You are on page 1of 3

Ang Manikang Nakasabit sa Poste

Isinulat ni: Annadel S. Hilaria

Sa isang tagong lugar ng San Rafael Batong Liko nakatira ang isang napakamisteryosang batang babae,
ang kanyang pangala’y si Milagros. Kasama niya sa kanyang buhay ang kanyang mga magulang at tatlo pang
kapatid na pawang mga lalaki. Siya ang bunso at nag-iisa lamang na anak na babae, maliban pa doon ay naiiba
siya sa kanyang mga kapatid, halos hindi maunawaan ng kanyang pamilya kung saang lupalop siya nanggaling
dahil sa di mapaliwanag na kaanyuan at kagawian niya na siyang dahilan kung kayat kahit pamilya niya’y
kikahiya’t nilalayuan siya. Si Milagros ay nagpapatuloy pa rin sa pag-aaral at siya ngayon ay nasa kanyang
elementarya. Siya’y may kaliitan na hindi tugma sa kanyang edad, 21 taong gulang na siya kung kayat masasabi
na isa nang dalaga ngunit taliwas ito sa kanyang inaasta. Mahilig siya sa mga laruan, paborito niyang laruin ay
si meme na isang manika na bigay ng kanyang pinsan na noo’y kalaro niya, ito’y halos magkasintaas lamang
sila at habang tumatagal ay nagkakahawig na dahil sa palagi niya itong kasa-kasama.

Sa paaralan, unang linggo ng kanilang klase ay may iilang humanga sa kanya dahil sa taglay nitong
kaibahan sa lahat, ngunit hindi rin maiiwasang may mga taong mapangngutya kaya’t hindi na bago sa kanyang
kaalaman na gagawin siyang pulotan. Magkabilaang tawa, masasakit na mga salita at kadalasa’y pambabato ng
kahit na anong mahawakang bagay ang sa kanya’y tumatama. Paulit-ulit niya itong natatamasa at habang
tumatagal ay naging bato na siya na parang wala na siyang maramdaman kahit anong lubha pa man ng
pagpapasakit ang kanya’y abutin.

Minsan isang araw, nagkaroon ng alitan ang kanyang mga kapatid ngunit sa kanya binubuntong lahat ng
galit. Halos di magkamayaw ang daplos ng mga palad at kamaong kanyang sinasalo kaliwa-kanan sa kanyang
mga kapatid na halos mag-iwan ng mga lamat na kahit anong pahid ng iba’t ibang daho’y hindi maaalis. Paulit-
ulit sa kanya ito ginagawa kahit nasa harapan pa man ito ng kanilang mga magulang. Sobrang mapagmahal si
Mila kayat inisip na lamang niya na baka sa ganoong paraan niya nalilibang ang kanyang mga kapatid at sa
paraang ding iyon ay baka naibibigay niya ang kaligayahan ng kanyang mga magulang, kayat tinitiis na lamang
niyang indahin lahat mapanatag lamang sila sa kanilang gustong mangyari.

Isang gabi, si Mila’y nagkaroon ng taimtim na pag-iisip. Habang namimilipit sa sulok ng duyang
nakalambitin sa magkabilang poste na nasa paborito niyang laruan ay di niya nakayanang hindi umiyak dahil sa
bigat ng nararamdaman at iniiinda sa katawan. Sinubukan niyang isa isahin lahat ng kanyang mga kasalanan at
lahat ng mali sa kanya. Nagkaroon ng emosyonal na pag-uusap sila ng kanyang kaibigang manika dahil alam
niyang sa kanya lamang ito nailalabas lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. Halos hindi mahabol ni Mila
ang kanyang hininga dahil sa bigat ng kanyang pag-iyak kayat habang tinitignan niya ang kanyang manikang
nakangiti ay paunti-unti siyang napapakalma. Huminga siya ng malalim at dahan-dahan siyang humingi ng
kapatawaran sa hangin.

“Dahil ba sa naiiba ako’y dapat din iba ang inyong pagtrato?” tanong ni Mila sa aninong katabi niyang
nakasandal din sa pader “dahil ba sa hindi ako kanaisnais tignan ay ikakahiya at inyo na lamang pagtatawanan?
Bakit ba hindi niyo ako makuhang matanggap? Tao rin naman ako, hindi ko man maibigay ang nais na gusto
niyo’y mahal na mahal ko naman kayo. Sanay habang patapos ang mga araw sa kalendaryo’y makita niyong
hindi lahat ng kumukinang ay ginto”, at patuloy na ngang pumatak nang kay bilis ang kanyang mga luha.

“At sa oras na lumubog ang buwan sa umaga at sumikat ang araw sa gabi’y inyong maunawaang may
isang perlas ang inanod ng dagat at hinayaang mapunta sa inyong mga kamay ngunit pinili niyo lang itong
ikawala. Kaya’t sanay maisip niyo rin na sa tuwing sasapit ang buwan ng Nodyembre ay pagsindihan niyo ng
gahiganting puting kandila ang kayamanang inyong isinawalang-bahala. Ang hangad ko lamang ay inyong
kapanatagan, at kung sa aking pagbakasyon kasabay ng mga ulap ang inyong ikaliligalig ay hayaan niyo akong
bahiran ko kayo ng lana sa inyong mga noo at baka sumagi sa mga isipan ninyo ang mga masasayang ala-ala
natin na nasa librong aking isinulat lamang mababatid. Salamat. Patawad.”

