You are on page 1of 22

1

[Ang papel na ito ay binasa sa Philosophical Association of the Philippines Mid-


Year Conference 2019 na may temang PAP: Beyond na ginanap sa University of the
Philippines, Los Baños, Laguna noong Nobyembre 14-16, 2019]

Isang Pagninilay sa Kultura ng Panghihiya sa Matatalino


Sem. Marc Paolo C. Cusi
Saint Augustine Seminary

Panimula

Isang araw sa aking buhay-estudyante, natagpuan ko ang sarili ko sa isang


klase na medyo nakakaantok at hindi intiresante sa mga estudyante. Siguro, dahil sa
lawak at lalim ng paksang pinag-uusapan, hindi nagawang matarok ng isip ko ang
mga sinasabi ng propesor. Patuloy siyang nagsasalita habang nakikinig (o natutulog)
ang aking mga kaklase. Sumandali siyang tumahimik nang mapansin niyang halos
wala nang nakikinig sa kanya. Tumingin siya sa buong klase at biglang nagtanong
kung nakukuha pa rin ba namin ang kanyang mga sinasabi. Syempre, mas lalong
naging tahimik ang klase at tila walang nakasagot. Mula sa kawalan, may isa akong
kaklaseng tumaas ng kamay, tumayo at nagsalita. Nagawa niyang ulitin ang sinabi
ng aming propesor at bukod pa rito’y nadagdagan pa niya ng ilang mga puntos ang
paksang pinag-uuspan mula sa kanyang paghahaka-haka at pag-iisip. Nang matapos
siyang magsalita, nagpalakpakan ang mga kaklase ko hindi dahil maganda ang
isinagot niya kundi dahil binibiro siya sa kanyang akto ng pagsagot. Tila bagang
ginawang katawa-tawa ang kanyang ginawa at ganoon din nama’y sinakyan na rin
ng aming propesor ang biro. Nagdaan ang isang linggo, lumipas ang mga araw at
natagpuan ko na naman ang sarili ko sa parehong sitwasyon. Ganoon muli ang
nangyari, tahimik ang klase, nagtanong ang aming propesor, sumagot ang isa kong
kaklase at muli siyang pinagtawanan. Ang ganitong pangyayari ay maaring
naranasan din ng ibang mga mag-aaral sa paaralan, sa elementarya, mataas na
paaralan o maging sa mga dalubhasaan. Ang tiyak lamang, ang karansang ito, kung
paulit-ulit na nangyayari, ay matataguriang isang kultura.
2

Kultura

Kultura ang “kabuuan ng mga katamuhan, gawain at mga natutuhang huwaran


ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay sa isang takdang panahon ng isang lahi
o mga tao.”1 Ang salitang kultura ay nagmula sa pandiwang Latin na colere na
nangangahulugang paglilinang. Nang ang salitang ito ay nahiram ng wikang Ingles
mula sa Latin noong ikalabinlimang siglo, ang naging orihinal na kahulugan nito ay
isang agrikulturang metapora (agricultural metaphor) para sa pagkukultiba lalu na
sa larangan ng pagbubukid.2 Kung ihahambing sa kasalukuyang pagkakagamit ang
salitang ”kultura” sa kahulugan nito noong ikalabinlimang siglo, masasabing hindi ito
nagkakalayo. Ang lupa ang obheto ng pagbubungkal. Binibungkal ang lupa upang
mas madaling “makapasok” dito ang hangin at ang tubig na nagreresulta sa mas
matabang lupa. Sa pagtaba ng lupa, mas nagiging mayabong, mataas at mas
malusog ang halamang nakatanim dito. Gayundin naman sa mga tao. Ang lupang
binubungkal ay ang kultura ng tao at ang halaman ay ang tao. Sa patuloy na
paglilinang ng mga kaugalian at pamamaraan ng buhay ng tao, ang tao mismo ay
mas umuunlad.

Bukod pa rito, ang kultura ay mayroong dalawang uri, una yaong kinagisnan
at pangalawa ay yaong isinasagawa natin.3 Ang una ay tumutukoy sa mga
pamanang-yaman ng ating mga ninuno na ng simula pa ay nariyan na sa ating
lipunan bago pa man isinilang ang bagong henerasyon. Napapaloob dito ang mga
panitikan at pasalitang tradisyon ng ating bayan. Ang ikalawa naman ay yaong
kulturang pangkasalukuyan at patuloy na ginagawa at isinasabuhay ng kasalukuyang
henerasyon. Sa pangalawang uri ng kultura, ipinapahiwatig nito na patuloy itong
nagbabago at dinamiko ang prosesong dinaraanan nito. Mula sa mga kinagisnan na
kultura, maaring mapanatili o sadyang mabago ang kulturang ito sapagkat ito’y
isinasagawa sa kasalukuyang panahon na siyang hindi katulad ng anumang panahon

1
Florentino Timbreza, Sariling Wika at Pilosopiyang Pilipino, (Quezon City, 2008), 100.
2
Samuel Naceno Agcaracar, SVD, Interculutrality in the Service of Communion: Exploring New Pathways
of Mission, (Manila, Philippines, 2019), 46.
3
Timbreza, Sariling Wika at Pilosopiyang Pilipino, 101.
3

sa kasaysayan. Malinaw na ang kultura ng panghihiya sa matatalino ay hindi


kinagisnang kultura, bagkus ay kulturang umuusbong na may dalang mga
negatibong pagbabago.

Sa puntong ito, mahalagang maunawaan muna ang ilang mahahalagang


konsepto ng kultura upang mas lalung mapalalim at maintinidhan ang kultura ng
panghihiya sa matatalino. Sinasabi na ang kultura ay may tatlong nibel; 1.)nakikitang
artepakto (observable artifacts), 2.)mga pagpapahalaga (values) at 3.) mga
pinagbabatayang pagpapalagay (underlying assumptions).4

Nakikitang Artepakto

Gaya ng ipinapahayag ng pangalan, ito ay ang mga nakikitang mga kilos at


pag-uugali ng mga tao sa isang lugar. Kasama na rin dito ang mga pisikal na kayarian
ng mga tao, ang kanilang pananamit, mga pamamaraan ng pagsasalita atbp.
Halimbawa, kung mayroong mga taga-kanluran na mag-aaral ng mga pamamaraan
ng paggalang ng mga Pilipino dito sa Pilipinas, mapapansin nilang ang mga kabataan
sa ating lipunan ay nayuko at nagmamano sa mga nakatatanda upang maipahayag
ang paggalang. Ito ay isa lamang halimbawa ng pagpapahayag ng kulturang Pilipino.
Kung pananamit naman ang pag-uusapan, maaaring sabihin natin na hindi
nagkakalayo ang pananamit ng mga Pilipino sa mga taga-Amerika. Ito ay dala na rin
ng impluwensya ng pangalawa sa una noong panahong nasa kolonya pa ng Amerika
ang Pilipinas. At kung pamamaraan naman ng pagsasalita ang pag-uusapan,
napakayaman ng mga dayalekto at wika sa Pilipinas. Ayon nga sa pag-aaral, may
185 na wika sa Pilipinas at iba pang mga dayalekto.5 Sa nibel ng nakikitang artepakto,
ang mahalaga lamang maunawaan ay ito ay ang mga nakikita, nadadama at
nararanasan na mga pagkilos ng tao sa mababaw na nibel.6

