You are on page 1of 1

Bansang Pilipinas

By: Kristine Alliah M. Mortel

Perlas ng silanganan,

Pilipinas na aking bayan.

Paunlarin at pagsumikapan

na ipagtanggol at pangalagaan.

Nais ng lahat ng pagbabago

upang ang mga kamalian nito

ay magkaroon ng sagot na totoo

para sa kagalingan ng mga Pilipino.

Dapat na kumilos tayo,

para sa minimithing pag-asenso.

Muslim man o Kristiyano,

walang imposible kung magtutulugan tayo.

You might also like