You are on page 1of 14

Would You Rather

By: 11 HUMSS F
Characters
Percieval Serrano
Victoria Pascua
Emiliana Miranda
Governor Santiago Miranda
SCENE 1:
Tauhan:
Victoria
Percieval

Song title: Make It With You – Ben & Ben

~ Hey have you ever tried


Really reaching out for the other side?
I may be climbing on rainbows
But baby, here goes ~
Isang malamig na umaga sa bayan ng San Roque, natagpuan nina Percieval at Victoria ang kanilang mga sarili
sa kalagitnaan ng palitan ng mga matatamis na salita at tila hindi napapansin ang unti unting pag-lamig ng kape
sa kanilang harapan.
~ Dreams are for those who sleep
Life is for us to keep ~
VICTORIA: (Malapad na nakangiti habang nakatingin kay Percieval)
~ And if you’re wondering what this song is leading to,
I want to make it with you ~
PERCIEVAL: Nagustuhan mo ba?
VICTORIA: Oo… (Itinaas ang kamay at ipinakita ang singsing) kuhang kuha mo talaga ang gusto ko! (At muling
tumingin kay Percieval)
PERCIEVAL: Parang ikaw… (Kinuha ang kamay ni Victoria) Hindi sobra, hindi kulang. Sakto lang… Pero hindi
nakakasawa.
VICTORIA: Baka ang kape naman ang idinedescribe mo?
PERCIEVAL: Ngayon ka pa ba magdududa sa kung paano kita ilarawan? (At natawa)
VICTORIA: (Nangiti at binawi ang kamay) Hmm, hindi. Kahit kailan hindi. Sino bang mag-aakala na ilang linggo
na lang? (Humigop ng kape)
PERCIEVAL: Kahit ako… Parang hindi ko napansin (ngumiti)… At tuluyan na nga talaga kitang maiuuwi.
(Hinawakan ang kamay ni Victoria at idinampi ang labi doon) Handang handa na ako…
VICTORIA: Sino bang hindi?
PERCIEVAL: It will take them forever to break us…
VICTORIA: Pangako? (Itinaas ang kamay para sa pinky swear)
PERCIEVAL: Pangako. (Pinky swear)

END OF SCENE 1

SCENE 2
Tauhan:
Victoria
Percieval

Noong gabing din iyon, matapos ang hapunan ay masinsinang kinausap ni Victoria ang kanyang kasintahan
tungkol sa mga plano nito sa mga sususnod pang mga araw.
VICTORIA: Sigurado ka na ba na tatakbo ka sa posisyon bilang Governor? (Titingin kay Percieval)
PERCIEVAL: (Tumingin kay Victoria) Nag-alala ka ba sa akin?
VICTORIA: Medyo. (Yumuko) Hindi mo maiaalis sa akin iyan lalo na at politika ang pinasok mo. Kahit na anong
tanggi, marumi ang laro ng iba.
PERCIEVAL: (Hinawakan ang kamay ni Victoria na nakapatong sa mesa) Iingatan ko naman ang sarili ko.
(Ngumiti kay Victoria)
VICTORIA: Dapat lang Percieval. Hindi ko gustong magpakasal sa bangkay, at wala akong balak…
PERCIEVAL: (Natawa) Hindi ko hahayaang mangyari yon. (Hinawakan ang dalawang kamay ang hawak niyang
kamay ni Victoria) Bukas, hihingin ko ang suporta ni Governor Santiago. Bibisita ako sa bahay nila.
VICTORIA: Hmm, sige. Imbitahan mo rin sila dito minsan…

