You are on page 1of 2

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA

EDUKASYONG PAGPAPAKATAO 8

Pangalan: ______________________________________________ Seksyon: _________________ Petsa:___________


A. TAMA O MALI
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit ang puso kung ito ay TAMA at
ekis kung ito ay MALI. Ilagay ang sagot sa unahan ng bawat bilang.
______ 1. Sa paggalang nakasalalay ang maayos na ugnayang pampamilya at pangkapuwa.
______ 2. Maging sa pagtatrabaho ay mahalaga ang pagsasabuhay ng paggalang tungo sa maayos na daloy ng
mga gawain at sa ugnayan ng pinuno at pinamumunuan.
______ 3. Walang taong isinilang na hindi na magalang.
______ 4. Masasabi nating mataas na ang antas ng paggalang ng isang tao kung nakamit na niya ang tagumpay.
______ 5. Ang paggalang ay ang pagtalima sa misyon ng bawat tao sa mundo, ang mahalin ang kapuwatulad ng
sa sarili.
______ 6. Ang pagsasabuhay ng katapatan ay pagkapit sa katotohanan. Hindi ito kakambal ng tao nang isilang.
______ 7. Ang kawalan ng katapatan sa pananalita gaya ng pagsisinungaling ay walang puwang sa pagtuturo sa
bata.
______ 8. Ang seks ay sumasakop sa kung paano mo nauunawaan ang pagbabago sa iyong katawan, ang
pagkaunawa mo sa pakiramdam ng pakikipagpalagayang-loob, pakikipagkaibigan, at pagpapamalas
ng pagmamahal sa ibang tao.
______ 9. Ang paggalang sa batas at sa mga itinalagang awtoridad na nagsasakatuparan ng kaayusan at
kapayapaan ay mahalaga upang magawa nila ang kanilang mga layaw at gustuhin sa buhay.
______ 10. Ang karahasan ay nag-uugat sa ating mga isipan dahil dto nagsisimula ang lahat ng ating
pakiramdam.
______ 11. Ang pagbibigay ng salapi ang pinakamabuting paraan ng pagtulong.
______ 12. May iba’t-ibang paraan upang maipadama ang pagtugon sa nangangailangan.
______ 13. Ang talentong kaloob ng Diyos sa tao ay magagamit sa pagtulong sa kapuwa.
______ 14. Mahalagang alamin kung ano ang pangangailangan ng tao bago ibigay ang tulong.
______ 15. Ang Brigada Eskwela ng Kagawaran ng Edukasyon ay magandang halimbawa ng pagtutulungan.
______ 16. Ang mga mahihirap lamang ang may pangangailangan.
______ 17. Ang pakikinig ay isa ring uri ng pagtulong na maaaring ipagkaloob sa kapuwa.
______ 18. Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ay naglalayong makatulong sa mga maralitang taga-
lungsod lamang.
______ 19. Ang pagbibigay ng scholarship sa mga mahihirap ngunit matatalinong mag-aaral sa kolehiyo ay
makatutulong sa pagpapaangat ng buhay nila sa hinaharap.
______ 20. Higit sa material na bagay, nangangailangan ang mga inabandonadong bata sa mga bahay-ampunan ng
pagkalinga.

B. HANAP-SALITA
Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salitang tinutukoy ng mga kahulugan sa ibaba.

Katapatan Muslim Desiderata Infidelity


Palsipikasyon Plagiarism pagtitimpi sekswalidad
kaibigan Greenpeace Medecins Sans Frontieres Budismo

1. Ang mga ____________ ay mahalagang bahagi ng paglago bilang tinedyer kaya’t ito ay may kaugnayan sa
pagpapasiya ng mga kabataan ukol sa seks.
2. Ito ay isang samahang pandaigdig ukol sa pangangalaga sa kapaligiran at sa kalikasan.
3. Ang ____________ ay ang pagkapit at paninindigan sa katotohanan sa salita man o sa gawa.
4. Ang ____________ ay isang anyo ng pandarayang laganap lalo na sa pag-unlad ng teknolohiya sa internet.
5. Ang ____________ ay pandaraya sa anyo ng panggagaya ng mga dokumento tulad ng diploma, service record
at iba pa.
6. Ang ____________ ay ang pagpigil sa iniisip at nadarama na maaaring magresulta sa maling pagkilos na
makasasama sa iyo.
7. Ang ____________ ay mahalaga para sa paglago ng isang nagdadalaga o nagbibinta. Ito ay hindi lamang
tungkol sa seks.
8. May mga kasong pang mag-asawa ang isinasampa sa korte dahil sa kawalan ng katapatan ng mag-asawa sa
isa’t-isa. Ito ay tinatawag na ____________.
9. Napapaloob sa magandang tulang ito ang mga pagpapahalagang dapat nating taglayin at isabuhay upang
maging maligaya sa buhay.
10. Sa aral ng ___________, hinihikayat ang mga tagasunod nito na isabuhay ang Metta Sutta – ang
pagmamahal at kabutihan.

C. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Basahin mabuti ang mga pangungusap sa ibaba at ipaliwanag ang mga ito.

1. Ano ang maaaring kahinatnan ng pagsisinungaling sa magulang tungkol sa bagsak na marka sa paaralan?
Paano mo ito masosolusyunan?

2. Pinagsabihan ka ng iyong guro dahil nakikipag-usap ka sa iyong katabi habang siya’y naglalahad ng
kaniyang aralin. Ang totoo ay sinagot mo lang nman ang tanong ng iyong katabi. Napahiya ka sa klase
habang ang mga katabi mo ay natatawa lamang sa pagkapahiya mo. Ano ang maaari mong gawin upang
maiwasan ang karahasan?

3. Ang katawan ng tao ay instrument ng reproduksyon at pagpapanatili ng salinlahi. Hindi ito dapat
tinitingnan bilang kasangkapan para sa pansariling lakigayahan bagkus isang kasangkapan upang
makapagpamalas ng pagmamahal sa ating kapuwa – pagmamahal na nagmumula sa Diyos. Paano mo
maipapaliwanag ang mga pangungusap na ito tungkol sa sekswalidad?

“Pakikipagrelasyon sa katapat na kasarian ay kailangan,


Ngunit pakatandaan, ito ay may hangganan.”

You might also like