You are on page 1of 15

Bahay-Paaralan: Isang Pag-aaral tungkol sa Karanasang Sosyal ng mga Estudyante na Junior

High School Level na nag Home Schooling at Epekto nito sa kanilang Pag-aaral.

Isang saliksik papel na iniharap Kay

G. Cristian P. Manago at

Kaguruan ng Filipino

Bilang bahagi ng pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang Pagbasa

at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Agustin , Eloisa S.

Briones , John Gabriel M.

Diaz , Rodelyn A.

Gutierrez, Kenshin Z.

Lodo, Jonvic D.

Lumang , Jonathan R.

Miranda , Georgelaine G.

Pumarada , Sabrina Lyn R.

Santiago , Gabriel M.

Trenias , Jane S.
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Introduksyon

Sinasabing ang mga magulang ang nagsisilbing unang guro ng mga bata bago pa man sila

ipadala sa paaralan.Subalit, mayroon nang alternatibong sistema ng pag-aaral na bahay ang tuluyang

magsisilbing silid-aralan at magulang ang guro.Tinatawag itong Home Schooling. Ang Home Schooling

ay ang edukasyon ng mga bata habang nasa tahanan, na karaniwang sa pamamagitan ng

mga magulang o ng mga tutor, sa halip na nasa ibang mga tagpuang pormal ng paaralang

publiko o paaralang pribado

May mga magulang na mas pinipiling sa bahay na lang bigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak at

mas maraming oras ang nailalaan umano ng mga bata sa paaralan kaysa kasama ang pamilya sa halip na

makasama ang pamilya ng matagal ay halos buong araw ang nakokonsumo ng mga bata sa loob ng paaralan

(Maluya 2017).

Dagdag pa rito , nagkaroon ng sistemang libreng public education sa elementarya at high school

levels, nang hindi lilimitahan ang natural na karapatan ng mga magulang na turuan at suportahan ang

kanilang mga anak. May karapatan ang religious groups, mission boards, at kani-kaniyang pamilya na

tumaliwas sa public education at magtayo o magbuo ng kanilang sariling pribadong edukasyon. Ayon

din sa batas, ang pampubliko at pribadong institusyon ng edukasyon ay nasa ilalim pa rin ng

superbisyon ng DepEd (Philippines Constitution, Article XIV, Section 1.2 )

Ang Homeschooling Association of the Philippine Islands (HAPI) ang pangunahing advocate ng

homeschooling sa Pilipinas, mula pa noong 2009. Ang mga miyembro nito ay mga homeschooling

families at mga accredited schools na may home school programs. Magkaiba ang home study at home
schooling. Ang Home Study ay pag-aaral na may paggabay ng guro o tutor na pumupunta sa bahay ng

estudyante. Ang Home School ay isang sistema na ang magulang ang guro ng kaniyang anak na ang mga

magulang ay may kalayaan at kakayahan na magturo sa kanilang sariling anak (Mendoza 2014) .

Dati, mga batang may kapansanan at yung mga abala sa pagiging atleta o artista lamang ang

karaniwang homeschooled. Isa sa mga kalamangan umano ng pagiging homeschooled ay mas

natututukan ang pag-aaral ng bata (Padrelanan 2017) .

Ang karaniwang takot o inaalala ng mga magulang sa homeschooling ay ang mawalan ng

kakayahang makipagkaibigan o makisalamuha sa tao ang estudyante. Nasa sa pagtuturo din ito ng

magulang, at sa pagbibigay ng iba’t ibang pagkakataon na magkaron ng social interactions ang isang

estudyanteng homeschooled. Nakakatulong ang playdates at pagsali sa mga organisasyon tulad na nga

ng badminton, basketball, o di kaya’y mga church youth organizations (Santos 2012).

Hindi naman nagkakaroon ng problema ang isang batang homeschooled sa pakikisalamuha sa

ibang tao."Para ba silang hindi nagpapadala sa peer pressure. Kasi may sarili na silang foundation eh.

Alam na nila kung ano gagawin nila,"(Padrelanan 2017).


Teoretikal na Balangkas

Ang mananaliksik ay humanap ng bagong datos patungkol sa nasabing sitwasyon na pinamagat

“BahayPaaralan: Isang Pag-aaral tungkol sa Karanasang Sosyal ng mga Estudyante na nag Home

Schooling at Epekto nito sa kanilang Pag-aaral” upang masagot ang ilang katanungan at upang masuri

kung valid o may katotohanan ang isang ideya o pahayag na nakalap mula sa ibat-ibang sanggunian

katulad ng internet o website, aklat at maging mga ideya ng napiling participante na nagmula mismo sa

mga estudyanteng homeschooled upang maipaliwanag ng lubos ang sapat na datos na nakuha at upang

makatulong sa pagresolba ng nasabing problema, sa bahaging ito rin nilalagom ang kabuuang

impormasyong nakalap para sa pinal na paghahanda ng balangkas ng mga teoryang pinagkuhanan at ibat

ibang sanggunian sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik.