END OF SCENE 2

SCENE 3
Tauhan:
Victoria
Percieval
Tahimik ang umaga, marahil ang mga magulang at kapatid ni Percieval ay maagang umalis upang mag-simba,
samantalang naiwan si Victoria upang asikasuhin si Periceval.
(Nag-aayos ng table si Victoria. Papasok si Percieval)
VICTORIA: O? Aalis ka na? Kumain ka muna.
PERCIEVAL: Kape na lang. Ayaw ng Governor ang late, at ayaw ko rin naming magkaroon ng lamat sa kanya.
(Nahihirapan sa tie. Nakaharap sa salamin)
VICTORIA: (Lalapit kay Percieval) Ako na. (aayusin ang tie) Paano na lang kung wala ako? Paano ka magiging
pinakagwapong Governor niyan? (titignan si Percieval sa mata. Magkakatinginan tapos magngingintian)
PERCIEVAL: Nandito ka naman. (Hinaplos ang buhok ni Victoria) No need to worry (Ngumiti)
VICTORIA: Bolero! Sige na baka malate ka.
PERCIEVAL: (Humigop ng kape) Mmm sarap! Sige, babawi nalang ako mamaya. Hintayin mo ako ha?
VICTORIA: At kailan ba ako umalis?
PERCIEVAL: At alam ko rin naman na hindi… (Paalis nang kusina nang may maalala) Siya nga pala, Victoria…
VICTORIA: Bakit?
PERCIEVAL: Mahal Kita… (Leaves the house)

END OF SCENE 3

SCENE 4
Tauhan:
Percieval
Emiliana
Governor Santiago
Matiwasay na nakarating si Victoria sa bahay nina Governor Santiago, may kalakihan ang bahay ngunit tahimim
pa rin doon. Kumatok si Percieval at nagulat sa sumalubong sa kanya.
EMILIANA: (Binuksan ang pinto, nagulat) Sino po sila? Ano pong sadya niyo?
PERCIEVAL: Magandang araw, andyan ba si Governor?
EMILIANA: Ay wala po kaaalis lang, sayang at hindi ninyo po naabutan.
PERCIEVAL: Ganoon ba? Anong oras siya makakabalik?
EMILIANA: Hindi ko lang po alam, tumuloy muna po kayo.
PERCIEVAL: (Pumasok at umupo)
EMILIANA: Matanong ko lang? (Biglang naputol kasi dumating si Gov.)
GOV: (Binuksan ang pintuan) Percieval (masiglang ppagsasabi niya)
EMILIANA: Maiwan ko po muna kayo (Umalis si Emiliana)
PERCIEVAL: Governor..
GOV: Percieval, halika sa opisina ko. Doon natin pag-usapan...
PERCIEVAL: (Sumunod kay Gov)
GOV: Ano? Handa ka na ba? Ang pagtakbo sa politika ay hindi madali, Percieval. Ngunit kung mahal mo ang
bayan na ito, dapat ay handa kang maging mahusay na tatay sa kanila. Ikaw ang magtutuloy sa sinimulan ko…
PERCIEVAL: Alam ko naman po. Kaya nga po lumapit ako sayo para humingi ng kaunting payo, alam ko naman
pong kayo ang makakatulong sa akin.
GOV: Percieval! Magaling ka! Kaya alam kong sa pagtakbo mo sa politika mananalo ka kaya tiwala lang! Hindi
madali, pero wala namang mahirap kung mahal mo ang mga tao dito.
PERCIEVAL: Governor, desidido na ako. Lalaban ako para sa bayang ito!
GOV: Ganyan Percieval tama ang naging desisyon mo! (nag-kamayan)
PERCIEVAL: Mapapadalas po ang aking pag-bisita sa bahay niyo, sana po ay hindi ko kayo sobrang maabala...
GOVERNOR: Walang problema, basta ikaw!
Umalis na si Percieval sa opisina ni Governor
EMILIANA: (Tumatakbo at sumigaw) “Mayor!"
PERCIEVAL: (Napalingon agad!)
EMILIANA: Mayor pinabibigay nga po pala ni tita (Inabot ni Emiliana yung pabaon)
PERCIEVAL: Pano mo nalaman na mayor ako?
EMILIANA: Sinabi lang po ni tita
PERCIEVAL: Ah ganun ba, pakisabi salamat