4
Edgar Schein H., “Organizational Culture”, February 1990, 109-19,
http://ciow.org/docsB/Schein(1990)OrganizationalCulture.pdf.
5
David M. Eberhard, Gary F. Simons, and Charles D. Fennig, eds., Ethnologue: Languages of the World.
Twenty-second edition (Dallas, Texas: SIL International, 2019). Online version:
http://www.ethnologue.com.
6
Schein H., “Organizational Culture”, 109-19.
4

Pagpapahalaga

Hindi natatapos ang nibel ng kultura sa mga panlabas na kaanyayuan ng


mga tao. Bagama’t mahalaga na nakikita ang kilos at ang paggalaw ng mga tao,
hindi ito ang kabuuan ng kanilang kultura. Madaling makita ang mga pamamaraan
ng pamumuhay ng tao, nga lamang hindi madaling saguting kung bakit ito ginagawa
ng tao. Kaya naman, mahalagang makita ang mga pagpapahalaga (o values) ng tao
upang mas maunawaan ang kakumbakitan ng kanilang ginagawa. Sa puntong ito,
mahalaga ang pagtatanong sa mga indibidwal upang mas maunawaan ang kanilang
ginagawa. Kung ilalapat sa konteksto ng mga Pilipino, isa sa mga pagpapahalaga ng
mga Filipino ay ang pagmamano. Gaya ng nabanggit sa taas, ang dahilan kaya
nagmamano ang mga Filipino ay upang maipahayag ang kanilang pagrespeto. Dito,
mahihinuha natin na isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino ay ang paggalang.7

Mga Pinagbabatayang Pagpapalagay

Ngunit may kulang pa rin sa pagkakaintindi ng mga pagpapahalaga upang


mas maunawaan ang kultura. Kung ang paraan upang malaman ang mga
pagpapahalaga ng mga tao ay sa pamamagitan ng pagtatanong, hindi marahil ay
sasabihin lamang nila ang sinasabi ng iba tungkol sa kanila o kaya naman ang mga
salitang nais lamang nilang marinig.8 Samakatuwid, hindi pa rin ito ang makakasagot
sa mga “bakit” ng kanilang kultura. Mayroong pa ring mas malalim at obhetong
dahilan ang kultura ng tao. Ito naman ang tinatawag na mga pinagbabatayang
pagpapalagay. Kadalasan, ang mga pagpapalagay na ito ay lingid sa kaalaman ng
mga nasasakupan ng kultura, hindi nakikita, at lalung hindi masyadong pinag-
uusapan at pinagtatalunan.9 Kung pagninilayan ang pagmamano ng mga Pilipino,
hindi lamang ito pagpapakita ng pagrespeto kundi maaari ring sabihin na

7
Ibid.
8
“…they focus on what people say (concerning their culture) is the reason for their behaviour, what they
ideally would like those reasons to be, and what are often their rationalizations for their behavior.” Ibid.
9
Ibid.
5

pinapahalagahan ng mga Pilipino ang mga posisyon, karangalan, titulo atbp. Sa


pamamagitan ng “pagmamano”, nakikita kung sino ang mas nakakataas at gayundin
naman ang mga nasasakupan ng mga nakatataas. Bagama’t maaaring hindi ito sang-
ayunan ng iba, pinupunto lamang sa halimbawang ito na hindi natatapos ang
pagkakaintindi sa isang kultura sa mga nababanggit nang mga pagpapahalaga kundi
mayroon pa rin palaging mga mas malalim na dahilan sa mga pagkilos ng tao, i.e.
mga pinagbabatayang pagpapalagay.

Sa pangkalahatan, laging may pundasyon ang isang aksyon bago pa man ito
naisasagawa. Ipinapalagay na ng mananaliksik na ang panghihiya sa matatalino ay
isang kultura sapagkat, unang-una na, ito ay nakikita na sa mga paggalaw at
pagsasalita ng mga Pilipino. Bagama’t hindi pa naisasasteksto ang mga
pagpapahalaga at mga pinagbabatayang pagpapalagay nito, masasaksihan ang
pagpapatunay nito pagkatapos ng nasabing pagdalumat. Kaya naman, upang
mahalughog ang mga pinagbabatayang pagpapalagay ng kultura ng panghihiya sa
matatalino, minarapat ng manunulat na gamitin ang pamamaraang metalinggwistiko.
Sa pamamagitan nito, mauunawaan ang sumasailalim na mga dahilan ng pag-usbong
ng kultura ng panghihiya sa matatalino.

Ang Pamamaraang Metalinggwistika

Ang pamamaraang metalinggwistika ay nakasalalay sa pakiwaring ang wika


ay siyang salamin ng pag-iisip at mga pananaw ng mga gumagamit nito.10
Nangangahulugan lamang na ang wika ay hindi lamang medium of language bagkus
ito mismo ay isang pag-iisip na naisakonkreto. Ang salita at ang pag-iisip na
ipinapahiwatig nito ay hindi dapat ituring na dalawang magka-ugnay na termino
bagkus ang salita mismo ang nagdadala ng kahulugan.11 Ibig-sabihin lamang, ang
bawat salita ay iba sa anumang salita. Kumbaga, kahit magsingkahulugan ang
dalawang salita, sa parehas man na wika o hindi, mayroon pa ring ibang dalang pag-
iisip ang mga ito.

10
Timbreza, Sariling Wika at Pilosopiyang Pilipino, 59.
11
Maurice Merleau-Ponty, Sense and Non Sense, (Evanston, Illinois, 1964), 53.
6

Mababanaag mula sa mga pahayag na ito na hindi pantay pantay ang wika.
Kung pantay pantay nga ang wika, hindi na sana tayo gagamit ng mga wikang hiram
upang maipahayag ang isang banyagang kaisipan. Ang bawat wika ay mayroong
sariling kakanyahan at ganoon din naman, sariling kahinaan. Maaaring ang ilang mga
salita sa Filipino ay mayroong mas malalim na kahulugan dahil sa pag-iisip na
pinagmulan nito kaysa kapag ito ay isinalin na sa wikang banyaga. Kaya sinasabi na
ang pagsasalin ay isang pagtataksil. Nawawala ang orihinal na pakapahulugan ng
isang salita kapag ito’y isinalin. Mas mabuti na gamitin mismo ang isang kaisipan
mula sa kanyang pinagmulang wika upang lubos itong maintindihan at nang hindi
mawala ang totoo nitong ipinapahayag. Kung isasalin man ang isang salita patungo
ibang wika, hindi lamang wika ang isinasalin bagkus pati na rin ang kaisipan ito.
Nagbabago ang ipinapahayag na kaisipan nito kapag ito’y naisalin. Kumbaga, kung
isasalin ang isang salitang Filipino sa wikang Ingles, magkakaroon na ito ng ibang
konotasyon at pakapahulugan sa wikang Ingles.

