You are on page 1of 2

Talambuhay ni Balagtas

Unang mga taon

Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong 02 Abril 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayon ay
Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz
at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Sa gulang na 11, lumuwas
ng Maynila,upang makahanap ng trabaho at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang, Parokyal sa
Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging katulong siya ni Donya Trinidad upang
makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya
sa Colegio de San Juan de Letranat naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.

Buhay bilang isang manunulat

Taong 1836 nang manirahan si Kiko saPandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera.
Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang
M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Kapule
sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa
pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Kapule para hindi na siya muling makita ni Selya. Habang
nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag-ibig na nadarama si Selya
para kay Nanong Kapule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laurasa papel ng De Arroz para
kay Selya.

Trabaho at Pamilya

Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan. Nadestino at naging klerk sa hukuman si Kiko noong 1840 sa
Udyong, Bataan. Dito niya nakilala si Juana Tiambeng na kanyang naging asawa. Nagpakasal sila noong
1842. Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas naman ay 54. Sa kauna-unahang pagkakataon, ginamit niya
ang Baltazar sa kanyang sertipiko ng kasal. Doon, nagkaroon siya ng apat na anak kay Juana Tiambeng.
Humawak din siya ng mataas na tungkulin sa Bataan-tenyente mayor at juez de semantera.

Huling mga Araw

Nabilanggo muli si Kiko sa Balanga, Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya ang buhok ng katulong na
babae ni Alferez Lucas. Nakalaya siya noong 1861. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya,
awit at korido nang siya ay lumaya. Bago mamayapa, ibinilin niya sa kanyang asawa na "Huwag mong
hahayaan na maging makata ang alin man sa ating mga anak. Mabuti pang putulin mo ang mga daliri nila
kaysa gawin nilang bokasyon ang paggawa ng tula." Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana
Tiambeng at mga anak noong 20 Pebrero 1862. Namatay siya sa gulang na 73, dahil sa sakit na
pulmonya at dahil narin sa kanyang katandaan.

sinasabi ang mga pagsubok sa buhay ni balagtas ang pumanday sakanya maging makata.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1238246#readmore

You might also like