You are on page 1of 4

Gaano Ka Kabihasa Sa Iyong

Diyalekto
(How Bisdak Are You?)

Ang ating wikang Cebuano ay unti-unti ng kinalilimutan ng mga kabataan ngayon.


Mga salitang malalim ay hidi na masyado naiintindihan o kundi hindi na rin nila
alam kung ano ang ibig sabihin. Merong mga dahilan kung bakit unti-unting
nakakalimutan ang wikang Cebuano. Una, dahil hindi ito ang midyum na
ginagamit sa paaralan. Ikalawa, mas kinagigiliwan ang paggamit sa wikang ingles
at mas pinaniniwalan na mas nakakaunlad ito. At ang huli, karamihan sa mga
kabataan ngayon ay mas interesado sa paggamit sa ibang wika kesa sa sariling
atin.

Sa aking pangangalap ng impormasyon ay napatunayan ko na unti-unti na talaga


nakakalimutan ng mga kabataan ang ating sariling wika. Hindi ito ginagamit sa
paaralan noong mga henerasyon nga nasa sekundarya ngayon. Kung ito ay
mapatupad ngayon medyo mahihirapan ang mga hindi nasanay o hindi
nakagisnan ang paggamit sa wikang Cebuano. Sa kadahilanan na ang kanilang
naka ugaliang gamitim na midyum ng pagtuturo ay ang wikang ingles at filipino. At
kahit wika o diyalektong Cebuano ang kanilang ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipag-usap hindi na man ganoon kalalim ang mga salitang kanilang ginagamit
o hindi kaya ay napaghalo-halo na ang mga lingguwahe ang kanilang ginagamit
upang sila ay magkaintindihan. Pero para sa kabataang nakakasimula lang ay
mas may malaking porsyentong mas makaka-unawa sa mga malalim na mga
salitang itinuturo sa paaralan ngayon. Pero malaki ang tiyansa na mahihirapan
sila sa pagtung-tong nila sa sa sekundarya at kolehiyo sapagkat sa antas ng
pag-aaral ay mas nagagamit na ang wikang ingles at tagalog kapag ikaw na ay
gustong mkapagtrabaho at mas ginagamit din ito sa midyum ng pag-aaral.

Ang midyum ng pagtuturo ay nagiging isang dahilan din kung bakit hindi
masyadong nagiging bihasa ang mga kabataan sa paggamit ng kanilang unang
wika. Ang pagkakalito ng mga mag - aaral ay isang hindi magandang epekto ng
pagpapahasa sa ating unang wika. Magandang pakinggan sa ating mga tenga na
ang gobyerno ay gumagawa ng paraan upang ang mga kabataan ngayon ay hindi
nila makalimutan ang kanilang unang wika at upang mahasa pa nila ito ng maiigi
pero kapag tumanda ay sila din ang mahihirapan sapagkat sa elementarya lang
magagamit ang unang wika at hindi na sa sekundarya at kolehiyo. Dahil din sa
pagnanasa ng ating gobyerno na tayo ay umunlad at naniniwala sila na
makakamit natin ang pag - unlad sa pamamagitan ng wikang ingles sapagkat
tayong mga Pilipino ay naniniwala na ang kaunlaran ay nasa ibang bansa at hindi
sa loob ng ating bansa. Kung wawasakin natin ang mentalidad na ito, siguro tayo
ay uunlad ng paunti-unti.
Ang Pilipinas ay may mayamang kultura. Kung atin itong pagyayamanin ng husto
tiyak ako ay uunlad ang ating bansa. May potensyal ang mga Pilipino kung ito ay
maihahasa sa tamang paraan. Ang ating wika ay dinamiko at isa din ito sa ating
mga lakas, na ating binabalewala, dahil sinusunod natin ang ibang bansa. Kaya
nating umusbong gamit ang ating sariling wika kung tayo lang ay magsusumikap
at mag tiwala sa ating mga sarili. Mayaman ang ating bansa kung alam lang natin
kung saan tumingin ng tama. At kung alam natin kung saan ang kailangan
pagbutihin pa ng maayos.

Mas kinagigiliwan ito ng mga kabataan dahil mas maganda ito pakinggan at mas
pagyamanin ang dating. Sinasabi nila meron kang “class”. Isang slang ng mga
kabataan kung saan ang ibig sabihin ay ay mas mataas ka sa iba o mas elegante
ka kesa sa iba. Ito ay isang hindi magandang dulot ng wikang ingles. Sinusuri ang
katayuan mo sa buhay sa. At kinukompara kung sino ang mas nakakahigit sa
inyong dalawa. Ang kaisipang ito rin ay nakakahadlang sa paghasa sa ating
wikang Cebuano sapagkat inisip natin na kapag ang isang tao ay mas bihasa sa
kanialng unang wika at hindi sa wikang banyaga, sinasabe na natin agad na hindi
siya nkapag-aral o hindi siya edukado. Hindi ibig sabihin na ang tao ay hindi
marunong umintindi o makapagsalita man lang sa wikang ingles, ay ibig sabihin
non ay hindi siya nakapag-aral. Dahil meron lang talagang mga taong mas sanay,
komportable at mas makakahayag sila ng maayos kung ang kanilang ginagamit
na wika ay ang wika na kanilang tinubuan.