Sa pakiwaring ito, tunay na hindi mapaghihiwalay ang wika at pag-iisip. Sa


pamamagitan ng wika, maiintindihan ng sinuman kung paano mag-isip ang isang
tao. Ang kayarian ng kanyang pag-iisip ay hindi maipagkakailang kaperehas ng
kayarian ng kanyang wika. Makikita sa wika na ang kayarian nito ay nagmula sa
kanyang pandaigdigang pananaw. Kaya naman sa pagbabago ng panahon at mga
henerasyon, mapapansing nagbabago din ang wika sapagkat kaalinsabay ng
pagbabago ng pag-iisip ang pagbabago ng wika. Tunay na nagkakatali-tali, hindi
lamang ang wika at pag-iisip, bagkus kasama na rin ang kultura at lipunan sapagkat
sa una nagmumula ang ikalawa.12 Kung paano mag-isip ang tao ay ganoon din ang
magiging kultura na maaring umusbong sa kanyang panahon at, syempre,
mababanaag na rin sa kultura ang kahinatnan at sya na ring mukha ng lipunan.

Sa mga pagpapalagay na ito, minarapat na gamitin ng manunulat ang


metodo ni Florentino Timbreza sa metalinggwistikang pagsusuri. Nagsisimula ito sa

12
Timbreza, Sariling Wika at Pilosopiyang Pilipino, 59.
7

isang pahayag na karaniwang totoo sa mga Filipino. Ang salitang karaniwan ay


ginagamit dito sa paraang sa pakiwari ng manunulat ay isang pahayag na totoo, kung
hindi man sa lahat ay sa karamihan ng mga Filipino. Pagkatapos nito, sisimulang
maghahaka-haka sa mga konotasyon at mga maaaring maging kahulugan ng isang
salita o parirala upang mailahad ang mga ninais na ipahayag nito. Dito pumapasok
ang mga pagpapahalaga at mga pinagbabatayang pagpapalagay ng kultura ng
panghihiya sa matatalino. Ang mga sumasailalim na dahilan sa paggamit ng wika o
mga parirala sa kontekstong ito ay mababanaag sa metodong ito. Magbibigay naman
ng ilang mga halimbawa ang pagsusuring ito upang lubos na maintindihan at sa
panghuli ang paglalagom sa mga implikasyon nito sa lipunan at sa pandaigdigang
pananaw ng mga Filipino.

Ngayong nailatag na ang mga konsepto at metodo ng pananaliksik na ito,


maaari nang talakayin ang paksang sadya. Gaya ng nabanggit sa itaas, magsisimula
muna ang pagsusuring metalinggwistika sa pagtutukoy ng mga nakikita sa kultura
ng panghihiya sa matatalino at mula dito magsisimula ang mga pagpapalalim upang
mapasok ang mga pagpapahalaga at mga pinagbabatayang pagpapalagay ng
nasabing kultura.

Ang Kultura ng Panghihiya sa Matatalino

Maaaring bago sa pandinig natin ang kultura “panghihiya sa matatalino” o


smart-shaming. Narinig na natin noon at sikat na sikat ang mga katagang body-
shaming, slut-shaming atbp. Para sa una, ito ay ang panghihiya sa hugis ng katawan
ng isang tao. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga kababaihan at madalang naman
sa mga kalalakihan. Ito ay nangyayari sa tuwing ang isang babae o lalaki ay
napapayiha dahil sa hugis ng kanyang katawan. Maaring dahil siya ay mataba, payat
o kaya naman ay dahil sa kanyang itsura. Ayon sa isang pag-aaral, nanggaling ang
mga panghihiyang ito dahil sa mga pamantayan (standards) na ibinibigay ng media
8

tulad ng social media at ng telibisyon. 13


Kapag ang isang tao ay hindi nakaabot sa
pamantayang iyon, may posibilidad na kutyain siya sa kanyang panlabas na anyo.
Sa kabilang banda, ang slut-shaming naman ay isang uri ng panghihiya sa mga
kababaihan dahil sa kanilang sekswal na asal.14 Ang kulturang ito, bagama’t talamak
din sa ibang dako ng mundo, ay mas kapansin-pansin dito sa Pilipinas. Kung
babalikan ang kasaysayan, naging pananaw na ng mga Pilipino na sinumang
pumasok sa isang sekswal na gawain bago pa man ang kasal ay isang kahiya-hiyang
gawain at hindi katanggap-tanngap. Kumbaga, may mga “patakaran” para sa mga
sekswal na asal ng lalaki at lalung lalu na para sa kababaihan. Para sa huli, hindi
katanggap tanggap ang anumang sekswal na gawain kung hindi siya kasal at para
naman sa una, ang ganitong asal ay inaasahan na at minsan pa nga ay kapuripuri.15
Aminin man ng mga Pilipino o sa hindi, pangkaraniwan na ang ganitong kaisipan.
Bagama’t mali, ito ang nananaig na kaisipan.

Kasama ang dalawang nabanggit na mga panghihiya ay ang panghihiya sa


matatalino. Ano nga ba ang panghihiya sa matatalino? Bakit nga ba ito ginagawa ng
mga tao o mas maganda, bakit ito ginagawa ng mga Pilipino? Ano ang implikasyon
nito sa kabuuan ng lipunan?