END OF SCENE 4

SCENE 5
Tauhan:
Victoria
Percieval
Alfonso
Carmelita
Carmela
Ang tunog lamang ng mga kutsara at tinidor ang Santiagog sa hapag, bukas din ang bintana kaya naman ramdam
ng bawat isa ang malamig na simoy ng hangin. Tumigil sandali sa pag-kain ang haligi ng tahananat tumingin
kay Percieval.
ALFONSO: Anak ilang linggo nalang ang bibilangin niyo, handa ka na bang bumuo ang pamilya? Percieval, may
dalawang katangian ang isang haligi ng tahanan, maaaring mabuti kang asawa, ngunit hindi ka mabuting ama o
kaya naman mabuti kang ama pero di ka mabuting asawa. Pero sana nasa iyo ang mabuting dalawa.
CARMELA: Parang ikaw, 'Pa? Ano na nga ang sabi nila tungkol sa iyo, bumukas ang langit at inihulog ka!
PERCIEVAL: Alam ko naman pa sa katunayan pagkatapos ng aming kasal ay lilipat na rin kami sa pinagawa
kong bahay para doon bumuo ng isang pamliya.
CARMELITA: Anak, kaya mo bang pagsabayin ang pagpapakasal at pagtakbo mo. Hindi mo ba pwedeng
ipagpaliban nalang at sa susunod na halalan na lang
VICTORIA: Ma, kaya naman ni Percieval at napag-usapan na rin po naming ang tungkol dyan.

END OF SCENE 5

SCENE 6
Tauhan:
Victoria
Carmela
Percieval
Pumutok na ang araw at tahimik na nagwawalis sa sala si Victoria nang mapansin niyang nagmamadaling
sumungad si Percieval habang hawak ang ilan sa kanyang mga gamit. Napatigil si Victoria at tinignan lang ang
kasintahan
PERCIEVAL: Victoria, pupunta lang ako saglit kay Governor Santiago, babalik din ako agad.
VICTORIA: Sige, mag-iingat ka. (beso-beso) (palabas na si Percieval at nagkasalubong silang magkapatid)
CARMELA: Saan kaya pupunta si Kuya? (sabi niya sa kanyang isip) (lumapit kay Victoria) Ate napapadalas ata
ang pag-alis ni Kuya?
VICTORIA: Abala kasi siya sa paghingi ng advice kay Gov. Santiago, para sa kanyang pangangandidato. Babalik
din naman siya agad. Kilala mo naman ang Kuya mo, seryoso sa lahat ng bagay...
CARMELA: Sige Ate, parang nanibago lang ako. Naalala ko pa dati kung paano ka niligawan ni Kuya. Tulad ng
panghaharana, mga love letters na binibigay niya, parang hanggang ngayon kinikilig pa rin ako.
VICTORIA: Oo nga pero... hindi ko na nga rin alam kung kailan huling ginawa ng kuya mo yan. Hindi ko rin
alam kung kailan niya balak ulitin.
CARMELA: Ipagdadasal ko na 'yon Ate, sige... Aalis na ako!

END OF SCENE 6

SCENE 7
Tauhan:
Emiliana
Percieval
Governor Santiago
Matapos mag-kape sa labas ng sina Percieval at Governor Santiago, nagtatawanan silang sumungad sa sala
habang naabutan nila si Emiliana na tahimik na nakaupo.
GOV: (titingin kay Emiliana na nakaupo at nag-cecellphone) Emiliana, nakauwi ka na pala. Kamusta ang lakad?
EMILIANA: Hindi rin po ako nakalabas ng sasakyan Tito. Sayang nga po.
GOV: Ganoon ba? (Phone rings) Excuse me, sasagutin ko lang to. (At lumabas)
(Katahimikan. Percieval at Emiliana nagkakahiyaan)
GOV: (babalik) Emiliana, ikaw na muna ang bahala kay Percieval, may pupuntahan lang ako. Ihatid mo na siya
EMILIANA: Ako na po ang bahala Tito (at ngumiti)
(Gov, aalis na)
EMILIANA: Hatid na kita.
PERCIEVAL: Ah oo tara na...
Naglalakas palabas bg bahay ang dalawa para maihatid na ni Victoria si Percieval. Ngunit biglang may naalala
si Emiliana kaya naman hinarap niya si Percieval habang may ngiti sa labi.
EMILIANA: Maganda po anf lugar na pinamumunuan niyo, Mayor. Nakita ko po iyon sa aming paglilibot, kahit
na hindi ako nakalabas ay tumanaw na lang ako sa bintana...
PERCIEVAL: Maraming salamat kung ganoon... Tunay na sayang kung hindi ka nakalabas...
EMILIANA: Sa mga susunod na araw na lang siguro, Mayor. Baka abala rin sina Tita at Tito kaya hindi nila
maharap...
PERCIEVAL: Ganon ba? Gusto mo ba ako nalang ang maglibot sayo? I can show you some place here (at
ngumiti)
EMILIANA: Nakakahiya naman. Baka nakakaabala ako sa iyo.
PERCIEVAL: Iyon lang naman ay kung gusto mo...
EMILIANA: (titingin kay Percieval) Sige ba, Mayor!
PERCIEVAL: (Huminto at tumingin din kay Emiliana) Matagal na rin akong hindi naglilibot, ngayon na lang ulit
kaya excited ako...

