You are on page 1of 6

SCENE 2: NOLI ME TANGERE

Narrator: Habang nasa Berlin si Rizal ay inumpisahan niyang isulat ang kaniyang unang nobela
na "Noli Me Tangere" Sa kaniyang akda, nakasaad na pagkatapos nag-aral at namalagi ng pitong
taon sa Europa ay nagbalik si Crisostomo Ibarra sa Pilipinas. Ito’y pinaghandaan ni Kapitan
Tiyago, ama ni Maria Clara na kasintahan ni Ibarra, sa pamamagitan ng isang salo-salo na
dinaluhan ng ilan sa mga matataas ang antas sa lipunan.

Kinabukasan ay dinalaw ni Ibarra si Maria Clara at inalala ang kanilang pagmamahalan na


nagsimula pa sa kanilang pagkabata. Bago pumunta ng San Diego si Ibarra ay ipinagtapat sa
kanya ni Tinyente Guevarra ang pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.

Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinagbintangan ni Padre Damaso na pumatay sa kubrador


kaya siya’y binilanggo hanggang nagkasakit at namatay sa kulungan. At dahil sukdulan ang
kasamaan ni Padre Damaso ay pinahukay ang bangkay ng kanyang ama at itinapon na lang ito sa
lawa.

Ngunit sa halip na maghiganti ay ipinagpatuloy niya ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng
paaralan. Kamuntikan ng mapatay si Ibarra, kung hindi lang nailigtas ni Elias, sa pagdiriwang ng
paglalagay ng unang bato ng paaralan. At muntik naman masaksak ni Ibarra si Padre Damaso
napigilan lang ito ni Maria Clara. Sinamantala ni Padre Damaso ang pagkakataon na sirain at
utusan si Kapitan Tiyago na itigil ang kasunduan ng pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara.

Walang kamalay-malay na napagbintangan si Ibarra noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig


ang kwartel ng sibil at siya’y ibinilanggo. Ginawa lahat upang hindi makalaya si Ibarra kabilang
na dito ang ang sulat ni Ibarra kay Maria Clara na pinalitan.

At kung saan nalaman na ang tunay na ama ni Maria Clara ay si Padre Damaso. Inanunsyo sa
bahay ni Kapitan Tiyago ang pagpapakasal nina Maria Clara at Linares habang lihim na kinausap
ni Ibarra si Clara at nagpaalam bago siya tuluyang tumakas.

Tuluyan ng tumakas si Ibarra at sumakay ng bangka ngunit naabutan sila kaya tumulon sa tubig
si Elias upang iligaw sila. Pinaputukan siya ng mga sibil sa akalaang siya ay si Ibarra hanggang
mapatay nila ito. Nagmadre na lang si Maria Clara ng nabalitaan ang pagkamatay ni Ibarra.
Bago nawalan ng hininga si Elias ang huling habilin niya ay huwag sanang kalilimutan ang mga
nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

Jose: Laking pasasalamat ko na matapos ang nobelang mumulat sa kamalayan ng mga Pilipino.
Subalit sa papaanong paraan ko ito maipaparating sa publiko? Ni wala akong sapat na salapi
upang pakainin ang aking sarili at uminom ng gamot para sa aking nararamdaman. Sino nga ba
ang niloloko ko? Walang saysay ang aking pagpapagod kung hindi man lang nito mabubuksan
abg bulag na mata ng mga Pilipino. Mabuti pang sunugin ko na lamang ito.

(Akmang itatapon sa apoy ang manuscript nang may biglang kumatok)

Jose: Espere! (Wait!)

Messenger: Señor Jose Rizal?

Jose: Si Señor.

Messenger: Aquí hay un correo para ti. (Here is a mail for you.)

Jose: Muchas gracias Señor.

(Bubuksan ni Rizal ang telegrama at babasahin)

"To my friend Jose,

How are you doing? I heard you are a doctor now. I'm glad that you finally achieved what you
really want and through that, I know you'll help a lot of people when you come back to the
Philippines. By the way, I will be in Berlin before Christmas. I hope to see you there. I can't wait
to tell you a lot of stories and I would like to hear yours, too.