Mas madaling maintindihan ang pakapahulugan ng panghihiya sa matalino sa


pamamagitan ng isang halimbawa. Sa isang pag-uusap ng dalawang tao o higit pa,
may mga pagkakataon na mayroong isa na magbabanggit ng mga intelektwal na
bagay at sa gitna ng pagsasalita ay bigla siyang sasabihan ng “ang lalim mo naman”,
“eh di ikaw na”, at “ang galing mo naman”. Ang tatlong pariralang ito ay
nagpapahayag na hindi ninanais ng nakikinig o mga nakikinig na pakinggan ang
kanyang sinasabi. Matitigil ang diskurso at mawawalan na ng gana ang nagsasalita

13
Francis Beatta M. Ramirez, “Body Shaming Ideologies in Women’s Health Magazine Covers in the
Philippines,” Body Shaming Ideologies in Women’s Health Magazine Covers in the Philippines
(Academia.edu, n.d.), 2-3,
https://www.academia.edu/34093602/BODY_SHAMING_IDEOLOGIES_IN_THE_PHILIPPINES.
14
Vanessa A. Almazan and Steve F. Bain, “College students’ Perceptions of Slut-Shaming Discourse on
Campus”, (May 2015): 2, https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1062095.pdf.
15
Ibid.
9

na ituloy ang kanyang sinasabi. Sa ibang salita, ang pagpapahayag ng mga pariralang
nabanggit ay pagpapahayag ng hindi pagkagusto sa mga diskursong pang-
intelektwal. Bukod dito, kapansin-pansin din na ang mga pariralang ito ay
nagpapahayag ng panununya sa pinagsasabihan. Ang panunuya ang pagkakaintindi
sa isang bagay (something) na kabaliktaran ng talagang sinabi.16

“Ang lalim mo naman”

Sinasabi raw na ang mga Pilipino ay likas na marurunong at maparaan. Hindi


maitatanggi na kapag nasira ang isang bagay sa tahanan, paaralan o anumang
kanyang pagmamay-ari, hindi niya agad ito itatapon. Bagkus, kanya pa itong
kukumpunihin at aayusin upang magamit muli. Sa pagiging maparaang ito, nakikita
sa mga Pilipino ang lalim ng kanyang pag-iisip. Ang paggamit ng salitang lalim dito
ay maaring mayroong iba’t ibang kahulugan. Sa isang malalim na tubig o kaya naman
ay lupa, tunay na hindi ganoon kadaling abutin ang dulo nito. Kailangan pang
gumawa ng iba’t ibang mga paraan at gumamit ng iba’t iba pang mga instrumento
upang maabot ang dulo nito. Kung sa dagat o sa anumang anyong tubig na may
angkin kayamanan sa kalaliman nito, maaaring gumamit ng submarine o anumang
pangsasakyang dagat upang makuha ito. Hindi magiging madali ang pagpunta ngunit
pag naabot ang dulo nito’y mayroong kaukulang gantimapalang kayamanan. Ganoon
din naman sa kaisipan ng isang Pilipino. Bagama’t minsan’y hindi maintindihan ng
iba, mayroon naman itong angking lalim. Ang pagiging malalim nito ay siyang
nagpapahiwatig na sa dulo ng kaisipan ng isang Pilipino, naroon ang angking
karunungan.

Sa ganitong paraan, ipinapahiwatig na ang paggamit ng salitang lalim dito


ay nagpapahiwatig ng sukat. Sa paglalim ng isang dagat, banga o anupamang bagay,
sa pagdami ng maaring pwedeng mailagay dito. Ngunit kung mababaw lamang ang
isang lalagyanan, kakaunti lamang ang pwedeng mailagay dito. Sa pananaw ng mga
Pilipino, sa paglaki ng isang lalagyanan, sa pagdami ng pakinabang nito. Halimbawa

16
Elisabeth Camp, “Sarcasm, Pretense, and The Semantics/ Pragmatics Distinction”, January 2011, 1,
https://www.sas.upenn.edu/~campe/Papers/Camp.SarcProofs.pdf.
10

na lamang, ang isang basket na may angking lalim ay mas kapakipakinabang sa mga
nanay na mamimili ng ulam at mga prutas sa palengke kaysa sa isang basket na
walang lalim. Kaya naman, mas pipiliin at bibigyang-pansin ng isang nanay na
mamimili sa palengke ang isang basket na may lalim kaysa sa basket na mababaw.

Sa kabila nito, mahalagang puntuhin na ang salitang lalim ay hindi lamang


ginagamit bilang sukat kundi isang lugar din. Kapag sinabing “lalim ng karunungan”
ipinapahayag nito na ang malalim ay isang lugar o tao kung saan may kalalaliman.
Gaya ng halimbawa ng basket sa taas, pinapakita na ang lalim ng basket ay isang
lugar kung saan mo ilalagay ang mga bagay na iyong pinamili. Iyon nga lamang, sa
striktong pakahulugan, ang salitang lalim ay sadyang panukat lamang at hindi isang
lugar. Ang pagsasabi na “ang lalim mo naman” ay nagpapahiwatig na ang katalinuhan
niya’y nasa lalim niya. Ngunit malaking kalituhan ang ibubunga kapag ang tanong na
"nasaan ang bola?" ay sasagutin ng nasa "lalim" o "diametro."17 Kapansin-pansin na
isa itong categorical mistake o pagkakamaling paghahanay ng isang konsepto sa
isang kategorya. Ang mga salitang parke, tahanan at paaralan ay may seryeng lohikal
sapagkat ito ay pumapasok sa kategorya ng mga lugar. Ngunit kung isasama ang
salitang lalim sa serye ng mga salitang ito, magiging ilohikal na ang mga serye ng
mga salitang nabanggit sapagkat wala na silang pinagkapareparehas. Kung ganoon,
bakit ma konotasyong lugar ang salitang lalim kung ito naman talaga ay isang sukat?
Dito ngayon pumapasok ang natatanging pandaigdigang pananaw ng mga Pilipino.
Ang salitang lalim kapag ginamit ay nag-iiba depende sa nais ipahiwatig ng
nagsasalita. Nagkakaroon ng misteryosong kumbersyon mula sa sukat papuntang
lugar ang paggamit ng salitang ito pag ginamit sa nasabing parirala. Kaya ang tama
ang sinasabi ni Ludwig Wittgenstein na isang pantas mula sa Kanluran na ang
kahulugan ng isang salita ay ang paggamit nito sa wika.18

17
Guillermo, Bomen. “Pagkataong Pilipino: Isang Teorya Sa Lalim Ng Banga”, 3.
https://www.researchgate.net/publication/305776939_Pagkataong_Pilipino_Isang_Teorya_sa_Lalim_ng
_Banga.
18
Ludwig Wittgenstein, Philosophical Investigations, (Great Britain, 1986), 20.
11

Kapag ginamit ng mga Pilipino ang pariralang “lalim mo naman” ay nag-iiba


ang kahulugan sa paraang nagiging isang sukat ito habang kaalinsabay ang pagiging
lugar nito. Sukat sapagkat ipinapahiwatig nito na ang sukat ng pag-iisip ng Pilipino
ay malalim na nangangahulugan ng pagiging matalino. Lugar naman sapagkat kung
wala ang lugar kung saan may malalim ay walang masasabing malalim. Syempre,
ang lugar na tinutukoy dito ay ang isip at ang taong sinasabihan nito. Kaya naman
ang salitang lalim ay nagpapahayag ng sukat kaalinsabay ang lugar na sinusukat
nito.

“Eh di ikaw na!”