END OF SCENE 7

SCENE 8
Tauhan:
Victoria
Mga Tindera
VICTORIA: (Lumilinga linga ang ulo) Hay, wala kayang magandang bangus para sa irelyeno? (bumunot ng
buntong hininga habang kausap ang sarli)
TINDERA 1: Ma'am Victoria! Halika po! Marami kaming sariwang isda ngayon!
VICTORIA: (napatigil at napatingin) Magandang araw po, ngayon na lang po ulit ako namalengke, buti po ay
natatandaan niyo pa ako!
TINDERA 1: Kamusta po ang pag-punta niyo sa Relevante kanina? Ang gwapo po talaga ni Mayor!
VICTORIA: (napakunot ang noo) Po? Hindi naman po kami nagawi doon... Tanungin ko na lang si
Percieval…pero… (pabulong)
TINDERA 1: Baka ‘yong kapatid niya na babae, madalas niyang nakakasama yon!
TINDERA 2: Nako hindi, bago sa paningin ko ang babae… ewan din ba!
VICTORIA: Ay baka nga po! Pabili na po ako ng isang pang-relyenong isda...

END OF SCENE 8

SCENE 9
Song Title: Araw-Araw – Ben&Ben
Pinilit ni Victoria na hintayin si Percieval, malalim na ang gabi ngunit wala pa rin si Percieval. Malamig na ang
relyenong bangus na hinanda niya para dito, at pati ang mga magulang nito ay nasa kanya kanya na nilang silid.
VICTORIA: (Nag-aayos ng pinagkainan sa kusina)
PERCIEVAL: Nandito na ako, Victoria (ibinaba ang gamit sa mesa at bunusan ang ina at pangalawang butones
ng sleeves)
VICTORIA: (Tinignan si Percieval at pilit na ngumiti) Oh? Napatagal ba ang usapan niyo ni Governor Santiago?
Naglibot ba kayo ni Carmela, may nakakita daw sa inyo kanina sa Casa Revelante...
PERCIEVAL: (Umupo) Medyo… pero ayos lang… marami akong natutunan (ngumiti) Ah kanina? Ang
pamangkin ni Governor ang kasama ko, kasama naman ang Governor eh...
VICTORIA: (Nagbuntong hininga at inilagay ang plato sa harapan ni Percieval) lumabas ba kayong dalawa?
PERCIEVAL: (inilayo ang plato) tapos na akong kumain… sumabay na ako kila Governor…
VICTORIA: (gulat ngunit pilit na ngumiti) Ganoon ba? (umupo at tinitigan ang mapapangasawa)
PERCIEVAL: Bakit? (ngumiti) may gusto ka bang sabihin? (umayos ng upo)
~ Umaga na sa ating duyan
‘Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal o Mahiwaga~
VICTORIA: Sieval… Paano mo nasabing mahal mo ang isang tao?
~ Matang magkakilala sa unang pagtagpo
Paano dahan dahang sinuyo ang puso? ~
PERCIEVAL: (nagulat at mag-iwas ng tingin) Bakit… Bakit bigla mong naitanong?
~ Kay tagal ko nang nag-iisa
Andiyan ka lang pala ~
VICTORIA: (Nanatiling tahimik at ngumiti lang)
PERCIEVAL: (Tumang-tango) Mahal mo ang isang tao kapag nanatili ka sa kanya, kahit sa madidilim niyang
araw…
~ Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw~
VICTORIA: Para sa akin… Tunay na mahal mo ang isang tao kapag… Pinili mo siya araw araw.
~ Mahiwaga
Ang nadarama sayo’y malinaw ~
PERCIEVAL: (natahimik at hindi nakasagot)
VICTORIA: Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala at puno ng pag-asa. Hindi ba?
PERCIEVAL: (pilit na ngumiti at tumango) Tama ka… Walang Duda Victoria.
VICTORIA: Sige, magliligpit na ako at magpahinga ka na (tumayo)
PERCIEVAL: Sige… mamaya na lang.