Haypotesis

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, natiyak ng mananaliksik na makabuo ng hinuha mula sa

kanilang nakalap na impormasyon o datos na nagmula sa mga napiling participante at ibang sanggunian

patungkol sa paksa ng saliksik papel. Inihahambing rin dito ang pag-aapply ng mga suhestiyon na

alternatibong saliksik papel na ipinapahayag ng mananaliksik.


Layunin ng Pag-aaral

1. Malaman ang ibat ibang karanasang sosyal ng pagiging homeschooled student.

2. Maisa-isa ang mga epekto nito sa pag-aaral sa pamamagitan ng home schooling.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mga Home Schooler . Ang paanaliksik na ito ay makakatulong sa kanila upang magkaroon ng

kaugnayan ang kanilang nararanasan sa pag-aaral na ito.

Mga Mag-aaral. Ang paanaliksik na ito ay makakatulong sa kanila upang malaman nila kung ano ang

mga karanasang sosyal ng mga homeschooled student sa sitwasyon ng kanilang pag-aaral at magkaroon

ng ideya kung ano ang homeschooling.

Mga Magulang. Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga magulang upang buksan ang kanilang

isipan na suportahan ang kanilang mga anak sa kung gusto ba nito maging homeschooled student at

magkaroon ng impormasyon pa tungkol sa homeschooling.

Mga Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ang magsisilbing gabay sa kanila sa pagkakaroon ng mga

ideya , kaalaman at impormasyon sa pagiging home schooled.

Mga Susunod na Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ang magsisilbing reperensya sa mga susunod

na mananaliksik upang magkaroon sila ng konting aral at mas mapalawak pa ang impormasyon tungkol

sa paksa na ito.
Mga Guro .Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng impormasyon sa mga guro upang malaman ang

sitwasyon ng mga homeschooled student sa karanasang sosyal.

Saklaw at Limitasyon

Saklaw ng Pag-aaral

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang mga karanasang sosyal ng mga homeschooled student na mga

nasa Junior High School Level at epekto nito sa kanilang pag-aaral.

Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng mga respondente mula sa lungsod ng Bacoor ,

Cavite na nagmula sa ibat-ibang lugar sa lungsod .Nais makabuo ng mga mananaliksik ng 10

respondente na maging tulay upang maisakatuparan ang pananaliksik.


Depenisyon ng Terminolohiya

Para sa pag-aaral na ito upang mapabilis na maunawaan ang pagkayari o ang gawaing ito, ang mga

termino sa ibaba ay binigyan ng maayos na kahulugan ng nagmula sa mga mananaliksik at iba-ibang

websyayt:

Home Schooling- Ito ay ang edukasyon ng mga bata habang nasa tahanan, na karaniwang sa

pamamagitan ng mga magulang o ng mga tutor, sa halip na nasa ibang mga tagpuang pormal

ng paaralang publiko o paaralang pribado.

Home Schooled- Ito ay ang mga estudyante na kung saan hindi pumapasok sa mga pampubliko o

pribadong paaralan kundi sa loob lamang ng tahanan nag-aaral.

Home Study – Ito ay ang pag-aaral na may paggabay ng guro o tutor na pumupunta sa bahay ng

estudyante.
Mission Boards -

Peer Pressure -

Public Education -

Religious Groups -

Tutor -
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Lokal na Pag-aaral

Kasaysayan ng Home Schooling

Ang pormal na
edukasyon ay
nagsimula noong
late 17th century at
early18th century
sa German states ng
Gotha, Calemberg
at sa Prussia.
Subalit noong1964,
sumulat si John
Caldwell Holt ng
libro na
pinamagatang
“How ChildrenFail”
kung saan pinuna
niya ang mga hindi
magagandang
bagay na
naidudulot
ngtradisyunal na
edukasyon o
pagpasok sa
paaralan. Ang libro
na ito ay nakabase
sakanyang teorya
bilang isang guro-
na ang pagbagsak o
pagkabigo ng
estudyantesa
paaralan ay dahil sa
pressure na
ibinibigay sa mga
estudyate mula sa
kanilang paaralan o
guro. At ito ang
naging simula sa
pagsulong niya ng
hindi pagsang-ayon
sa regular na
schooling

You might also like