Ang pariralang “eh di ikaw na” naman ay may konotasyong ipinagpapalagay


na ang pinagsasabihan nito ay matalino. Kumbaga, kung kukumpletuhin ang
pariralang ito, ito ay: “eh di ikaw na ang matalino”. Ang direksyon ng salitang “ikaw”
ayon sa paggamit dito ay patungo sa kapwa. Sa tuwing binabanggit ang pariralang
ito, kailangang mayroon itong patutunguhan sapagkat kung wala, walang saysay ang
mga salitang ito. Ang kapwa sa pananaw ng mga Pilipino ay nagsasabi na mayroon
siyang pinagbabahaginang pagkakilanlan (shared identity). Ang pagkakakilala niya
sa sarili ay laging bahagi ng mga tao sa kanyang palagid. Kumbaga, ang
pagkakilanlan niya sa iba ay hindi nalalayo sa pagkakilanlan niya sa kanyang sarili.
Ang “ako” at ang “iba sa akin” ay nagsisilbing magkapwa. Sa madaling salita, hindi
ako iba sa aking kapwa.19 Samakatuwid, habang pinupuri ng isang Pilipino ang ibang
tao, hindi lamang ang kausap niya ang kanyang pinupuri bagkus ay kasama na, kahit
hindi tuwiran, ang kanyang sarili sa pagpupuring ito. Kaya naman, pag sinabing “ikaw
na ang matalino”, kahit paano’y nakikibahagi rin ang nagsabi sa katalinuhan ng
pinagsabihan.

19
Raphael D. Rodriguez, “E, di Ikaw na ang Matalino! Isang Pagsusuri sa Penomenon ng Smart-Shaming
sa mga Pilipinong Gumagamit ng Facebook,” DIWA E-Journal 116, no. 5(November 2017):116,
http://www.pssp.org.ph/diwa/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-e-di-ikaw-na-ang-matalino-
isang-pagsusuri-sa-penomenon-ng-smart-shaming-sa-mga-pilipinong-gumagamit-ng-facebook.
12

Samakatuwid, kapag sinabing “ikaw na”, sinasabi nitong mayroon kang


natatanging kakanyahan. Ang kakanyahang ito, bagama’t mayroon ang iba, ay mas
angat at mas magaling kumpara sa iba. Kadalasan, ang magiging sagot ng
pinagsabihan nito ay “ako na!”, o kaya naman, “oo, ako na talaga!”. Sa isang banda
ay nagiging isa syang papuri. Halimbawa na lamang, sa isang usapan, maaaring
banggitin ni X ang kahalagahan ng mga pagpapahalaga sa loob ng isang pamilya sa
kanyang kausap na si Y. Sa pakikinig ni Y, napansin niyang ang mga sinasabi ni X ay
talagang mahusay. Nababanaag ni Y ang mataas na kamalayan ni X sa mga
magagandang mga pagpapahalaga at pag-uugali sa loob ng isang pamilya. Masasabi
na lamang ni Y kay X, “ikaw na!”. Ang magiging tugon naman ni Y ay, “oo, ako na
talaga”. Kung kukumpletuhin pa ang tugong ito, maaaring sabihin na, “oo, ako na
ang may alam ng mga pagpapahalaga sa pamilya”. Sa sitwasyong nabanggit,
natatangi ang kaalaman ni X sapagkat angat ito sa kaalaman ni Y. Maaring napansin
ni Y na mas maraming nalalaman si X kaysa kanya kaya naman ito ang nag-udyok
para sabihin niya ang ekpresyon na ito.

“Ang galing mo naman!”

Kaugnay ng huling parirala ay ang “ang galing mo naman”. Kung sa nauna ay


hindi tuwirang sinasabi ang angking galing ng pinagsasabihan, ngayon naman,
tuwiran na ang paglalahad na magaling ang nagsasalita. Sinasabing likas sa mga
Pilipino ang magpursigi na maging no. 1 o kaya naman ay maging pinakamagaling.
Ang salitang “galing” dito ay nagpapahiwatig ng kalakasan at kakanyahan ng isang
tao. Bagamat’ may kasabihan ang mga Pilipinong “pwede na yan” na nagpapahiwatig
na ang kanyang ginawa ay maaari nang gamitin o kaya nama’y tapos na, hindi nito
sinasabi na binasta niya ang kanyang gawa bagkus ay ginawa na niya ang lahat ng
makakaya niya upang magawa ang bagay na iyon. Samakatuwid, ginalingan niya ang
paggawa rito. Pawang kagalingan ang hangad ng mga Pilipino sa anumang ninanais
nila. Hindi pwede ang basta lang. Halimbawa na lamang sa pagpili ng gamit sa bahay.
Hindi bibili ang isang Pilipino ng mga mumurahing bagay. Para sa mga Pilipino, ang
mga mumurahing bagay ay mahuhuna at hindi magtatagal. Kaya naman, pipili siya
ng pinakamainam na gamit kahit na ito ay may kamahalan. Sa paglikha naman ng
13

isang bagay, halimbawa sa pagluluto, sisikapin niyang pinakamainam na sangkap


ang kanyang gagamitin upang ang kanyang ihahain ay maging masarap at kalulugud-
lugod sa kakain nito.

Ang ganitong kaisipan ay mababakas sa mentalidad ng mga Pilipino bilang


hindi duwalistiko (non-dualistic).20 Ang pandaigdigang pananaw na ito ay nagsasabi
na ang subheto (subject) ay nakikiisa at hindi hiwalay sa obheto (object). Ibang iba
ang pananaw na ito sa pananaw ng mga kanluranin kung saan mayroong
paghihiwalay sa pagitan ng subheto at obheto, isip at bagay, kaluluwa at katawan,
at kaisipan at reyalidad.21 Kaya naman, kapag nilait mo ang gawa o likha ng isang
Pilipino, agad siyang masasaktan sapagkat ipinagpapalagay niya na hindi lamang
niya bahagi iyon bagkus ay karugtong (extention) ng kanyang sarili. Ang pagpili,
paglikha o anumang uri ng paggawa ng isang bagay ay para na ring pagpapakita ng
kaniyang sarili sa iba. Bukod sa kanyang pisikal na kaanyuan at personalidad, ang
mga bagay sa paligid niya na kanyang nilikha o pagmamay-ari ay karugtong na rin
ng kanyang pagkatao.