END OF SCENE 9

SCENE 10
Tauhan:
Victoria
Percieval
Emiliana
Naging abala si Percieval sa mga sumunod pang araw dahil sa kanyang pag-bisita kina Governor. Ngayong
gabi, naimbitahan ang magkasintahan na mag-hapun sa bahay kina Governor kaya halata ang pagkasabik kay
Victoria dahil iyon ang unang salo-salo na kasama siya.
(Perceival and Victoria dadating for the dinner. Makikita muna si Emiliana na nagcucut ng roses sa labas)
VICTORIA: (Kay Emiliana na nakatalikod) Excuse me, nandito ba si Gov. Santiago? Inimbitahan niya kase kami
para sa hapunan ngayon.
EMILIANA: (Haharap titingin sa kamay nila V at P na magkahawak at mabibitawan ang hawak na roses) A-ah
si Gov? Nasa loob na sila. Pasok kayo (forced smile)
(Victoria and Perceival papasok ng bahay)
PERCIEVAL: (guides victoria sa chair) Victoria, pwede ba kitang iwanan saglit? (Holds her hand na nasa table)
CR lang ako.
VICTORIA: (Tatango) Saglit lang ha? Hindi ko kaya ng matagal (ngumiti)
PERCIEVAL: (ngingitian din si V at aalis na)
(Sa labas ng bahay)
PERCIEVAL: (Kukuhanin ang pansin ni Emiliana na nakatalikod at gulat pa rin sa nakita kanina) *ehem* para
saan ang mga rosas Emiliana?
EMILIANA: Ah ito? (Pupulutin ang kaninang nahulog na rosas) (Titingin kay P) bakit? Gusto mo bang humingi
dahil may pagbibigyan ka?
PERCIEVAL: Ah iyon ba? Hindi ko lang nasabi sa yo ng mas maaga
EMILIANA: (Puputulin ang gustong sabihin ni P) Biro lang! Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Ang nakita
ko ay sapat na. Masaya ako para sa inyong dalawa (Ngumiti)
PERCIEVAL: Pasensya na.
EMILIANA: Hindi, Hindi mo kailangang humingi ng tawad. (pipitas ng isa pang rose at papalitan ang isa dahil
may sira) Sapat na siguro 'to. Kailangan ay maganda ang ilalagay mamaya sa hapag. Mas magandang tignan itong
dalawa di ba? Kaya ko ibinalik ang isa dahil hindi na natin yan kailangan. Mukhang maganda ang kombinasyon
nito kumpara sa kanina. Mukhang matagal ng namulaklak itong dalawa kumpara sa isa na kabubulaklak pa
lamang. Ayos na 'to. Ano sa tingin mo?
PERCIEVAL: (titingin muna kay E bago sumagot) Tama ka. Mas maganda nga iyan.
EMILIANA: (Ngumiti) Pumasok na tayo. Baka naghihintay na sila doon. Gutom na rin ako (Tumawa)
(Papasok sila sa bahay. Maabutan nila na nakaupo na ang lahat sa mesa)