Maximo Viola."

Jose: Kung gayon ay may magiging bisita pala ako. /Looking at the manuscript/ Saka na kita
susunugin kapag nabigay na kita kay Maximo nang magkaroon lamang ng saysay ang paggawa
ko sa'yo.

(Pagdating ni Maximo Viola sa train station)

Jose: Maximo!

Maximo: Mi amigo Jose! So good to see you! But you don't look good. You are so thin and
pale. /Hahawakan sa noo/ And you're feverish! Are you okay?

Jose: I'm fine. Maybe I lost weight since I've been saving money for something.

Maximo: So you starve yourself?

Jose: *shrugs

Maximo: Dios mio Jose. Bueno, what is this thing that you save your money for?
Jose: This. I save money so much for this will be the instrument of my fellowmen to stand
against the Spaniards. Take it, it's yours now. I don't have enough money to publish it so might
as well give it to a friend.

Maximo: "Noli Me Tangere." I bet this is a good novel. But you've been losing weight and all for
this. It's not just for it to be just hidden from the shadows. Here, take it.

Jose: Why are you giving it back to me?

Maximo: I want you to publish it.

Jose: But I told you I don't ha--

Maximo: I'll finance the publishing of this novel.

Rizal: Are you serious? This will cost a lot. Don't think about it.

Maximo: It's fine. Revise it and we will publish that as soon as possible. I want the world to hear
and see what Jose Rizal visualizes and aims.

Jose: Really? Muchas gracias Maximo!

Maximo: De nada Jose. I'll celebrate Christmas with you so you will celebrate it with someone
with you.

***

Maximo: This is indeed a great book. Good job Jose. You can bring it to the Philippines so your
fellow Filipinos can read it.

Jose: I'll give some of these to Prof. Blumentritt, Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez Jaena,
Mariano Ponce, and Felix Hidalgo and I will let them spread what this novel says about the
Spaniards. /gets a separate copy of Noli/ And this, I will give it to you, as a token of appreciation
and gratitude.

Maximo: /reads the inscription/ "To my dear friend, Maximo Viola, the first to read and
appreciate my work. -Jose Rizal." I'll take this, together with this pen that you used to write this
novel.

Jose: I'll also pay you with the money Paciano sent to me. And with the excess money, I'll use it
to travel here in Europe.

SCENE 3: RIZAL'S FIRST HOMECOMING


(train's sound)

Jose: Ina! Mga kapatid ko!

Lucia: Pepe! Sa wakas at nakabalik ka na!

Sra. Teodora: Nagagalak akong muli kang makita, anak. Kay tagal mong nawala at labis akong
nalungkot sa iyong paglisan.

Jose: Ako rin Ina. Kaya't walang pagsidlan ang aking tuwa lalo na't nakita na kitang muli. Kayo ng
mga kapatid ko. Magagamot ko na inyong mga mata. Ina, isa na akong doktor!

/Magugulat at matutuwa ang mga kapatid/

Narcisa: Kung gayon Pepe ay magagamot mo na rin ang mga kababayan nating may
karamdaman?

Jose: Oo Narcisa. Maging kayo ay magagamot ko na rin kung sakaling magkakasakit din kayo.

Paciano: Natutuwa ako dahil nakabalik ka na Pepe. Subalit mag-iingat ka pa rin dahil marami na
ang nakabasa sa iyong nobela na Noli Me Tangere. Maging ang mga Español ay nabasa na ito at
labis silang nagalit hindi lamang sa akda kundi pati na rin sa'yo na may akda dahil sa labis na
pagtuligsa nito sa simbahang katolika.

Jose: Alam ko po kuya. Isinaad ko lamang sa aking akda ang katotohanan tungkol sa kung gaano
kaitim ang budhi ng mga Español. Nais kong mapukaw ang kamalayan ng ating mga
mamamayan tungkol sa mga nagaganap sa lipunan at magising ang alab ng kanilang puso para
sa ating Inang bayan.