Panununya

Sa tatlong nabanggit sa itaas, pinapahiwatig ng lahat ng ito na ang direksyon


ng pinagsasabihan nito ay magaling, matalino, o kaya nama’y marunong. Sa
madaling salita, mahusay ang pinagsasabihan nito. Ngunit gaya ng isang nanununya,
wala sa mga nabanggit sa taas na parirala o ekspreyson ang ninanais ipahatid ng
nagsabi nito, bagkus ay iba ang nais ipahiwatig ng nagsasalita. Gaya na ng nabanggit
sa itaas, ang panunuya ang pagkakaintindi sa isang bagay (something) na
kabaliktaran ng talagang sinabi.22 Kung ganoon, nangangahulugan ba na mangmang,
walang alam at hindi magaling ang pinagsabihan nito kapag nasambit ang mga
pariralang ito? Hindi. Tunay ang mga katangiang nabanggit sa mga Pilipino at

20
Leonardo Mercado, Elements of Filipino Philosophy, (Tacloban City, Philippines, 1993), 66.
21
Ibid., 89.
22
Camp, “Sarcasm”, 1.
14

mababanaag ito sa kanilang mga kilos, nagawa at pag-uugali. Nga lamang, hindi ito
ang katotohanang nais ipahayag ng nanununya bagkus ay ang pang-iinsulto sa
sinasabihan.

Sa pariralang “ang lalim mo naman”, pilit sinasabi ng nagsasalita na lumabis


ang kanyang pagiging malalim. Hindi sinasabi ng nanununya na siya ay mababaw,
i.e. ang kabaliktaran ng malalim. Mahalagang maging malinaw na ang pagiging
sobrang lalim ang nais ipahiwatig ng nagsasalita at hindi ang tuwirang kabaliktaran
nito bilang mababaw. Ibig sabihin lamang, tila bagang hindi naintindihan ng nakikinig
ang sinasabi ng nagsasalita kaya niya nabanggit ang panununyang ito. Sa
pamamagitan ng pagsasabi nito, nagbibigay ng sensyales ang nakikinig na lampas
na ang mga ideyang sinasabi ng nagsasalita sa kanyang kakayahang mag-isip. Kaya
naman, hindi sinasabi ng nakikinig na mababaw ang nagsasalita ngunit sinasabi niya
na hindi na niya maintindihan ang kaniyang sinasabi. Sa kabila nito, mahalaga ding
tukuyin na hindi lamang nasasambit ang pariralang ito ng mga nahihirapang
umintindi sa isang nagsasalita. Mayroon ding mga pagkakataong naiintindihan naman
ng nakikinig ang sinasabi ng kanyang kausap pero pinipili pa rin niyang manunya.
Maaaring isipin na ang dahilan nito ay ang nakikinig at nanunya ay mas magaling sa
nagsasalita. Ngunit kung ito ang sitwasyon, dapat munang tanungin kung paano
naging mas magaling ang isa doon sa isa. Ang sagot sa tanong na ito ay magiging
malabo sapagkat kailangan pang alamin kung paano nagiging mas matalino o mas
magaling ang isang tao. Bukod pa rito, hindi ito usapan ng pagiging mas matalino o
mas malalim bagkus ay usapan ito ng diskurso ng dalawang tao na nagkataong
mayroong isang nagsalita ng mga malalalim na bagay. Kaya naman, ang maaaring
maging dahilan lamang ng panununyang ito ay ang kawalan ng kagustuhang
makinig. Wala na sa saklaw ng kanyang gustong paksa ang mga sinasabi ng kanyang
kausap kaya nagawa niyang manunya. Maaaring ngayon lamang niya narinig ang
mga malalalim na bagay na ito at kanyang nainitindihan o kaya naman ay alam na
niya ang mga bagay na ito kaya siya nanunya. Sa kabila nito, parehas na aksyon pa
rin ang ginawa ng nakikinig at ito ay manunya.
15

Sa kabilang banda naman, ang “eh di ikaw na” naman ay nagpapahiwatig na


ang obheto ng pinagsasabihan, i.e. “ikaw”, ay nagsasabi na iba na siya sa kanya.
Dito, tuwirang kabaliktaran ang pakapahulugan ng ikaw o ng kapwa. Nabanggit sa
itaas na ang “ako” at ang “kapwa” ay hindi magkaiba sa pananaw ng mga Pilipino.23
Ngunit, sa pagsasambit ng panununyang ito, tila bagang naiiba na ang “ako” at ang
aking “kapwa”. Kung ipinagpapalagay ng nagsasabi na “ikaw na ang magaling” sa
isang panununyang paraan, pinapahiwatig nito na naiiba na siya sa iba. Sa
pakiwaring ito, ang “ako” at ang aking “kapwa” ay nagkakaroon ng hiwalay na
ugnayan. Sa ganitong palagay, sinasabing nasa mas nakakaangat na estado ang
pinagsasabihan sa isang panununyang paraan. Ang nakakaangat na estado na ito ay
hindi karaniwang ginugusto ng mga Pilipino sapagkat ang konsepto ng pagiging
mataas ay nagpapahiwatig ng dominasyon at opresyon. Kaya naman, tunay na
nagiging hindi na pantay ang kanilang kalagayan. Pinapahiwatig nito ang
paghihiwalay ng “ako” at ng “ikaw” na dati’y iisa lamang sa Pilipinong konsepto ng
kapwa. Sa pakiwari ng manunulat, ang panununyang ito ay nagsusulong ng
duwalistikong pandaigdigang pananaw. Sa pamamagitan ng panununyang “eh di
ikaw na”, nasisira ang nakapayamang konsepto ng kapwa bilang iisa at magkaugnay.
Pinapahayag nito ang paghihiwalay ng “ako” at ng “ikaw” na dati ay iisa.

Kaugnay ng huling nabanggit, ang pagiging “magaling” ay nagpapahiwatig ng


pagiging angat sa kapwa, sa pananaw ng nanununya. Maaaring hindi na niya gusto
ang pagiging angat na ito kaya niya nasambit ang panununya. Sa pamamagitan nito,
tila bagang kinukutya niya ang pagiging magaling ng kanyang kausap upang
magmukang walang saysay ang kaniyang sinasabi kahit sa katotohanan ay mayroon
itong saysay o laman. Hindi sa itanatanggi na nanununya ang kagalingan ng kanyang
kasaup bagkus ay hindi niya kinikilala ang angking husay nito. Sa madaling salita,
ang pagkilala (recognition) sa galing ng nagsasalita ang pinupunto rito at hindi ang
katotohanan kung magaling o hindi ang tinutuya. Nagiging katawa-tawa ngayon ang
nagsasalita sa harap ng kausap dahil hindi nakilala ang kanyang mga ideya at iniisip.

23
Rodriguez, “E, di Ikaw na ang Matalino!”, 116.
16

Sa halip na magkaroon ng isang magandang diskurso, natitigil ang magandang paksa


sa isang panununya.