END OF SCENE 10

SCENE 11
Tauhan:
Victoria
Percieval
Emiliana
Governor Santiago
Marcelina
Tila may kung anong kabigatan ang dala ni Percieval matapos ang usapan nila ni Emiliana, ngunit hindi niya
mailarawan kung ano iyon.
MARCELINA: oh Percieval kamusta naman yung pagplaplano ng kasal niyo?
PERCIEVAL: Mabuti naman po medyo nakakapagod ngalang.
VICTORIA: Opo tsaka marami pa pong kulang na kailangang ayusin.
GOV: Kailan ba ang inyong kasal?
PERCIEVAL: Malapit na po!
GOV: Mabuti naman percieval malapit na ang inyong kasal.
MARCELINA: Buti pa kayo ikakasal na samantalang itong pamangkin namin niisa wala man lang pinakilala.
Emiliana baka tumanda ka nang dalaga niyan.
EMILIANA: Hindi naman po siguro
MARCELINA: Percieval, isasama ko nga pala si Emiliana sa inyong kasal.
PERCIEVAL: Wala pong problema.
EMILIANA: Baka hindi po ako makasama, katatawag lang po kase ng nanay ko nong isang araw may emergency
po kase.
GOVERNOR: A? Parang biglaan naman!
MARCELINA: Usapan nalang natin 'yan mamaya...

END OF SCENE 11

SCENE 12
Tauhan:
Victoria
Percieval
Carmela
Carmelita
Alfonso
Song Title: Masyado Pang Maaga – Ben&Ben

Mainit ang ulo ni Victoria na pumasok sa bahay habang si Percieval ay malalim pa rin ang iniisip. Tila ba bulkan
na unti unting pumutok si Victoria at hinarap ang kasintahan.
VICTORIA- (Galit na hinubad ang blazer at hinarap si Percieval) Sieval, baka may nais kang sabihin? Ano ang
ibigsabihin ng aking narinig?
PERCIEVAL- (Gulat na hinarap si Victoria at kumunot) Ano iyon, Victoria? Ano ang gusto mong sabihin ko
para singhalan mo ako ng ganyan? (Tumaas ang boses)
VICTORIA- Akala mo ba? Akala mo ba hindi ko narinig? Diyos na mahabagin, Percieval! Ngayon pa ba? At
anong dahilan?!
(Napalabas ang Nanay, Tatay at Kapatid ni Percieval nang marinig ang dalawa)
MOTHER OF PERCIEVAL: Ano ang nangyayari? Bakit nagpapataasan kayo ng boses?
PERCIEVAL: Victoria, sa kwarto natin pag-usapan ito. Kalmahin mo ang iyong sarili, ayaw ko ng ganyang
ugali... (Tatalikod na sana ngunit nagsalita ulit si Victoria)
~ Bakit ba ang hirap-hirap? Magsabi ng deretsahan
Di pagkakaunawaan, pwede sanang pag-usapan ~
VICTORIA: At siya pala ang kasama mo nang marinig ko ang usapan ng mga tindera ng isda? Nakita ka nilang
naglilibot kasama ang pamangkin ng Gobernador?
~ Tahan pwede pa bang malaman?
Laman ng ‘yong isipan?
Para walang maling akala ~
PERCIEVAL: (Humarap at nilapitan si Victoria) Victoria!
~ Parang kay bilis ng ‘yong pag-alis
Teka lang, teka lang, teka lang muna ~
VICTORIA- Ngayon mo sabihing mali ako! Na mali sila! Sabihin mo Percieval at bakit ka nagkakaganyan!
~ San nagkamali? Pwede bang bumawi?
Teka lang, teka lang teka lang muna
Masiyado pang maaga ~
PERCIEVAL: Isa lang siyang... Isa lang siyang... Isa lang siyang kaibigan, Victoria!
VICTORIA: Talaga? Bakit mayroon sa akin ang hindi naniniwala, kaibigan? Hindi ko alam na ganoon ka
tumingin ng kaibigan! Kung paano mo ako tignan noon, ganoon ka rin tumingin sa kanya! Kitang kita ko iyon
kanina! (Habang dinuduro si Percieval)
PERCIEVAL: (Hinawakan ang balikat ni Victoria na mangiyak-ngiyak na, nanatiling lang itong tahimik
hanggang bumagsak ang kanyang kamay mula sa balikat hanggang sa kamay ni Victoria)
VICTORIA: Naalala mo ba noong gabi ka nang umuwi ka, ipinagluto kita ng relyenong bangus dahil iyon ang
paborito mo pero hindi ka nakakain dahil tapos ka na...
PERCIEVAL: Hali ka na sa kwarto, doon na lang tayo mag-usap... (Malumanay ang boses)
VICTORIA: Ayos lang kahit maghapon ka diyan sa labas, kahit ilang oras kitang hindi makita ay ayos lang.
Basta't dito ka umuuwi, basta sa akin ka uuwi at sabay tayong maghahapunan, iyon ang gusto ko...
PERCIEVAL: Victoria tama na... kaibigan lang si Emiliana.
VICTORIA: Siguraduhin mo lang Percieval, kundi ay ipaalam na natin sa kanilang walang kasalang magaganap...
Dahil sa isang pagtataksil!
(Hinarap ni Percieval ang mga magulang at hinawakan ang kamay ni Victoria)
FATHER OF PERCIEVAL: Percieval! Ayusin mo iyan, ano na lang ang sasabihin ng iba! Napalaking usapan
ang ginagawa mo!
PERCIEVAL: Alam ko iyon, Pa! Alam ko! Hindi na kailangan sabihin, alam ko ang gagawin ko!
MOTHER OF PERCIEVAL: Alam mo ang gagawin mo? Kung gayon... Totoo?
PERCIEVAL: Does it matter? Kung ang papakasalan ko ay si Victoria, does it still matter?
VICTORIA: Are you admitting it? Nagkakagusto ka ba kay Emiliana? And you just met her, ilang linggo pa lang
ang nakakaraan! (Hiniklat ang kamay kay Victoria)
PERCIEVAL: Ang alam ko, papakasalan pa rin kita.
VICTORIA: Ngunit paano? Papakasalan mo lang ako dahil ayaw mo ng isyu sa buong bayan? At kung hindi
alam ng bayan na ako ang magiging asawa mo… ako nga ba talaga ang pipiliin mo? Would you… Would you
rather choose me before her?
(Natahimik ang lahat)
VICTORIA: Sumagot ka, Percieval!
PERCIEVAL: Ikaw pa rin, Victoria! Ikaw na lang! Ikaw, araw araw!

