You are on page 1of 3

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,

hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay
ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na
ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may
kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Dalawang Uri ang Panitikan

1. Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod


na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa
bawat saknong. Kabilang ditto ang mga sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang
pangtanghalan, at patnigan.

2. Tuluyan o Prosa – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa


mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. Kabilang
ditto ang mga sumusunod: maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay,
balita ateditoryal.

Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino

1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na
katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga
impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.Upang mabatid natin
3. Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at
mapaunlad.
4. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-
aralan an gating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.
·

Uri ng Panitikan

1. KATHANG-ISIP (FICTION) - Ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang


imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela at iba pa.
2. HINDI KATHANG -ISIP- Ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng talambuhay,
awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.

Halimbawa ng Panitikan
Alamat Pasyon Parabula
Bugtong Talumpati Palaisipan
Salawikain o Sawikain Tula
Epiko Tayutay
ALAMAT
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na
mga tao at pook,at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-
bayan.Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles.

BUGTONG
Ang bugtong, pahulaan o patuturan ayisang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang
bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning
ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na
pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng
patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Ako'y may tapat na kaibigan, Saan man ako magpunta kasama ko kahit saan.
SAGOT: ANINO

SAWIKAIN
Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa;
 idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
 moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
 salawikain, mga kasabihan o kawikaan.

SALAWIKAIN
Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang naghahayag ng mga
gintong aral.

Pinaniniwalan na ang mga salawikain ay kasabihan ng ating mga ninuno na patuloy na nagpasalin-salin
hanggang makarating sa ating makabagong henerasyon. Nabuo ang mga salawikain o kasabihan ng ating mga
ninuno na may makatang kakayahan o kaisipan at nakapagbibigay ito ng aral, paala-ala o gabay sa mga
kabataan upang maiwasto ang mga pamantayan ng pamumuhay. Dahil sa salawikain o kasabihan ay naitatanim
sa kaisipan ng mga kabataan ang kabutihang asal, kadakilaan, pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao, maging
sa paglilingod sa Diyos na sinasampalatayanan natin na siyang nagpapala sa kaniyang mga nilalang.

PARABULA
Ang Parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang
parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang
ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo
tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang
mamili o magdesisyon.

EPIKO
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o
mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-
kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari.
Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
TALUMPATI
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito
ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig. Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap
ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang
ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o
walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sawikang Ingles ang talumpating walang
paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng
mananalumpati sa paksa.

Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at


iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Habang
naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang
panimula at wakas lamang.

TAYUTAY
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng
pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin

You might also like