niyo habang ako bakas ang kalungkutan.
Tanda niyo pa ba ang mga bulungan niyo samantala ako patuloy na nabibingi at tanda niyo pa ba
ang masasayang pangungutya niyo samantala ako unti-unting nauupos? Nagsisisi kayo? Sana naisip
niyo yan bago niyo gawin. Balang araw mangyayari rin sa inyo at mararamdaman niyo ang hinagpis
ko. Pero nagpapasalamat ako, dahil isa kayo sa dahilan kung bakit hindi ko na maramdaman pa
ang lupit ng mundong ito.

“Paalam.”

Nagising nanaman ako sa oras na ito, oras kung kalian parang sirang plaka sa isipan ko ang mga
pangyayaring kailanma’y hindi na maitatama pa. Isang bangungot na paulit ulit kong hinihiling na
sana’y maglaho na ang bakas ng kalupitan.

You might also like