Ang Laban-Intelektwalismo (Anti-Intellectualism)

Ang lahat ng ito ay nagpapahiwatig na ang kultura ng panghihiya sa matatalino


sa pamamagitan ng panununya ay nagsusulong ng laban-intelektwalismo. Ang laban-
intelektwalismo ay ang “hinala sa buhay ng pag-iisip at ng mga itinuturing na
kumakatawan dito; at isang disposisyon na patuloy na mabawasan ang halaga ng
buhay na iyon.”24 Ito ang pakapahulugan na ibinigay ni Hofstadter na nagpapahiwatig
nang hindi pagkagusto sa anumang “buhay pag-iisip” o kaya nama’y ay ang
pagmamaliit nito. Tila bagang hindi mahalaga ang anumang diskursong pang-
intelektwal at ang sinumang magtangkang gumawa nito ay hindi kanais-nais sa mata
ng ibang tao. Ang konseptong ito, bagama’t hindi dominante, ay laganap at
mababanaag sa kultura ng panghihiya sa matatalino. Sa pamamagitan ng kulturang
ito, hindi nabibigyang halaga ang anumang matalinong diskurso at ang masama pa
ay minamaliit pa ito.

Ayon kay Niels Mulder, may iba’t-ibang dahilan kung bakit nagiging talamak
ang konsepto ng laban-intlektwalismo dito sa Pilipinas. Una na sa mga dahilan ay
ang pinagpupunyaging kultura ng mga Pilipinong pakikisama.25 Sa Elements of
Filipino ni Leonardo Mercado, nabanggit niya na ang pakikisama ay ang
“pagsasakripisyo ng sariling kagustuhan para sa kapakanan ng grupo.”26 Sa mga
Pilipino, kapag mas pinaboran niya o mas binigyang pansin ang sarili niya, maging
kapakanan man niya o mga ideyolohiya, masasabihan siyang “walang pakisama”.
Kung tutuusin, hindi naman masama ang kultura ng pakikisama. Sa oras na
mayroong mahalagang pangangailangan ang isang grupo, hindi mahirap para sa mga
Pilipino ang isuko ang sarili niyang kagustuhan. Makikita ang kulturang ito sa mga

24
Richard Hofstadter, Anti-Intellectualism in American Life (New York: Knopf Doubleday, 1963), 7.
25
Niels Mulder, “Philippine Enigma”, 2016, 237,
https://www.researchgate.net/publication/324073420_The_Philippine_Enigma.
26
Mercado, Elements of Filipino Philosophy, 97.
17

paaralan kung saan ang mga mag-aaral ay may mga pang grupong gawain. Bagama’t
mayroon silang sariling mga kailangang gawin bilang isang indibidwal na mag-aaral,
mas uunahin nila ang pangangilangan ng grupo kaysa sa kanilang sariling
pangangailangan. Dagdag pa rito, makikita din natin sa bawa’t eleksyon ang mga
poster at mga motto ng mga kumakandito na “bayan muna bago ang sarili.” Sa
ganitong pananaw, hindi nagiging indibidwalistiko ang mga Pilipino bagkus ay
palaging mayroon o kasama sa isang sakop, sa pananalita ni Mercado.27 Nga lamang,
hindi sa lahat ng oras at pagkakataon ay nakakatulong ang kulturang ito sa buhay
ng mga Pilipino. Sa pagkakataong mayroong tinutuya dahil sa pagiging matalino ng
isang tao, kadalasang hindi na ipinipilit pa ng natuya ang kanyang mga magagandang
nasabi dahil mas iisipin pa niya ang kanyang pakikisama sa nanunuya sa kanya. Mas
pinapahalagan ng mga Pilipino ang relasyon nila sa iba kaysa sa pagpipilit ng kanilang
kagustuhang makipagdiskurso na hahantong sa hindi pagkaka-unawaan. Bukod pa
rito, idinagdag pa ni Mulder na “hindi hinikayat sa lipunang Pilipino ang mga
sumasalungat na opinyon.”28 Kadalasang itinuturo sa tahanan na laging rumespeto
at huwag sumagot sa nakakatanda. Kapag ginawa ito ng isang Pilipino, matatagurian
siyang walang galang o kaya naman ay walang modo. Sa ganitong pananaw, ang
anumang salungat na opinyon o ideya ay hindi kanaisnais at walang puwang sa
lipunan. Kaya naman, ang isang matalino na nagpapahayag ng isang ideya, lalung
lalu na kung ito’y isang rebolusyonaryong ideya ay agad tinutuya at minamaliit.

Ikalawa, ang mga gawaing pagbabasa at pag-aaral ay hindi ipinagpupunyagi


kung ito’y walang pang-ekonomiyang pakinabang.29 Dala ng kahirapan at
kapitalistang lipunan, nananaig ang mga praktikal na mga aktibidad para mabuhay.
Kung mag-aaral ang isang Pilipino dahil lamang gusto niyang mag-aral at mangalap
ng kaalaman, maaaring tuyain siya at matanong pa kung para saan ang kanyang
ginagawa. Laging tinatanong ng isang mag-aaral kung “ano ang magiging trabaho
niya pagkatapos mag-aral.”30 Hindi na masyadong binibigyang pansin ang pagtuklas

27
Ibid.
28
Mulder, “Philippine Enigma”, 237.
29
Ibid.
30
Emirita Quito, The State of Philosophy in the Philippines, (Manila, Philippines, 1983), 52.
18

ng karunungan para sa sarili nito bagkus ay ang pang-ekonomiyang pakinabing nito.


Mapapansing kakaunti na ang tumitigil sa akademya upang magbigay buhay sa mga
pananaliksik at pagtuklas sa kaalaman dahil sa napakaliit na sweldo na nakukuha nila
sa mga gawaing ito. Isang magandang halimbawa na rito ang pagkuha ng kursong
Pilosopiya sa kolehiyo. Kadalasan, kinukuha lamang ito ng mga mag-aaral upang
maging tuntungang-bato o stepping stone para kunin ang iba pang kursong mas may
pakinabang sa kanyang pang-ekonomiyang sitwasyon. Pagkatapos matapos ang
nasabing kurso, kadalang pag-aabogasya ang tinatahak na landas ng mga mag-aaral
na totoo namang napakalaki ng kinikita. Sa pakiwari ng manunulat sa ganitong
kalagayan, ang Pilosopiya na siyang naghahasa sa kritikal na pag-iisip at pagtuklas
sa katotohan ay walang silbi kung ito’y walang dalang benepisyong pinansyal. Hindi
rin natin masisisi ang mga Pilipino sa ganitong klaseng kaisipan dahil karamihan sa
mga Pilipino ay mayroong problemang pinansyal at sapat lamang ang kanilang pang-
ekonomiyang kondisyon para kumain ng tatlong beses sa isang araw. Nakagisnan na
ng mga Pilipino na maging praktikal sa buhay, ang maghanap ng trabaho upang
kumita, mag-aral upang matulungan ang pamilya at magtayo ng negosyo upang
mayroong makain. Sa mga kaisipang ito, naging bunga naman ang pagmamaliit sa
paghahangad sa katotohan para sa sariling kapakanan nito.