Saturnina: Mag-iingat ka pa rin Pepe. Maiba ako, maraming namangha sa iyong akda.
Napakahusay ng iyong pagkakagawa.

Jose: Maraming salamat, ate Saturnina.

Josefa: Oh siya, kumain na muna tayo sa loob dahil alam kong pagod ang ating kapatid mula sa
napakahabang byahe. Nagluto si ina ng iyong paborito.

(Setting: Spanish Cortes)


Narrator: Dahil sa maraming naapektuhan sa mismong akda ni Rizal, nagdulot ito ng mainitan
usapin sa pagitan ng dalawang panig: ang mga sumasangayon at tumutuligsa sa Noli Me
Tangere.

Fr. Rodriguez: Hangal! Hindi niyo dapat paniwalaan ang nabasa ninyo sa akdang iyon dahil si
Rizal ay isang ignorante. Lahat ng nakasaad sa kaniyang aklat ay walang saysay at walang
katuturan!

Rev. Vicente Garcia: Paumanhin Señor Rodriguez subalit hindi ko sasang-ayunan ang iyong mga
tinuran. Imposibleng maging ignorante si Dr. Jose Rizal dahil nagtapos siya sa isang Español na
pamantasan maaaring pinagmulan niyo din noong nag-aaral pa kayo. Siya ay produkto ng
napakaraming iskolar mula pa sa ibang bansa, kaya't walang katuturan ang iyong mga sinasabi.

Fr. Rodriguez: At nagmumula pa yan sa isang sekular na pari na nangahas na makipagsagutan sa


isang Dominikanong tulad ko!

/Tatawanan ng iba pang mga prayle/

Fr. Rodriguez: Walang alam ang inyong Jose Rizal tungkol sa simbahang katoliko at sa aming mga
prayle. Ayon sa aking nabasa ay puro masasama ang mga Español na karakter na para bang
mariin niyang pinaparatangan na masama rin ang mga español sa totoong buhay. Tunay na ito
ay kalapastanganan sa simbahan at sa Inang España!

Rev. Garcia: Le ruego me disculpe Señor pero hindi inatake ni Rizal ang simbahan at España dahil
ang nakasaad sa akda ay mga masasamang Español at hindi ang España mismo, pati na rin ang
mga masasamang prayle at hindi ang simbahan.

Fr. Rodriguez: At pinagtatanggol mo pa rin siya ngayon? Marahil ay isa ka rin sa kanilang
makasalanan. Naturingan ka pa namang isang pari subalit nagbasa ka ng kaniyang akda na isang
pagkakasala.

Rev. Garcia: Kung sa tingin ninyo ay isang mortal na kasalanan ang pagbabasa ng Noli, sa tingin
ko naman ay makasalanan rin kayo dahil binasa ninyo ang Noli me Tangere. Tama po ba?

/Nagbulung bulungan ang ibang prayle/

Fr. Rodriguez: Silencio!

Narrator: Sa kabila ng mainitang argumento dulot ng nobela, binigyan siya ng isang


tagapagbantay ni Gobernador Heneral Terrero na si Lt. Jose Taviel de Andrade na siya ring
naging kaibigan ni Rizal.
Lt. Andrade: Masidhi na ang pagkamuhi sayo ng Malacañang doktor. Nagbigay sila ng kautusan
na paalisin ka ng Pilipinas.

Rizal: Naipatupad na ba nila ang kautusan na yan?

Lt. Andrade: Hindi ko po alam subalit pati si Gobernador Heneral Terrero ay nagsabing ayaw
niya. Ngunit ayon sa kaniya, kelangan niyo rin pong lumisan para sa inyong kaligtasan. Sa tingin
ko naman po ay nararapat ngang gawin ninyo iyon.

Jose: Kung gayon ay muli akong mamaalam sa aking pamilya't mga kaibigan dahil pupunta ako
sa bansang hapon.

You might also like