At sa natatangi nitong porma’y lubusang maabot ang
alapaap,
Nang maunawaan ang mga misteryo at sinasalaming
katotohanan.
Ito’y isang handog ng mapanlikhang diwang nais
ilarawan, ibatid
Tala at buwan gamit ang mga salitang nakabaon sa
kaluluwa at dibdib
Isipa’y hinahaplos, pinapalaya, pinapabilis ang pintig.
Karanasang natatangi, walang kapantay ang alay nito Ang magpapabago sa ginagalawang lipunan at bawat tao Ngayon, kailanman at magpahanggang saan magayon.