Maya maya’t pumunta siya isa-isa sa mga kwarto ng kanyang mga kapatid at sumunod ay ang sa kanyang
mga magulang. Nakatayo siya sa may pintuan habang hawak ng isa niyang kamay ang paa ng kanyang manika
na walang emosyon at tinitignan ang kanyang ina at ama sa mahimbing nilang pagkatulog. Habang patuloy siya
sa pag-iyak ay walang tigil niyang sinasambit ang mga salitang “Salamat. Paalam.”

Kinabukasan, Biyernes, habang abala ang lahat ay namalayan nilang wala ang kanilang bunsong anak.
Minabuti nilang isawalang bahala na lamang dahil ramdam nilang masisira lamang ang espisyal na araw nila
kung sakaling makikita nila ang dalaga. Araw ng pamilya noon ngunit sila-sila lamang ang nagsasaya. Walang
halos pangalan ni Mila ang maririnig o di kayay walang bahid ng pag-aalala na mauukit sa kanilang mga mukha.
Punong puno ng pagtatawanan at harotan ang masasaksihan sa loob ng kanilang tahanan. Habang nasa may
eskina ng mahabang lamesa si Nilo’y may nakita siyang parang isang ulong nakasilip sa may bintana nila ngunit
hindi niya na sinubukang alamin at inisip na lamang niyang baka isa lamang iyong guni-guni dahil sa bilis nitong
pagkawala. Nagpatuloy ang kanilang kasiyahan hanggang sa di nila namalayang gabi na.

Nagtaka ang buong pamilya ni Mila sa bigla nitong pagkawala, ngunit sa kabilang banda’y abot langit
ang kanilang saya dahil wala na sa wakas ang malas sa kanilang pamilya.

Sa paaralan, nabulabog ang buong San Madres dahil ito pa lamang ang pinakamahabang araw ng
pagliban ni Mila. Kabi-kabila ang mga bulongan at tanungan ng kanyang mga kaklase dahil nahalata nila noong
mga unang araw ng kanilang pagkikita-kita na may mga pasa ang dalaga. Naniwala sila noon sa mga sinabi ni
Mila na nahulog lamang ito sa duyan dahil sa paulit ulit niyang kagustohang matutong sumakay ngunit halata
nilang pawang kasinungalingan lamang ang kanyang tinuran kaya naman’y gumawa sila ng agarang aksyon at
minabuting silipin ang tinitirahan ng dalaga sa pag-iisip na baka nag-ibang anyo na ito. Napagdisisyunan ng
lahat na pumunta sa bahay nila Mila sa mismong gabing iyon.

Gabi na’t hinahanap pa rin ng mga laruan si Mila ngunit hindi nila ito matagpuan. Nanlamig bigla ang
simoy ng hangin na may parang sambit ng kapahamakan. Minabuting sinuyo ng ulan ang buong paligid at pinuno
ng gamu-gamo ang lamparilyang nagbibigay liwanag sa silid ng dalaga na siyang nagdulot ng kadiliman sa
buong paligid nito. Samot sari ang huni ng mga insekto habang umuungol ang mga aso. Sa pagitan ng hangin at
hamog ay naglilitis ang kulog, nagbabadya na may sasang-ayon sa pag-awit ng umbay na kanta. Biglang
nagising si Nanay Linda na ina ni Mila sa karuwahing itim na may nakasakay na mamang nakasuot ng mahabang
damit at may malapalakol na hawak habang tumatawa’t nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Biglang
parang tumalon ang mga kamay ng orasan patungo sa ika-12 na numero nito, hating gabi na pala ng namalayan
niyang inuusisa pa rin ng pinto ang isa nilang anak na hanggang ngayo’y hindi pa mahagilap. Tanging liwanag
na nagmumula sa buwan ang ginawang ilaw ni Nanay Linda habang sinusuyo ang daan patungo sa kwarto ng
dalaga. Biglang may isang gropo ng taong bumulaga sa harapan niya’t pawang nakatayo at mukhang tulala na
may isang direksyong tinitignan. Nagsiliparan ang mga ibong nakaangkas sa eskina ng bintana habang dali-dali
naman na sumaklulo ang kaniyang asawa sa kanya at ang kanyang tatlong binatilyo nang marinig nila ang
pagkalakas-lakas na pakuros na mga sigaw. Lubos nilang ikinatakot hindi ang mga taong kaharap nila ngunit sa
isang parang malaking bagay na hugis tao na nakasabit sa poste. Nakita nila ang isang batang naninigas ang
katawan na parang walanang malay. Biglang kumulog ng pagkalakas-lakas na may halong kidlat habang kontrol
ng hangin ang indayog ng mga puno’t halaman. Parang biglang nagkatubig ang desyerto sa iyak ng buong
pamilya. Halos di mabilang ang paghingi ng kapatawaran nila sa dalaga sa lahat ng maling ginawa nila. Ganun
din ang ginawa ng kanyang mga kaklase. Lahat ng gustong marinig ni Mila’y naisambit nila. Biglang humupa
ang ulan at sumabay ang pagsikat ng bukang-liwayway ng mapagdisisyonan nilang bigyan ng maayos na
pahingaan ang kanilang yumaong anak. Nang akayin ng tatlo nilang anak ang kanilang kapatid na nagpatiwakal
ay agad silang nagtaka at napansin nilang hindi tao ang kanilang hawak-hawak kundi isang laruan lamang. Isang
manika na nakasabit sa poste.

You might also like