You are on page 1of 1

INTERVIEW Q&A

1. Ano pong pangalan ninyo?


Magdalena Taguibao
2. Ilang taon na po kayo?
80 na ako nung July pa. pero sanay na ako magtrabaho, kahit ano ginagawa kong
trabaho, maglinis, paghihilot ganon. Paghihilot naming ay para sa hanapbuhay sa
araw-araw.
3. May sakit po ba kayo?
Mabuti naman pero may oras naman na dumating na may sakit , may oras na
maganda naman.
4. Ano pong sakit ninyo?
Kung sakali na dumating yung sakit, inuubo, sumasakit yung ulo, yung tiyan ganon
ah. Pero pag wala na yon pwedeng magtrabaho.
5. Paano po kayo napunta sa pagmamasahe?
May kwa ang DSWD sa amin, pumupunta kami ditto kasi nung medyo bata pa ako,
kinuha ako ng doctor, Doctor De Leon para mag-aral ng ganito mamasahe,
paglalakad, tinuturuan kami maglakad, magsolo, ngayon ganyan na ang ginagawa
naming. Nag-aral din ako sa Dagupan, pinag-aral ako ni Doctor De Leon sa Dagupan
sa pagmamasahe.
6. In born po ba?
Hindi kinulam ako, nakulam lang mata ko.
7. Ilang taon na po kayo noon?
Nung 4 years old palang ako, ewan ko kung akit nagalitan nila sa akin. Binigyan niya
ako ng pagkain, pagkatapos ko kumain parang na ano yung mata ko, dumudugo. Ang
nakagamot ay yung langis, lahat ng gamot hindi na alis yung langis lang.
8. Naging mahirap po ba ang paglaki ninyo dahil sa sakit ninyo?
Mahirap, pero nung natuto na ako magmasahe, naglalakad, nagtratrabaho. Nagweave
pa ako ng rattan ginagawa ko pa iyon nug bata pa ako, iyan ang hanapbuhay namin,
nung pinasok nila ako sa DSWD yun na hindi na ako nagtratrabaho. Yun ginagawa
namin namamasahe, naghohome service pero ngayon hindi na ako naghohome
service dahil mahina na yung paa ko, yung kamay ko lang ang nagtratrabaho.
9. Naging hadlang po ba ang pagiging PWD niyo po sa buhay niyo ngayon?
Hindi naman, okay naman.
10. Ano pong motto niyo sa buhay?
Hinihintay ko lang ang Panginoon kung ano lang ang kwa sa akin, nagtratrabaho lang
ako pero kung ano yung Panginoon sa akin yun lang ang hinihintay ko kasi wala ako
naman pag-aari, wala ako naman bahay, wala naman kaya ditto nalang ako sa center
ng DSWD kasi yung kamag-anak ko eh hindi nila ako binigya ng kaunting pag-aari.
11. Sino po yung tumulong sa inyo?
Yung center, yung DSWD yun lang ang tumutulong sa akin pero kung may
magpapamasahe pagshashare-an naming, kung sakaling ilan kami ditto pagshashare-
an naming yun, pero kung isa lang ako, sa akin lang iyon.
12. Sa tingin niyo po ano ang pagkakaiba niyo sa iabng tao? Anopo yung kaya
niyong gawin na hindi kaya ng iba?
Kung may hanapbuhay ang iba ay magagawa ko yun, noon pa eh nag-aalaga ako ng
bata nagtratrabaho pa ako, ngayon hindi ko na magawa yung pag-aalaga ng bat dahil
hindi na ako masyadong makakarga ng bata pero noon kahit dalawng bata
pagsasabayin ko, magtratrabaho pa ako kapag kunin na ng magulang.

You might also like