You are on page 1of 4

Nicole R.

Tumampil Pebrero 18, 2019

IX- Camia Gng. Tenorio

MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA BUHAY NI ELIAS

NAWAWALANG KABANATA

ELIAS AT SALOME

MAHALAGANG PANGYAYARI:

Sa isang dampang nakalagak sa mataas na pook sa may baybayin ng isang lawa.


Naroon sa batalan ng kubo si Salome. Dumating si Elias na hanap ng mga Kastilang
guwardiya-sibil. Lilisanin ni Elias ang pook, at ibig ding umalis ni Salome upang
manirahang kapiling ng mga kamag-anak sa Mindoro. Ibig sana ni Salome na samahan
siya ni Elias ngunit sinabihan siya nito na huwag sayangin ang kabataan at kagandahan
nito dahil wala siyang kalayaan na kumilos at makakakita pa si Salome ng kapalit nito.
Hinikayat naman ni Salome si Elias na gamitin ang kanyang tahanan upang tirahan at
tulugan ni Elias bilang pag-alaala nila sa isa’t isa habang magkalayo na isang gawaing
maituturing ni Salome sapat na upang maituring na magkasama pa silang dalawa sa
kabila ng kanilang pagkakalayo. Sa halip, kumalas si Elias sa pagkakayakap nito at unti-
unting nawala na sa paningin ni Salome.

KABANATA XLV

ANG MGA PINAG-UUSIG

MAHALAGANG PANGYAYARI:

Ang paghahanap ni Elias kay Kapitan Pablo na kung saan ay nabalitaan niyang nasawi
at hinanap niya ito sa iba’t ibang bundok. Ginalugad din niya ang dalawang bundok para
matagpuan ito. Ang matandang may benda sa ulo ay nagkwento tungkol sa pagtakas
nito. Inalok ni Elias si Kapitan Pablo na sumama sa kanya upang mamuhay ng
mapayapa malayo sa sibilisasyon yamang kapwa silang ulila na sa pamilya. Ngunit
tumaggi ang matanda at nagkwento tungkol sa sinapit ng kanyang tatlong anak sa
kamay ng kura at mga guwardiya-sibil na inakala niyang siya ang may kasalanan kung
bakit iyon nangyari sa kanila.

KABANATA XLIX

TINIG NG MGA PINAG-UUSIG

MAHALAGANG PANGYAYARI:

Sinabi ni Elias na siya ay sugo ng mga sawimpalad. Isinalaysay niya ang pag-uusap nila
ni Kapitan Pablo kay Ibarra ang nais nitong pagbabago ukol sa military, pari, pagbibigay
ng katarungan, pagtangkilik ng pamahalaan, paggalang sa karangalan ng tao para sa
kapayapaan, pagbabawas ng lakas-militar at kapangyarihan nilang nagdudulot ng
maraming kaguluhan. Ngunit hindi sumang-ayon si Ibarra sa binabalak nila sapagkat
naniniwala siya na ang inaakala nilang pagbabago ay maaaring makasama kaysa
makabuti. Nagpalitan sila ng argumento hanggang sa ninais ni Elias na ihatid si Ibarra
sa kanyang patutunguhan dahil wala naman ng patutunguhan pa ang kanilang pag-
uusap dahil hindi naman pumayag si Ibarra sa pag-aalsang kanilang gagawin.

KABANATA LII

BARAHA NG MGA PATAY

MAHALAGANG PANGYAYARI:

Ang pag-aantay ng tatlong anino na sina Elias at Lucas sa loob ng sementeryo sa


ikawalo ng gabi upang makipaglaro sa baraha ng mga patay. Sila ay nagsimula na sa
paglalaro at natalo si Elias kaya’t naiwan si Lucas sa loob ng sementeryo. Nakasalubong
naman ni Lucas ang mga guwardiya-sibil at tinanong siya kung nakikilla ba niya si Elias
at sumagot naman siya ng hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng mga ito. Napagsino ng
mga guwardiya-sibil na hindi nga siya si Elias kaya pinaalis na ito. Nagtatakbo si Elias at
siya namang pagdating ni Elias ay nasabat siya ng mga guwardiya-sibil. Dinala si Elias
ng mga sibil para kilalanin. Tinanong si Elias ng isa sa mga sibil kung saan siya pupunta
at sumagot naman ito na hinahabol na si Elias dahil sinuntok nito ang kanyang kapatid.
Mabilis na binitawan ng guwardiya-sibil si Elias para habulin si Lucas.
KABANATA LIV

WALANG LIHIM NA HINDI NABUBUNYAG

MAHALAGANG PANGYAYARI:

Ang pagpunta ng kura sa bahay ng alperes upang sabihin na may magaganap na pag-
aalsa. Pagkasabi nito ay agad na umalis ang kura sa bahay ng alperes. Si Elias ay
tumatakbo sa kalsada patungo sa bahay ni Ibarra upang paalalahanan ito na may
magaganap na pag-aalsa at ang ituturong pinuno ay si Ibarra. Sinabi din niya na
kailangan na niyang umalis sapagkat anumang oras ay sisiklab ang pag-aalsa.
Nagtanong si Ibarra kung ano ang dapat niyang gawin. Sinabi naman ni Elias na
sunugin niya ang lahat ng kasulatan, tumakas at maghintay sa kung ano ang
mangyayari. Nalaman ni Elias na si Don Pedro Eibarramendia ang lolo sa tuhod ni
Ibarra at pinmutlaan ito dahil ito ang may dahilan ng kasawian ng kaniyang pamilya.