Ikatlo at panghuhuli, ang konspeto ng mga Pilipino ng isang maganda at


maayos na buhay. Ang isang maganda at maayos na buhay para sa mga Pilipino ay
isang buhay kung saan lahat ng pangangailang niya ay nasa kanya at ganoon din
naman, nakukuha niya ang lahat ng kaniyang gusto. Mataas mangarap ang mga
Pilipino, lagi niyang sasambitin na balang-araw, magiging mayaman siya at
maiaangat niya sa kahirapan ang kanyang pamilya. Magkakaroon siya ng malaking
bahay, maraming sasakyan at sasabihin pa nga ng iba’y magkakaroon siya ng
magandang asawa. Kung tutuusin, wala namang mali sa ganitong pananaw, nga
lamang nagiging malabis na ideyalistiko ang mga konseptong ito at hindi nabibigyang
pansin ang mga paraan upang makamit ito. Kaya ang nangyayari, nasanay at
nasasanay pa ang mga Pilipino na manatiling libangin ang kanilang mga sarili sa
pangangarap na ito. Sa kurso ng pangangarap na ito, may mga pagkakataong
matutuklasan niya na hindi niya kayang abutin ang pangarap na ito kaya ang
19

magiging resulta nito, itutuon na lamang niya ang kanyang pansin sa ibang bagay.
Kadalasan, naghahanap siya ng aliw sa mga pagkakataong ito. Ang patuloy na
paghahanap ng aliw na ito ang siyang pumupuril sa pagtuklas ng kaalaman. Ang
“pagbibidyoke, panunuod ng tele-nobela at patuloy na pagsubaybay sa mga
mayayaman at sikat ang siyang nagpapayabong sa laban-intelektwalismo.”31 Ang
mga halimbawang nabanggit ay halimbawa ng mga aliw na ipinagpupunyagi ng mga
Pilipino. Sa kadahilanang ito, hindi na napapansin ang kahalagahan ng pang-
intelektwal na gawain at paghahanap sa katotohanan. Tila bagan nilulunod ng mga
Pilipino ang kanilang mga sarili sa aliw upang makalimot sa kabiguang makamit ang
isang maganda at maayos na buhay.

Paglalagom

Sa kabuuan, ang “kultura ng panghihiya sa matatalino” sa pamamagitan ng


panununya ay isang kultura kung saan isinusulong nito ang konsepto ng laban-
intelektwalismo. Pinupuril ng “panghihiya sa matatalino” ang intelektwal na
kaganapan kung saan marami ang naghahangad na maisakatuparan, ngunit marami
rin naman ang lumalaban. Ang mga pariralang, “ang lalim mo naman”, “eh di ikaw
na” at “ang galing mo naman” ay mga nakikitang artepakto o mga bagay na makikita
sa lipunan na mayroong malalim na implikasyon. Sa mga pariralang ito, mababanaag
ang mga pagpapahalagang Pilipino tulad ng pagiging magaling, ang konsepto ng
kapwa at ang hindi duwalistikong pananaw ng mga Pilipino. Sa kabila nito, sa
paggamit ng mga pariralang ito bilang panununya, makikita ang mas malalalim pang
implikasyon nito. Ang pinagbabatayang pagpapalagay nito ang siyang tunay na
nagpapakita ng dahilan ng pag-iral ng mga pariralang ito. Kasama na rito ang
konsepto ng pakikisama, ang istraktura ng ating lipunan bilang isang kapitalistang
lipunan at ang konsepto ng isang maganda at maayos na buhay. Ang mga tatlong
nabanggit na pinagbabatayang pagpapalagay na ito ang siyang dahilan kung bakit
nagiging talamak ang kultura ng “panghihiya sa matatalino”. Sa kadahilanang ito,

31
Mulder, “Philippine Enigma”, 241.
20

umaambag ang kulturang ito sa pagiging laban-intekletwalismo ng mga Pilipino.


Kung magpapatuloy ang ganitong kultura, hindi malayong tuluyang mapuril ang
kalagayang intelektwal ng Pilipinas. Tanging ang mga may lakas ng loob lamang ang
kayang umigpaw sa ganitong kultura na siyang magpapatuloy ng pag-unlad ng mga
kaalaman.
21

TALASANGGUNIAN

Agcaracar, Samuel Naceno, Interculutrality in the Service of Communion:


Exploring New Pathways of Mission (Manila, Philippines: Logos Publications,
2019).

Almazan, Vanessa, A. and Bain Steve F. “College students’ Perceptions of Slut-


Shaming Discourse on Campus.” (May 2015): 2.
https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1062095.pdf.

Camp, Elisabeth. “Sarcasm, Pretense, and The Semantics/ Pragmatics


Distinction.” (January2011): 1.
https://www.sas.upenn.edu/~campe/Papers/Camp.SarcProofs.pdf.

Eberhard, David M., Gary F. Simons, and Charles D. Fennig (eds.). Ethnologue:
Languages of the World. Twenty-second edition. Dallas, Texas: SIL
International, 2019.Online version: http://www.ethnologue.com.

Guillermo, Bomen. “Pagkataong Pilipino: Isang Teorya Sa Lalim Ng Banga.”


https://www.researchgate.net/publication/305776939_
Pagkataong_Pilipino_IsangTeorya_sa_Lalim_ng_Banga.

Hofstadter, Richard. Anti-Intellectualism in American Life (New York: Knopf


Doubleday, 1963).

Merleau-Ponty, Maurice, Sense and Non Sense (Evanston, Illinois: Northwestern


University Press, 1964).

Ramirez, Francis Beatta M. “Body Shaming Ideologies in Women’s Health


Magazine Covers in the Philippines.” Body Shaming Ideologies in Women’s
Health Magazine Covers in the Philippines. Academia.edu, n.d.
22

https://www.academia.edu/34093602/BODY_SHAMING_IDEOLOGIES_
IN_THE_PHILIPPINES.

Rodriguez, Raphael, D. “E, di Ikaw na ang Matalino! Isang Pagsusuri sa


Penomenon ng Smart-Shaming sa mga Pilipinong Gumagamit ng Facebook.”
Diwa E-Journal 116, no. 5(November 2017):116.
http://www.pssp.org.ph/diwa/diwa-e-journal-tomo-5-nobyembre-2017-e-di-
ikaw-na-ang-matalino-isang-pagsusuri-sa- penomenon-
ng-smart-shaming-sa-mga-pilipinong-gumagamit-ng-facebook.

Schein, E., H. (1990). Organizational Culture, 109-119. Retrieved from


http://ciow.org/docsB/Schein(1990)OrganizationalCulture.pdf

Timbreza, Florentino, T. Sariling Wika at Pilosopiyang Filipino (Quezon City: C &


E Publishing Inc., 2008).

Wittgenstein, Ludwig, Philosophical Investigations (Great Britain: Basil Blackwell,


1986).

You might also like