END OD SCENE 12

Emiliana
Marcelina
Governor Santiago
SCENE 13
Kinaumagahan ding iyon ay handa nang lisanin ni Emiliana ang bayan ng San Roque, mabigat ang kanyang
damdamin at tila gusto na lang ng kanyang mga paa na makaalis sa lugar na iyon. Para makalimot, para maitago
ang pagkadismaya.
TITO GOV.: Talaga bang aalis kana hindi na ba magbabago ang isip mo?
EMILIANA: Tito talaga po kasing kailangan
TITA MARCELINA: Ano ba kasi yung emergency ng Mommy mo
EMILIANA: Hindi ko rin po kasi alam hindi naman po sinabi ni Mommy
TITO GOV.: O siya sige kung talagang kailangan wala akong magagawa basta bumalik ka kung kailan mo gusto
EMILIANA: Oo naman po tito napamahal na rin po kasi ako sa lugar na ito (ngiting pilit)
TITO & TITA: Sige mag-iingat ka sa biyahe
EMILIANA: Sige po alis na po ako baka maiwan ako ng sasakyan ko (sabay halik sa pisngi)

END OF SCENE 13

SCENE 14:
Tauhan:
Victoria
Percieval
Carmela
Maghapon at magdamag nang nakakulong sa kwarto si Victoria, ayaw niyang makipag-usap sa kahit na kanino
at mas lalong hindi siya makausap ni Percieval. Nagpapahilom ito ng sugat, iyon na lang ang iniisip ni Percieval.
CARMELA: Ate, kumain ka na... Ilang araw ka nang walang kain nang maayos. Lagi kang may tira at minsan ay
tanghali ka lang kumakain kapag wala si Kuya...
VICTORIA: Iwan mo na lang diyaan, mamaya na lang ako kakain
CARMELA: Ate... Sige na...
(Biglang pumasok si Percieval sa kwarto kaya napatingin ang dalawa)
CARMELA: Akala ko Kuya, mamayang gabi pa ang uwi mo... Tanghaling tapat pa lang.
PERCIEVAL: Iwan mo muna kami... Carmela.
(Lumabas na si Carmela)
PERCIEVAL: Victoria... gusto mo bang sumabay sa aking kumain? Ilang araw na rin kitang hindi nakakasabay...
VICTORIA: Iwan mo muna ako, Percieval. Mas gusto kong mag-isa ngayon...
PERCIEVAL: (Umupo sa tabi ni Victoria at hinawakan ang kamay nito) Dito lang ako... Mas gusto ko na dito.
VICTORIA: Hindi ko pa rin nalilimutan ang ginawa mo, Percieval... Ayaw ko ang ginawa mo kaya iwan mo na
lang muna ako!
PERCIEVAL: Pero... Mas gusto na kitang kasama, Victoria. Alam mo naman na... Isang pagkakamali iyon at
hindi... Nadala ako at nagsisisi na ako sa nangyari.
VICTORIA: Sinungaling ka...
PERCIEVAL: Hindi kita masisisi kung bakit ganyan ang tingin mo sa akin ngayon pero, mahal kita. Ikaw ang
pipiliin ko, buo na ang desisyon ko. Ang pagmamahal na alam ko ay, mapagpatawad at hindi sakim.
VICTORIA: Ginawa mo ba iyan sa akin?
PERCIEVAL: Pipiliin ka, sa araw araw.