KABANATA LV

ANG KAGULUHAN

MAHALAGANG PANGYAYARI:

Nakatakdang dumating si Ibarra sa ikawalo ng gabi sa bahay nina Kapitan Tiago at


ikawalo din ng gabi ang oras ng nakatakdang pagsalakay ng mga tulisan. Biglang
nakarinig sila ng mga putok ng baril na naging dahilan ng kanilang pagkatakot at
natigilan si Crisostomo at hindi nakapagsalita. Pakiwari ni Crisostomo ay nakalutang
siya sa hangin. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa napadaan siya sa hanay ng
mga sibil na pawang mga nakabaril at may bayoneta pa. Nagmadali siya sa paglalakad
hanggang sa makarating sa kanyang tahanan at ipinag-utos na ihanda ang kanyang
pinakamabilis na kabayo at pagkatapos ay matulog na sila. Dumating ang mga
guwardiya-sibil sa tahanan ni Ibarra at hinuli siya sa ngalan ng hari. Nang akmang
igagapos na siya ay nangako si Crisostomo na hindi siya tatakas at hindi nga siya
pinosasan sapagkat iyon ay kaluwagang-palad na ibinigay sa kanya ng alperes. Hindi
siya nagpahalatang may plano siyang tumakas. Sa kabilang banda naman, si Elias ay
gulong-gulo pa din ang isip dahil hindi mawala sa kanyang isipan ang sinapit ng
kanyang pamilya. Ninais ni Elias na bumalik sa bahay ni Crisostomo ngunit napag-
alaman niya sa mga utusan nito na dinakip ito ng mga guwardiya-sibil. Lahat ng
mahahalagang bagay para kay Ibarra ay sinilid na siya isang lalagyan na balak niya itong
itago sa pamamagitan ng pagbaon sa lupa. Ang iba ay sinunog niya at agad namang
umalis dahil may namataan siyang mga guwardiya-sibil.
KABANATA LXI

ANG PANUNUGIS SA LAWA

MAHALAGANG PANGYAYARI:

Ang pag-uusap nina Elias at Crisostomo sa lawa papuntang San Gabriel. Ninais ni Elias
na mangibang- bansa si Crisostomo dahil iyon nalang ang tanging magagawa niya
upang tulungan itong makatakas. Sinabi din ni Elias na dalawang beses ng iniligtas ni
Crisostomo ang kanyang buhay sa kapahamakan sa kabila ng naging kasawian ng
angkan ni Ibarra sa kanyang angkan at nararapat lamang na ibalik niya ang yaman ng
pamilya ni Ibarra. Sinabi niya ding sumama si Ibarra sa kanya at magturingang parang
kapatid dahil kapwa naman silang sawimpalad sa sarili nilang bayan. Nakita nila na
nagkakagulo na sa palasyo marahil ay nalaman na nila ang pagtakas ni Ibarra. Nang
makalampas na sila sa guwardiya-sibil ay nagpatuloy sila sa kanilang paguusap at hindi
sinang-ayunan ni Elias ang tangkang paghihimagsik ni Ibarra. Ninais ni Ibarra na ihatid
siya sa bundok ng Sta. Ana kung saan madalas na ginugol ni Elias ang masasayang araw
niya noong nag-aaral pa siya para dalawin ang kapatid niyang babae. Nagpatuloy sila sa
pamamangka hanggang sa makarinig sila ng sigaw. Hinahabol sila ng isang palwa.
Ninais ni Elias na tumalon at hinayaang si Ibarra na lang ang mamangka. Pagkasabi
niya na magkita na lamang sila sa Noche Buena, sa libingan ng kanilang nuno ay
tumalon na sa tubig si Elias.

KABANATA LXII

NOCHE BUENA

MAHALAGANG PANGYAYARI:

Pag-angat ng ulo ni Basilio, isang lalaking may sugat ang kanyang namataan at ito ay si
Elias. Tinanong niya kung sino ang babaeng nakahandusay at sinagot naman siya ni
Basilio na siya ang kanyang ina. Sinabi ni Elias na dalawang araw na siyang hindi
kumakain o umiinom man lang. Sinabi din niya na pakinggan nito ang kanyang
sasabihin na hindi magtatagal ay mamamatay na rin siya,sinabi din niyang sunugin ni
Basilio ang kanilang bangkay at kung walang darating na kung sinuman ay hukayin niya
ng mga gintong ibinaon nito at ariing kanya. Tumugon si Basilio sa sinabi ng binata at
muling nagwika si Elias na mamamatay siyang hindi man lang nasilayang ang muling
pagsikay ng bukang-liwayway ng Inang Bayan at ang mga makakakita ay batiin nila siya
at huwag kalimutan ang mga nalugmok at nasawi sa dilim. Pagkasabi nito ay nabuwal
na si Elias sa kanyang kinatatayuan.

You might also like