At ang huli ay ang pagkagiliw ng mga kabataan sa ibang wika. Wala na mang
masama sa pagkatuto sa wika ng ibang bansa. Nakapanghihinayang lang na mas
alam pa nila ang wika ng ibang bansa kesa sarili nating wika. Lalo’t na ang
“K-POP” ay sumisikat na at mas nagigiliwan ang mga kabataan. Ang “K-POP” ay
ang musika galing sa Korea. Kung saan merong mga pangkat ng mga lalaki o
babae na kumakanta at sumasayaw. Patok na patok ito sa mga kabataan
sapagkat kadalasan sa mga artista nito ay mga pogi at magaganda. At
mahuhumaling ang mga kabataan lalo na sa kanilang mga musikang ginagawa.
Hindi lang ang “K-POP” ang umiiral na kinagigiliwan ngayon. Kundi pati na rin ang
änime”ito ay nagmula naman sa bansang Hapon. Kung saan mga larawan na
binigyan ng buhay ng mga magagaling na mga pintor. Minsan kasi ang problema
sa anime ay walang pagsasalin ng wikang Hapon sa wikang ingles at Filipino.
Kung kaya ina-alam nalang ang wika mismo upang sila ay makapanood ng
walang problema.

Sa datus na aming nakalap iilang lang sa mga tao ang nakakuha ng perpektong
marka, karamihan sa kanila ay kulang nalang nna isang puntos ay malapit na sila
makakuha ng pasadong marka. May 6.06% lang ang nakakkuha ng perpektong
marka. May 42.42% naman ang hindi perpekto pero pasado ang kanilang
naakuhang marka. May 33.33% naman ang kulang nga tig isa o dalawang puntos
upang sila ay maka-pasa. May 15.15% naman ang bagsaka talaga sa aming
pasulit. Karamihan sa aming mga katugon ay nasa gulang labing anim hanggang
labing pito. May 50% sa aming mga katugon ay nasa gulang labing anim. May
27.5% naman ang edad nila ay nasa labing pito. May 5% naman sa edad na
labing apat at ang 2.5% ay nahuhulog na sa ibang taong gulang. Karamihan sa
aming mga katugon ay mga estudyante. May 40% ang mga mga-aaral na galing
sa “Cebu Institute of Technology”. May 15% naman ang nagmumula sa paaralang
“Cebu City National High School”. May halo-halo na mga mag- aaral na galing sa
Üniversity of Cebu”, “University of San Jose Recoletos”, at ang iba ay
nakapagtapos na sa pag-aaral kinukumpuni nila ang 2.5% na porsyento.

Ang mga mag-aaral na nakakuha ng perpektong marka ay nasa mga paaralan ng


“Cebu City National Science High School” at sa “University of Cebu”. Mga
mag-aaral na nakakuha nga pasadong marka ay nasa mga paaralang “CebuCity
National Science High School” at “Cebu Institute of Technology”. Ang mga
mag-aaral naman na nakakuha kulang sa pasadong marka ay mga mag-aaral na
nagmula sa mga paaralan ng “Cebu City National Science High School” at Cebu
Institute of Technology”. Mga mag-aaral na bagsak sa pasulit ay nagmula sa mga
paaralang “Cebu City National Science High School”, “Cebu Institute of
Technology” at katugon na nakapagtapos na sa pag-aaral.

Sa aming nakuhang datus ay maganda na man ang mga nakuha na marka ng


mga mga taong aming napsagot. Pero hindi na mn sya ganoon ka laki na kaya
kong sabihin na alam talaga nila ang ating wikang Cebuano. Kasi kahit may
nakakuha ng perpektong marka, meron na mang nakauha na mababang marka
kung saan mas marmi sila kung ikokompara. Masasabi ko lang na ang ating mga
kabataan ay mahusay sa kanilang inang wika kung ang nakakuha ng perektong
marka ay mas malaki katumbasa sa mababang marka.

Sa aming talungguhit makikita mo na karamihan sa kanila ay alam kung ano ang


ibig sabihin ng “nangalisbo”. nangalisbo ay isang Cebaunong salita kung saan
nangangahulugan itong “grabe kabaho”o mabaho. May 95% ang kakakuha sa
tamang sagot na “grabe kabaho”. May 2.5 na katao na sumagot ng “walay kwarta”.
May 2.5% din sa sagot na “sigeg ubo”. Marami ang nakakuha sa tamang sagot
dahil kadalasan itong ginagamit nga mga matatanda o kundi ginagamit ito ng
kanilang mga magulang kapag ang kanilang anak ay nagiging matigasin kapag
maliligo. Merong mga taong hindi nakakuha sa tamang sagot, dahil hindi ito alam,
hindi ito ginagamit ng kanialng mga magulang o lolo’t lola o sadyang nakalimutan
lang talaga nila kung ano ang ibig sabihin ng salita na ito.

Ang paggamit sa ating unang wika ay hindi dapat ika-hiya dahil ito ang tumutukoy
kung sino tayo at ano tayo bilang isang tao. Ang ating wika ay ipinaglaban at
binuwis ang sarilin buhay, ng ating mga dakilang mga bayani upang gamitin at
hindi ikahiya sa. Kung ang ating uang wika ay mawawala lng dahil sa
pagbababaya ay ano pa ang say-say sa pagbuwis buhay nila kung hahayaan
lang pala natin na atin itong mapabayaan at mawala ng unti-unti na parang bula
lang. Ang wikang Cebuano ay isa sa mga nangungunang wika na may
pinakamaraming mga panitikang nasulat. Mayaman ang ating wikang Cebuano
kung atin lang itong bigyang pansin.

Mahalaga ang ating wikang Cebuano sapagkat ito ang unang paraan ng ating
mga ninuno upang sila ay magkaintindihan o mag kaunawaan sa kanilang kasapi
o kapwa tao. Mahalaga ito dahil dito, nakatatak ang ating mga tradsyon at mga
gawi bilang isang Bisaya o Bisdak. Mahalaga ito dahil ito ang isa sa mga dahilan
kung bakit tayo ngayon ay malaya sa ating pagkaposas sa dayuhang mananakop.
Ito ay ang nagbigay saysay sa ating pagkakalaya.

You might also like