END OF SCENE 14
SCENE 15
Percieval
Emiliana
Victoria
Song Title: Leaves – Ben&Ben

~ I can think of all the times


You told me not to touch the light
I never thought that you would be the one
I could’nt really justify
How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is all gone ~
Sumusungad ang mag-asawang sina Percieval at Victoria sa sikat na kapehan sa San Roque, malamig ang
panahon kaya naman naghanap ang dila ni Victoria ng kape. Ang kapeng paborito niya.
~ And in the end can you tell me if
It was worth the try so I can decide ~
PERCIEVAL: (Sandaling binitawan si Victoria nang makaupo na sila) Ako na ang bibili, maiwan muna kita diyan
ha?
VICTORIA: (Matamis na ngumiti at tumango) Sure, alam mo naman ang gusto ko, hindi ba?
PERCIEVAL: Ako pa ba? Ang magiting na Gobernador at Asawa at isang waiter lang pag-dating sa iyo!
VICTORIA: Ang drama mo!
PERCIEVAL: (Natawa at tumalikod na. Nagtungo sa counter nang mapansin ang katapat sa linya.)
EMILIANA: Dalawang Iced Coffee Americano... (Napansin na may nakatingin sa kanya kaya lumingon ito.)
PERCIEVAL: Magandang Araw, Emiliana... Ilang taon na rin simula noong huling dalaw mo dito sa aming lugar.
EMILIANA: Ito ang unang araw ko dito, nagulat ako at dito pa tayo magkikita.
PERCIEVAL: (Inilahad ang kamay, tinignan naman iyon ni Emiliana) Nagagalak akong makita ka...ulit.
EMILIANA: (Tinanggap ang kamay) Isang pagbati, Governor. At pasensya na, sa hindi pag-dalo sa iyong kasal...
Tatlong taon na ang nakalipas.
PERCIEVAL: Walang problema, ikaw na ang nagsabi na may kailangan kang gawin.
(Natigilan ang usapan)
COUNTER 1: Ma'am ito na po ang order niyo
EMILIANA: (Tinanggap iyon at ibinalik ang tingin kay Percieval) Mauuna na ako, may naghihintay pa sa akin
sa labas...
PERCIEVAL: (Ngumiti at tumango. Hinatid ng tingin si Emiliana)
~ Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time ~
COUNTER 2: Sir, ano po ang order niyo. Iced Coffee Americado ang isa. French Vanilla Coffee ang isa pa...
~ How you never really love someone until you learn to forgive ~
(Iniabot na kay Percieval at bumalik na si Percieval kay Victoria)
PERCIEVAL: Ito na po, Ma'am!
VICTORIA: Salamat po! (At natawa ang dalawa. Tumikhim sa kape at napangiti)
PERCIEVAL: Nagustuhan mo ba?
VICTORIA: Oo... kuhang kuha mo talaga ang gusto ko! Hmm, baka natutuwa rin ang baby dito (At hinipo ang
tiyan)
PERCIEVAL: (Hinipo ang tiyan ni Victoria at ngumiti) Nararamdaman ko rin, na masaya siya. (Tumingin kay
Victoria) Araw araw na masaya.

END OF SCENE 15

You might also like